MAKAKASUNDO niya ang tulad niya— pero mahirap yatang tularan ang kanyang halimbawa.
Sa ilandang pa lang ng bunganga, ipagkakanulo’t ibubunyag ang antas ng pinag-aralan. Wala namang nasasambit man lang na pinagmulang pamantasan o kahit mataas na paaralan. Kung nakapagtapos ka sa kolehiyo’t may pinagdalubhasaan, itatapon mo ba ‘yon o itatakwil ang alma mater para maging katulad niyang hunghang?
Kung naglingkod ka sa sandatahang lakas, isinugal ang bayag at buhay para sa karampot na suweldo—sige na nga, para sa kapakanan ng bansa—ibabasura mo ba ang mga karanasan na humubog sa ‘yo—kahit may post-traumatic stress syndrome ka pa-- para maging katulad ng isang nagpapalaki lang ng bayag?
Kung sa edad-10, nabanat na ang katawan sa disiplina ng sining-tanggulan… nagkamit na ng kuro-obi pero patuloy ka pa rin sa pagsasanay na nakagisnan, itatapon mo ba pati ang disiplinang ‘yon para makagiliwan at mapagaya sa isang hungkag sa anumang disiplina ng katawan, lawlaw ang bilbil at hilahod kaysa kuhol kung maglakad?
Kung abala ka lagi sa gawain para kumita ng kahit P5,000 lang sanlinggo sa pinagpigaan ng pinatalas na isip at masinsinang pananaliksik, ibabasura mo ba ang ginagawa mo pati na ang kinikita mo para matanggap na kaibigan ng isang walang trabaho’t walang pagkakakitaan?
Kung 160 ang intelligence quotient mo, iuumpog mo ba ang ulo sa pader para makalog ang isip mo’t mabobo para mapasama sa mga gunggong na bobo?
Kung tatlong dilag ang—at tatlo pa ang nakapila-- kailangang buhusan ng kani-kanilang dilig, ipagtatabuyan mo ba sila’t walang hinayang na tatalikuran… para maging katanggap-tanggap sa isang talamak na ang erectile dysfunction?
Kung pulos may mataas na pinag-aralan ang mga anak mo’t madalas na sumangguni sa ‘yo hinggil sa mga problemang kaugnay sa kanilang propesyon, tutuwaran mo ba ang mga anak at mga obligasyon sa kanila para maging katulad na katulad ng isang ni hindi napagtapos ang sarili sa kolehiyo?
Makakasundo niya ang tulad niya—mahirap yatang tularan ang kanyang halimbawa.
Kung nakasanayan mo nang gambalain at gimbalin sa dasalsal sinuman kina Allah, Krishna o Yahweh nang makailang ulit sa araw-araw, titigilan mo ba ang ganoong bisyo para maging kagaya ng isang pulos putak at alimura lang ang namumutawi sa bunganga?
Isa kang barracuda at namihasang makilangoy sa kawan ng kapwa barracuda, itatakwil mo ba ang pagiging barracuda, magtatanggal ng gulugod para makilangoy sa dikya?
Kung sumusulat ka ng talumpati sa kung sinu-sino para bigkasin sa kung anu-anong pagtitipon, iiwanan mo ba ang mga nagpapasulat sa ‘yo para maging katulad na katulad ka’t makagiliwan ng masahol pa sa manok na putak lang nang putak?
Naitatanong lang ito sa sarili… kahit naman yata noong nag-aaral pa lang ng marami ring taon, hindi na nakagawian na kumopya sa bobo’t walang alam…kahit mas marami pa ang bilang ng mga hunghang, mangmang, gunggong at utak-abo… kahit mas marami pa silang boto at sila ang nagpapanalo ng kandidato sa eleksiyon.
When in Rome, do as you damn well please… ano bang do as the Roman Catholics do, pwe-he-he-he!

Comments