Skip to main content

Uli-uli

INALIS ng bubot na dilag lahat ng saplot sa katawan, buong tiwasay na humarap, tuksong inihahandog ang alindog sa kanyang panginoon… pero walang tutusok sa tukso, ni hindi na tumindig ang balahibo sa katawan ng amo…

Tagpo ‘yon sa pelikula, Novecento… pero may palusot ang kausap hinggil sa kanyang milyonaryong kanayon… hindi na nito kailangan pang magpunta sa doktor… doktor na ang nagtutungo sa kanya… paulit-ulit na bayaran sa konsultasyon, hindi gamutan… ‘yung tinatawag na pamamahala na lang sa samut-saring sakit, ailment management

Nagbigti na lang ang hindi makasabsab na panginoon sa sabsaban. Humahalakhak na iniwan siya ng naghahandog ng alindog. Mutya na may kutya. Kahit kasi saksakan ng milyong halaga ng botox ang singkapan, hindi na titigasan… pero nanigas sa wakas ang buong katawan… rigor mortis.

Nagsimula na rin ang end organ damage sa milyonaryong taganayon… isa-isa nang nalalaspag, pumapaltos ang iba’t ibang sangkap ng katawan—atay, lapay, bato, utak, puso… pinakamasaklap ang panlulupaypay ng nakalaylay sa pagitan ng hita… hindi na titikas, kakanta ng pambasang awit sa Pilipina.

Tala-talaksan naman ang kanyang natipong pera… ubrang magtampisaw o maglublob doon habang isinasangguni ang nararamdamang pagguho ng katawan.

Oo na, marami nga siyang pera.

Naisalpak na minsan sa Facebook account ang ulat ukol sa mag-asawa, nanalo sa lotto ng higit sa $11 milyon… ipinamigay halos lahat ng napanalunan… wala na raw kasi silang mapag-uukulan ng ganoong halaga kundi pambayad sa chemotherapy… terminal stage cancer… pamburol at pampalibing na lang ang kasunod na bayarin.

Two-bit sense… two cents worth…

Gano’n at gano’n lang ang bubungkalin uli at uli… isasalang ang utak, diwa’t katawan sa walang humpay na halungkat. Magkukuwento. Magkukuwenta.

Pero kailangang bigyan ng puwang ang ganitong pamamaalam ng isang yugto ng panahon… kahit kaunting pagninilay… kaunting tiwasay na pagpanday…

Makapaghanda ng kinilaw na kuyom—sea urchin ceviche—na matutungkab sa mga singit at kili-kili ng bahura… P400 ang nalagas sa bulsa sa iilang pirasong kuyom na pinulutan minsan, wala na ang tukso ng tabsing at alat-asim ng labia minora sa nalantakan… hindi na kasi sariwa, pati kulay namumutla.

Baka masalang na naman sa pananalapang ng kurita… magdamagang lakad-galugad sa mga luong habang nilalamutak ng yelong amihan ang katawan, sinisigid ng alat-dagat ang kalamnan, nakatutok ang mata sa lansi’t linlang ng mapusyaw na liwanag na ididilig sa pisngi ng tubig-alat….

Muling mag-aayuno… fasting… “The body needs fasting periods to stay healthy. A body that is provided with food too often gets caught up in the maelstrom of a lack of exercise, obesity and ultimately diabetes.”

Key switch player: “Foxa2, a protein that makes sure other genes are activated and converted into proteins. Foxa2 is found in the liver—nudging arson on fats-- and in two important neuron colonies in the hypothalamus -- the region of the brain that controls the daily rhythm, sleep, intake of food and sexual behavior. Reins for Foxa2 activity is insulin, in both the liver and the hypothalamus.”

There’s dearth of insulin and Foxa2 goes hyper during fasting. In the brain, Foxa2 helps the formation of two proteins: MCH and orexin-- messenger substances that trigger spontaneous movement. (That partly explains why cartwheels and such whirls including an eddy of Kama Sutra positions work best while in a fast.)

2011 is Year of Chemistry.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...