Yoni-lingam configuration in the aroid lily.
“… bring on an assortment of characters to weigh the word and show me its meaning in my own life.”
Ray Bradbury
MAAARI nang ipasok sa aklat ng mga patay na dalangin o Necronomicon ang mga salitang ito— so effete and out of fashion, largely unused and unheard of these days digital—(1) aubade o pagbati sa bukang-liwayway, dalangin ng pasasalamat; (2) angelus o orasyon, paglilimi at dasal na naman sa takip-silim kasabay ng mga butiki, kuliglig at karag, at (3) isha, dasal na naman bago humimlay, tiyak may sahog pang umaatikabong hikab tulad ng kay Datu Unsay Ampatuan, pwe-he-he-he!
Hindi naman siguro manghihina—seven days without prayer makes one weak—kundi manghihinawa… hindi na kasi uso. Nakasuksok na sa kung saang libingan ang mga ganitong gawi, pero kapag may pagsuyo… hugot-suksok, hugot-suksok, hugot-suksok pa rin para may maluwalhating kinalalabasan.
Nanghilakbot muna saka sinabi sa ‘kin ng isang guro na pinakialaman daw ng isa niyang pamangkin ang kanyang Necronomicon… binasa raw nang malakas ang isang dasal… sinagpang ng maamong aso, naulol siguro nang makarinig ng patay na dasal… Kibit-balikat lang sa kuwento, canine hearing is nearly two dozen times keener than a human’s and we’ve been torturing canines with pyrotechnics noise at every year-end— so let sleeping dogs lie just like one Gloria and her running dogs…
Teka, dapat na kilatisin muna’t iburol, paglamayan ang mga katagang ibabaon sa aklat ng mga patay na dasal.
Katunog sa mariing bigkas ng namayapang Odette B. Alcantara, oh, bahd—ang sama!—ang bigkas sa aubade… katumbas ‘to ng sadhana sa Sanskrit, “disiplina” ang katuturan… makakalkal ang bio-pic ng isang dating Pangulo ng bansa, “Iginuhit ng Tadhana,” Written by Destiny… mabubungkal din, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”
Sadhana = sa (all) + dhana (blessings).
Tsk-tsk-tsk…’kakapanghinayang ibaon sa libingan ng mga patay na dasal ang lahat ng biyaya…
Entonces, kahit na kay O-Sensei Morihei Ueshiba, ama ng aikido… sa kanya napulot ang aubade, magtitiis na lang ipagpatuloy ang ganoong gawi sa bukang-liwayway… para kahit naghihingalo, masalinan ng katiting na hininga.
Umaarangkada na ang prime time TV sa pagsapit ng angelus o orasyon… talagang makikipagpaligsahan ang usal-dasal sa tungayaw, tilian, at sigawang ikinukuskos ng soap opera, pero mas gusto kong isalaksak sila sa washing machine.
Sablay pala ang sabi si Henry David Thoreau, “men lead lives of quiet desperation,” aba’y mas makapal pa sa libag at dumi ng taong-grasa ang ingay na umiilandang sa prime time… para maiba lang, tuloy pa rin ang pagdaraos ng orasyon— kasintunog kasi ng oras-oras, rasyon… eh, pandalas na maidasalsal, “give us this day our daily broad…”
‘Yun ang sapak na pagkain sa araw-araw, gabi-gabi, cholesterol-free, non-fattening, and gives copious jolts of oxytocin, the happy hormone… but this diet can only be enjoyed by those with members of good standing, mwa-ha-ha-haw!
Isha muna bago matulog, mahal.
Comments