Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2010

F4

FIND them. Fix them. Finish them. F—k them… that’s infantry tack. On a subliminal level, infantry writing grabs a reader between the ears and the thighs with a slant that engages the basic human instincts, ah, (1) feeding, (2) fighting, (3) fleeing, and (4) whatever F word that becomes flesh in emission testing centers occupied for a short time by a couple. Higit sandosenang kabataan ang nakinig sa ‘kin… nagsimula akong pumutak ikasiyam ng umaga… tanghalian na nang mairaos ang salsal-salin-aralin… mainam ang kinalabasan, pulos nanlalagkit na naman ang pukol ng tingin ng mga tinuruan. Kasunod ang kainan… tanghalian na kasi… binayaran ako ng kung ilang libong piso lang sa ganoong panayam… inimbita kasi ‘kong magsalita ng isang kaibigang opisyal sa Army… so I indulged them, left most of them in stitches… and had they given me more time, I would likely have left some of them without a stitch on and done with my liberties. (‘Yung kalapit-bahay na gunggong, pumuputak ‘yon buong maghapon at ...

BLOWN JOB OPENING

I'd rather go between a maiden's both legs opening than have a go into dubious job openings. MAGHUNOS-DILI muna, katotong Willy Valdez… bago ituloy ang binabalak— a first of its kind in world’s annals of crime, elevator hijacking! —upang itorotot sa buong Pilipinas na ang mga tulad mong lampas edad-50, hindi na dapat mangarap na tatanggapin pa sa trabaho. Aba’y batikan ka na rin naman sa racket science at pakikinabangan ang ganyang kakayahan… napakaraming korporasyon ang may dirt-poor, if not downright miserably destitute image problem. Parang taong-grasa na nanlilimahid sa libag, wala namang kalibog-libog. Kailangan nila ang mga dalubhasang kagaya mo… para ipaglubluban sila sa dagat ng deodorant … at banlawan sa swimming pool ng pabango. Nakalkal ko ‘to sa JobOpenings.ph , dalawang puwesto ang bakante sa International Container Terminal Services Inc. sa Port Area, Manila… public relations assistant, public relations officer … aba’y mas mahirap pang humarap sa mabotehang u...

BE LAME GAME

Hungry ghosts believed to be unleashed from hell... they are appeased with food delicacies, not necessarily a blood bath. “If you would be a leader, you must claim every disgrace of the state Take all the offenses of the state as your own burden How can you be honored if you run from dishonor? ” Lao Tzu, Tao Te Ching “Think globally, act locally .” PITO ang mga kapatid na barako sa Tanauan, Batangas na lupalop ng balisong at tirong— katumbas ng ronin o lagalag na samurai ng Japan. Pulis ang isang bayaw sa kapatid na babae… idagdag pang naglipana sa hanay ng mga pinuno ng pulisya—karamiha’y nasa Metro Manila-- ang iba pang kaanak sa panig ng aming ina. Kaya bahintulot at tamilmil pumiyok hinggil sa tatawagin kong “ Luneta Lunacy ” nitong Agosto 23… baka may masagasaan lalo’t makakantiyawan, guys, you’re all tough as nails so we ought to call you Philippine Nail Polish . Tiyak na magkakaharap kami sa maboteng usapan— in vino veritas, truth serum ang alak pa—at tiyak na makikipagpambuno...

OVERLINGS

“Men at some time are masters of their fates: The fault, dear Brutus, is not in our stars, But in ourselves, that we are underlings.” NAGPASULSOL sa tagapayong namihasa sa tingalangit— that’s short for skygazing —kaya nitong Agosto 14, binuo sa durog na mais sa harap ng pintuan ng aming pamamahay ang sagisag ni Uranus… para daw rumagasa ang tala-talaksang biyaya at suwerte sa aming bahay at buhay hanggang Marso 2011. Wala namang mawawala kung susundin ang habilin kaugnay sa pagtuntong ng naturang planeta—mula salitang Griyego na ang tahasang katuturan ay “lagalag” o “gala”—sa bungkos ng mga bituin na sumasagisag sa kambal na isda o Pisces. Wala pang 15 minuto, sinimulan nang simutin ng kawan-kawang langgam bawat durog na butil ng mais. Agosto 20. Umaga. Tinawagan ang anak na ilapag sa dakong silangan ng kanilang bahay ang nakahawlang kuneho ni Musa… para naman sa mas tiwasay, tigib pagmamahal at magaang na pamumuhay ng pamilya. Sinunod na naman ang tagubilin ng tagapayo. Wishcraft. Sal...

TALUMPATI

BRINJAL patty, that’s what it is in English. In Ilocano, puki-puki —eggplants charcoal-broiled and skinned, the pulp mashed, then sautéed in olive oil with lots of minced garlic thrown in. Goes well with broiled fish and roast chicken, uh, eggplants have been found to pare down levels of low density lipoproteins—the “bad” cholesterol—in the bloodstream. Solanum melongena -- that’s the Latin name-- has been found to be rich in flavonoids with antioxidant activities that combats signs of aging and protects the bone marrow… kaya madalas na pinapakain ng talong ang mga kaliyag at kaliyab. Too, studies show eggplants “may be of benefit for patients suffering from raised intraocular pressure (glaucoma) and convergence insufficiency.” Kasabihan nga, kalabasa ang gulay na pampalinaw ng mata; talong naman ang pampatirik ng mata… probably if such a veggie, particularly the elongated variety is stuffed… in the proper orifice. It’s the stuff of language when a babbler—most are in broadcast media ...

SANLINGGONG GAWA-BATA

Crisp-fried elephant foot yam or pungapong . PITO ang kanyang naging anak, kung saan-saang panig ng bansa napadpad. Isa-isa niyang dinalaw, inalam ang kalagayan. Gano’n lang ang takbo ng nahapyawang nobela… na talagang payat at payak ang ubod at buod—isalin sa sariling pamumuhay ang mga nalaman o naunawaan sa buhay. Pulos pobre pa sa daga ang kalagayan sa buhay ng mga anak na dinalaw… kaya humihilahod sa buntong-hininga, hikbi, hapdi at hapis na hinagpis ang usad ng binabasa. ‘Kakapika talaga kapag namihasa na sa maliksi’t rumaragasa… humaharurot, bumabarurot na musika nina Johann Sebastian Bach, Antonio Vivaldi at Van Halen… sabi nga’y the quality of your movement determines the quality of your life. And there’s broad hint of rape in rapid, rapids, rapine… ave de rapiña. Hindi tinapos basahin ang nobela. Sanlinggong gawa—pitong anak natiyanak pawang sa dalita nasadlak. Ni hindi nagpahinga sa araw ng pangilin… sa Diyos ang awa, sa tao ang gawa-bata… kaya dumadanak, sumasanaw pa rin an...

Labas sa kuwarta o kahon

KULANGOT man ang sosyo sa Hacienda Luisita nina Presidentita Cory at mga anak, simbigat ng batong ilohan— a huge carabao-driven stone cane-crusher —ang nasabit sa kanilang leeg… ipinagduduldulan ng mga Kaliwa’t Saliwa dapat ipamahagi na ang sugar hacienda ng angkang Cojuangco sa mga nagsasaka nito bilang pangunahing halimbawa ng pagpapatupad sa repormang pansakahan… na hindi nagawa ni Tita Cory, malayong maipatupad nina Noynoy at mga kapatid. Kukutuban… mga Kaliwa’t Saliwa ang kapural nang harangan at tulusan ng mga bandilang pula ang bukana ng Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004—nauwi sa ratratan, 12 humarang pati dalawang bata ang nasawi, daan ang nasaktan… walang nasakote sa mga rumatrat… sinisi ni Noynoy ang mga humarang… nabanggit na karamihan sa mga nasawi ay hindi naman namamasukan sa Luisita… baka minumulto pa rin sila ng mga iyon. Langib ng sugat na natuklap, dumugo uli ang Luisita sa kaigtingan ng kampanya… sabit sa balag ng alanganin ang Noynoy, naungkat ang hindi mat...

Law and short order

In another yoni ... burst from too much screwing, a tragedy transpired. DEEP inside of a parallel yoni … verse, no, make that burst… it’s getting harder and harder, the tear… what came first? While pumping away in a gentle staccato and pondering on the swish and moan of juices mixing, the urgent order came to whip up a decent repast for a busload of tourists from Hongkong held hostage by a dismissed police operative… demands include (1) reinstatement in his job, (2) another chance for Kris Aquino and James Yap to reboot and reformat, (3) Boy Abunda renaming his showbiz talk show, “The Bust” and (4) bring his son over to the scene of an impending tragedy. The Chef hissed out a piqued sigh… and grudgingly went to work even as he glanced at the sauce-splattered repro poster of Da Vinci’s “The Lust Supper” tacked on his kitchen wall… take hostages, what gumption, why, it’s much cheaper to take out hostesses, take liberties with them, no holes barred… And no shot off a Barret M-107 .50 cali...

Aubade, angelus, isha

Yoni-lingam configuration in the aroid lily. “… bring on an assortment of characters to weigh the word and show me its meaning in my own life.” Ray Bradbury MAAARI nang ipasok sa aklat ng mga patay na dalangin o Necronomicon ang mga salitang ito— so effete and out of fashion, largely unused and unheard of these days digital —(1) aubade o pagbati sa bukang-liwayway, dalangin ng pasasalamat; (2) angelus o orasyon, paglilimi at dasal na naman sa takip-silim kasabay ng mga butiki, kuliglig at karag, at (3) isha , dasal na naman bago humimlay, tiyak may sahog pang umaatikabong hikab tulad ng kay Datu Unsay Ampatuan, pwe-he-he-he! Hindi naman siguro manghihina— seven days without prayer makes one weak —kundi manghihinawa… hindi na kasi uso. Nakasuksok na sa kung saang libingan ang mga ganitong gawi, pero kapag may pagsuyo… hugot-suksok, hugot-suksok, hugot-suksok pa rin para may maluwalhating kinalalabasan. Nanghilakbot muna saka sinabi sa ‘kin ng isang guro na pinakialaman daw ng isa ni...

SILICON CARNE

Mangkokolum (right) and flinty journalist Willy Baun enjoy their silicon-rich beers, rather than suck at silicon pacifiers. . SA halip isaksak mas masayang isalin sa katawan ang silicon , ilaklak! Nakapihit na raw ang mundo sa silicon paradigm o mga gawi sa gawain at takbo ng isipan… Kasi, namamayagpag nang lubusan ang silicon microchip semiconductors na laman-loob ng computers, mobile phones at iba pang samut-saring electronic equipments sa tahanan at tanggapan, sa buong lipunan. Bumuntot na sa tayutay ni William Blake hinggil sa pagsipat sa kamunduhan, oops, sanlibutan nga pala… sukat-sipat sa kabuuan ng sanlibutan sa butil ng buhangin. So we now “see the world” as Blake nudged us to do,” in a grain of sand,” which is largely of silicon. Idagdag pa ang kakaibang paraan ngayon upang maretoke ang katawan, silicon augmentation… pagpapatambok sa humpak na suso o tumbong, kahit ilong na parang sinagasa ng pison. Talagang isinasalaksak sa laman—kaya matatawag na maanghang pero malalap...

HSING-I

“The limits of my language are the limits of my mind. All I know is what I have words for.” Ludwig Wittgenstein SANLINGGONG singkad na nasa tuktok ng punong sampalok sa bakuran ng isang kalapit-bahay ang isa naming pusa, si Hsing-I… humihibik o humihikbi yata, hindi mapababa kahit anumang sulsol o bulaga… umuwi lang matapos ang sapilitang bakasyon ko—nabalian ng buto sa paa, tinistis-- sa Capitol Medical Center, sumalubong, pandalas nang kiskis-katawan sa aking binti, magiliw na bumabati. Napulot sa tagpong salpukan nina Nameless (Jet Li) at Sky (Donnie Yen) mula obra ni Zhang Yi-mou-- “ Hero ”-- ang pangalan ng lekat na pusa… bago nagkapingkian ng kani-kanilang hawak na sandata, nagtagisan muna sa diwa o deva (translates to “demigod or godly person” in Sanskrit)… Hsing-I ang tawag sa ganoong pakikilaban… Na umaayon sa tusong tagubilin ni Sun Tzu, dalubguro sa digmaan. Nagaganap daw muna ang labanan sa larangan ng diwa. Sinuman ang manaig doon, ilalapat na lang ang naganap na sa kasun...

Mushin-- lamukot ng lanka

Gourd, an idiom for noggin, noodle, coconut, what's between your ears. NATUTUKOY ang mga taal na katangian batay sa mga panlabas na palatandaan— hermeneutics ang tawag ng katotong Dr. Jimmy Abad sa ganoong pamamaraan. Sa panahon ng mga botox at batak beauty, beauty becomes as elusive as quicksilver, uh, quack silver siguro ang tawag sa mga huwad at balatkayo pala… beauty can’t be grasped in the eyes of the beholder when thoroughly reworked over and over and again and again in the hands of a cosmetic surgeon… Lo se y no lo se and behold, or better yet, hold it… hold it or lose every sense of it… Dumalaw sa dojo ng kapatid sa racket science at hanapbuhay mula pagsusulat… pinansin na maganda raw ang aking bikas at pangangatawan—aba’y kung sinu-sino na ang umalipusta na mukha raw akong hayok na bayawak o modelo sa gamot kontra-bulate sa tiyan… inungkat kung gusto ko bang lumaro ng aikido . Edad-36 raw nang una siyang lumusong sa mga aralin nito… hindi raw kasi niya maitadyak nang ...

When in Rome, do as you damn well please!

MAKAKASUNDO niya ang tulad niya— pero mahirap yatang tularan ang kanyang halimbawa. Sa ilandang pa lang ng bunganga, ipagkakanulo’t ibubunyag ang antas ng pinag-aralan. Wala namang nasasambit man lang na pinagmulang pamantasan o kahit mataas na paaralan. Kung nakapagtapos ka sa kolehiyo’t may pinagdalubhasaan, itatapon mo ba ‘yon o itatakwil ang alma mater para maging katulad niyang hunghang? Kung naglingkod ka sa sandatahang lakas, isinugal ang bayag at buhay para sa karampot na suweldo—sige na nga, para sa kapakanan ng bansa—ibabasura mo ba ang mga karanasan na humubog sa ‘yo—kahit may post-traumatic stress syndrome ka pa-- para maging katulad ng isang nagpapalaki lang ng bayag? Kung sa edad-10, nabanat na ang katawan sa disiplina ng sining-tanggulan… nagkamit na ng kuro-obi pero patuloy ka pa rin sa pagsasanay na nakagisnan, itatapon mo ba pati ang disiplinang ‘yon para makagiliwan at mapagaya sa isang hungkag sa anumang disiplina ng katawan, lawlaw ang bilbil at hilahod kaysa ku...

Halamanan kontra dengue

ANUMANG lutuin na sinangkapan ng kamatis, masasamahan din ng balanoy, albahaka o basil— na pangkontra sa mga di-kanais-nais na alimuom, singaw at alingasaw mula sa mga masasamang loob… nagtataboy din ng lamok, pati na Aedes aegypti o lamok-bulik na naghahasik-lagim ng dengue . Sagradong halaman ang balanoy, panalo talaga sa mga salsa at lutuing pasta—iniaalay ang dahon at bulaklak nito kay Krishna—uh, what’s a name, you can also call Him Yahweh, Jove, Ama or Amaterazu o Kami-- upang kasihan ng kaligtasan, tibay ng katawan at magandang kapalaran. Gamot din sa kabag, matinding hilab ng tiyan at sakit ng ngipin. Karaniwang sa dakong silangan o sinisikatan ng araw at kaliwang bahagi ng pintuan ng pamamahay itinatanim ang balanoy—para maikalat ng hanging amihan ang mga kemikal na taglay nito. May mabibilhan sa mga nagtitinda sa Manila Seedling Bank Foundation, kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City, sa Bureau of Plant Industry nursery sa Visayas Avenue, Quezon City o San Andres, M...

Asindero

DALAWANG pamilya ang humahango ng asin sa 500-metro kuwadradong irasan, tig-sampung sako sambuwan sa kasagsagan ng tag-init. Lumipas ang 20 taon, apat na pamilya na ang humahango ng asin… tiglimang sako. Naisipan na ipatupad ang land reform sa irasan, hinati-hati… lalatagan ng magkahiwalay na pilapil bawat pitak kaya kulang sa tig-125 metro kuwadradong pinitak bawat pamilya… siyempre nagkahindut-hindot ang bulto ng hinahangong asin, nabawasan pa ang limang sako sa bawat pamilya… malaki ang bawas sa kita. Hindi na mahalaga ang kabawasan sa tuusan, nagkahati-hati na, wala nang aangal pa. Tutal, pare-pareho naman silang gunggong, they’ll be clueless on the niceties or maybe efficiencies gained from economies of scale, economies of scope, or Voltes V synergy which is usually whispered in a hissing hot stream of breath to a beloved’s ear, “Let’s bolt in!” Or maybe, it didn’t occur to such nitwits that it’s saner to share among themselves the fruits of the land instead of dividing the land...

ENGLASH

SA iilang nakasubaybay sa aking web log , mas nakararami yata ang nais lang matuto ng wastong English… and I haven’t gone too far with such tongue, mostly it’s stuck sucking or lashing, lapping up labia juices—a tad tart but ambrosial, often prompts a piteous moan or prolonged whinnying-- or flicked in/out as a canny serpent does to palpate ambient air for nearly imperceptible yet subtle changes in the environs. I haven’t told any of such avid initiates that all it takes to cobble sense and keen edge into an outburst is to go physical, yeah, something hands-on… hands are the cutting edge of the body-mind. Do… say. Do… say. Walk the walk, then, talk the walk. Mainam na mauna ang pulos gawa, kasunod ng katiting na ngawa. Para hindi tayo mapahiya o makasuhan ng unjustifiable theft of intellectual property or plagiarism. ‘Yung mga umareglo ng talumpati ni Manny V. Pangilinan na ipinagsabuyan sa mga katatapos sa kolehiyo? Gaya-gaya puto-maya. Talumpati ba ‘yun o talumpunay na ampat sa hik...

Samboteng bilog

MAPAGHAHATI-HATI ang 360 antas ng sambilog sa 40 lagok— a complete circle’s 360 degrees divided into nine cycles equals 40 degrees for each cycle of activity. As math would have it, a degree consists of 60 minutes; a minute = 60 seconds. Talk about time and timing, eh? May butal na 5.25 na mga araw sa singkad at sikad ng santaon na may 360 araw o antas—sambilog din na malalagok nang hinay-hinay, tig-40 tungga ang laan bawat pinagkakaabalahang gawain sa pamumuhay. Go, figure out for yourself the nine most important areas of your life… and do time management, chunking 40 days for each area in a year’s span. Ituring na usapang lasing ‘to— in vino veritas … hic-hic-hic-hiccup… and when I’m that inebriated, I don’t do hiccups but whatever contents there’s to be slurped and sucked in 40-D cups. So, so much nostalgia to plunge down in, there in mammary lane , mwa-ha-ha-haw! Alak pa! Aba’y tumungga ng 40 taon ang mga Hudyo, pagala-gala’t paikut-ikot na parang naulol na aso sa kahungkagan ng di...

FLIPINO

MAS mahal pa ang ragiwdiw— a hardy type of water weed -- kaysa bigas sa Bikol. Pinatutuyo, hinahabi, tinitirintas… sa malikhain at masinop na kamay, nagiging kaakit-akit na sapin sa paa… sandalyas, sapatos, tsinelas. Nakabili noon ng ilang pares sa palengke ng Naga City sa Camarines Sur—pasalubong sa misis at anak na babae. Hindi lang naman ragiwdiw ang nagagawang sangkap para makalikha ng sapin sa paa— may karagumoy, abaka, saluyot, uway, tilad na kawayan, pinokpok o panloob na balat ng puno, bunot ng niyog, nito, samut-saring hibla na mahahagilap, matutukoy, mahahango sa parang at dawag na lawak ng lupain. Sabi nga’y low technology lang ang mga likhang kamay mula sa mga mahahagilap na sangkap sa paligid. Sabi nga’y (1) teknolohiya, (2) kaalaman at (3) katangian ng tao ang tatlong sangkap na kailangan sa paglago at pagsulong… at pinakamatibay na haligi ng kaunlaran ang katangian ng tao—hindi umaasenso ang gunggong na, batugan pa. Kaya nang udyukan ng isang katoto upang mag-ambag ng ...

KANGKONG

INALOK pa ‘kong makisalo sa kanilang agahan—bagong inin ang sinaing, umuusok pa ang tumpok ng pritong galunggong sa pinggan, nakanganga ang sisidlan ng asin na titiltilan sakaling salat sa alat ang ulam. Hindi pinaunlakan ang nag-alok na mag-anak. Sambungkos na kangkong ang pakay sa kanila—P10 lang—at ilang umaga na ring nagsadya sa kanilang taniman sa gilid ng ilog na kanugnog ng Ciudad Real . May mayuming tamis ang bagong pitas na talbos ng kangkong, mayaman sa phosphorous and that’s something to spark, stoke a conflagration of passions in one’s belly . Inihahalo ang kangkong sa pagkain ng mga alagang aso, nilugaw na mais na may lahok na ilang galunggong—nakakasumpong pa rin ngayong 2010 ng P60-70 sangkilo kahit sa Farmer’s Market at nadadaanan kong talipapa. Gadangkal ang haba ng nilalantakang galunggong ng mag-anak, ganoon din ang madalas na inilalahok sa lugaw na mais. Maihilamos lang sa kimpal ng kanin ang patak ng mantika na nabahiran ng lasa ng galunggong at asin, nilalantakan...

Asthmatic lingo

LEARNING another tongue allows the learner to acquire another soul, another way of looking into the nature of reality… maybe grasp some more bodies of knowledge codified in such a tongue. And since a soul can be hocked to the Devil, better to have it pawned for another set of skills, an additional arsenal of competence for coming to grips with whatever the world throws as challenge. Those smattering of Sanskrit and Latin in pleadings and prayers cadged off grimoires and arcane texts to nudge the divine, they must be thrumming with powers undreamt of or uncovered yet… emitte lucem et veritatem . Mere prayers but I repose faith unflinching in them, for as St. Augustine would have it worded, “ Est autem fides credere quod nondum vides; cuius fidei merces est videre quod credis .” Or, “Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe.” Such words can take flesh in reality and dwell among us… ah, that’s an outright rip-off from an idea plied in th...

GAGAMBAKBAKAN

SUWERTE daw ang hatid ng gagamba kung makikita sa gabi—kaya siguro santambak na suwerte pa ang hinihintay na dumating… gabi-gabing daratnan sa itaas ng pintuan sa pamamahay ang 2-3 gagamba na nakapaglatag na ng kani-kanilang paanyayang lambat sa samut-saring mabibitag at malalapang na kulisap… “Come to my funeral parlor.” Nakalipas ang pagsulpot ng mga salagubang nitong Hunyo, pero ni isa’y walang nahuli para ipasiyasat, ipalaro sa apo… mula ulalo ng kamote ang salagubang, at tila nanatiling kamote’t ulalo—nahalal o naluklok pa nga sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno. Hindi na manginginain ng dahon ng kakawate, mangga, dapdap, alibangbang, sinigwelas o sampalok-- internal revenue allocation , tongpats o pork barrel na ang lalantakan. Kapit-bayawak pa ang sakmal sa kinalalagyan kaya kahit yugyugin nang todo, walang maririnig ni makikitang lumagapak sa lupa. Kaya baka-sakali na lang sa suwerteng hahabiin ng gagamba… na sa tuusan nga’y payak lang ang payo tungo sa magandang kapalaran… f...