Skip to main content

Ibalik si Ondoy!


UNDAY ni Ondoy ang kailangan para patunayan kung kaya ng mass housing design ang tindi ng baha.

Hindi lang sa bayo ng bagyo-- pakay ng patimpalak na inilunsad kamakailan ng administrasyong Herbert Bautista sa Quezon City na magtindig ng murang pabahay na ligtas sa todong Ondoy at lindol, pati yata impiyernong alinsangan, buhawi’t iba pang lupit ng kalikasan.

Hindi malupit si Ondoy… todo-buhos nga sa tubig tabang na dapat sanang sumalin sa mga imbakan sa dibdib ng lupa—underground aquifers whose reserves gathered for about a decade is used up in just a day by any mall… and we keep on building malls.

Sa halip na tubig-ulan ang sumasalin sa mga naturang imbakan, katas-Malabanan… kinupkop kasi ng mga sambahayan ang baho at baha.

Binihisan, tinapalan, tinakpan ang buyangyang na dibdib ng lupa—hindi naman masagwa kahit damsak sa putik, tila utong ng ina na tigmak sa gatas.

Kahit saganang tubig-tabang ang ibiyaya ng alinmang Ondoy, nasasayang lang… tatapon lang sa mga kanal at imburnal, mawawaldas tungong dagat. Freshwater resources constitute a scant one percent—most are stored as glaciers-- of all available water worldwide…

Nakakumot sa kongkreto ang buong bakuran ng biyenan— abot sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ang buhos-Ondoy… bihis na bihis din ng semento ang buong paligid sa kanilang kabahayan… liyab ng pugon ang alimuom at singaw ng kongkreto sa tag-araw… walang uhaw na labi ng lupa na sisimsim sa saganang biyaya ng langit… baha sa lugar nila.

Hating kapatid— dalawang bahagi ang lupang laan sa halamanan; tatlo para sa bahay. With such 60-40 land sharing scheme, ni hindi nadamsak sa putik ang halamanan… nahigop ang bumuhos, hindi nga sa kanal at imburnal nakasahod ang media agua sa aming bahay… sa mismong bakuran lang.

Kailangan kasing tustusan ng ulan, hininga ng araw, tala’t mga buntala ang tinatawag na mycelial network sa dibdib ng lupa… para maisalin naman nito ang healing powers and dragon currents sa naninirahan sa loob ng bakuran… para hindi sakitin o lapitin ng salot at sakuna…

Siyempre, may mga lunan na natural rainwater catchment basins as there are sites below sea level… hindi talaga ubrang tindigan ng pabahay… paanyaya lang sa disgrasya’t trahedya.

Paalala lang po sa mga lalahok sa patimpalak ng lungsod na sinilangan ko… higit na mahalagang susi ng matinong disenyo ang titindigan kaysa ititindig…

Man-made structures including man have to make a stand upon that which one stands… may hininga rin ang lupa, buhay ang lupa.

Alalahanin na hindi malupit si Ondoy… sagana ang ibinuhos niyang biyaya.

Pero nauwi lang sa wala.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...