ANUMANG lutuin na sinangkapan ng kamatis, masasamahan din ng balanoy, albahaka o basil— na pangkontra sa mga di-kanais-nais na alimuom, singaw at alingasaw mula sa mga masasamang loob… nagtataboy din ng lamok, pati na Aedes aegypti o lamok-bulik na naghahasik-lagim ng dengue.
Sagradong halaman ang balanoy, panalo talaga sa mga salsa at lutuing pasta—iniaalay ang dahon at bulaklak nito kay Krishna—uh, what’s a name, you can also call Him Yahweh, Jove, Ama or Amaterazu o Kami-- upang kasihan ng kaligtasan, tibay ng katawan at magandang kapalaran. Gamot din sa kabag, matinding hilab ng tiyan at sakit ng ngipin.
Karaniwang sa dakong silangan o sinisikatan ng araw at kaliwang bahagi ng pintuan ng pamamahay itinatanim ang balanoy—para maikalat ng hanging amihan ang mga kemikal na taglay nito.
May mabibilhan sa mga nagtitinda sa Manila Seedling Bank Foundation, kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City, sa Bureau of Plant Industry nursery sa Visayas Avenue, Quezon City o San Andres, Maynila o kahit sa mga nagtitinda sa likuran ng Mahogany Market sa Tagaytay City ng iba pang halaman na mabisa sa pagtataboy ng lamok:
(1) citronella or lemon grass o tanglad na sangkap sa roast chicken at lechon, mainam din kontra alta-presyon;
(2) bride of the sun or marigold o amarilyo, na mas mainam itanim sa gawing kanluran o sa kusina upang maging magaan ang pagpasok ng salapi sa pamamahay;
(3) malvarosa, sangkap sa mga kusilba at atsara lalo sa minatamis na makapuno;
(4) chrysanthemum o manzanilla at kahit kaanak nitong damong-maria na talagang pinagkukunan ng plant-based insecticides and a nerve poison slathered at the tips of throwing daggers and star knives;
(5) sweetsop o atis;
(6) madre de cacao o kakawate, matamis ang mga talulot, sapak na ensalada; at
(7) linga (literally, “penis” in Sanskrit) or sesame.
Ah, Musa… may Musa coccinea sa aking halamanan, saging din na ang mga murang saha ay paboritong sigirin ng mga lamok—kabilang pati lamok-dengue—na itinatanim sa hilagang silangan ng tahanan bilang pagpupugay o parangal kay Lakshmi, bathaluman ng kariktan at kasaganaan sa pamumuhay. Kailangang diligan tuwing Huwebes bilang pagbati sa naturang diyosa.
Pangwaksi rin sa sunog at kapahamakan ang pakay sa pagtatanim ng saging sa loob ng bakuran… aaminin kong madalas na magkamali, kung saan-saang lungga ng dilag nakakapagtulos ng saba.
Napagbilinan ang kumare, huwag munang pakainin ng saging ang aking musmos na inaanak… sumisingaw kasi ang taglay na biokemikal ng saging sa balat ng kumain, talagang pupupugin ng lamok.
Pero hindi siya napigil nang sa saging ko nanggigil, she just went bananas!
Comments