INABO nitong Setyembre 28, 2010 ang labi ng kusinera ng isang angkan sa San Juan… higit sa anim na dekada siyang naglingkod. Natipon sa isang aklat ang mga nilikha niyang lutuin, hinalaw at sininop mula panlasang Samtoy at Español… angkin pa rin ng angkan ang lihim ng kanyang mga sangkap sa pagluluto. Naiambag niya ang ilang putaheng mula hurno sa bawat kaarawan ng apat na musmos noong supling— pawang may kani-kaniya nang larangan ng kabuhayan sa ngayon. Higit anim na dekada— over three lifetimes spent mostly in alchemies of the hearth playing with fire, nourishing souls. Sa bawat kabanata ng pagluluto—lalo kung kahoy ang gatong na katumbas sa paghitit ng sangkahang sigarilyo—natatalbusan ang buhay ng nagluluto… Pero tila dulo ng halamang baging na kahit talbusan, paulit-ulit na mag-uusbong, muli’t muli may ililiyab na phosphorous sa murang usbong, laging lalagablab… ganoon ang gawi ng halaman sa pagsasalin ng phosphorous sa mga dulo ng usbong. Sa katiting na sangkap, may itutustos n
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.