Skip to main content

Sa Disyembre 22

LILIYAB ang umaga, mabilis ang sakmal ng dilim sa pinakamaikling araw ng buong taon… kaya maghanda ng pulang kandila—ukitan ng larawan ng araw sa gilid nito, umusal ng kahilingan habang umuukit…

Igiling-giling ang hiling sa isipan.

Hihiling na rin lang, h’wag naman mga imposible—tulad ng kapayapaan sa sanlibutan… aba’y malinaw ang nakasaad na peace on earth to men of goodwill, talagang liglig ng ligalig ang masama ang kalooban, kung sama ng loob ang itinanim, huwag umasam na katiwasayan ang susupling…

Huwag hihiling na malantakan ang Kim Chiu, kimchi na lang, mas may anghang-linamnam pa… Huwag hihiling na tumama ang kahit limang numero ng tayang lucky lucky pick pick sa lotto araw-araw… mas masarap tumama do’n sa huli.

We’re working with symbols of the yuletide season—that red candle stands for the bet… oops, Yule log.

Sindihan ang dila, oops, kandila. Hayaang maupos, tangayin ng hangin ang kahilingan upang makarating sa kinauukulan… tatalab ang alab ng hiling sa dibdib, ah, let your heart be light, infused with light, as it is written in Ecclesiasticus 21:8-9, “To build your house on other people’s money is like collecting stones for your own tomb.”

Do I hear a choir or a throng over there muttering a death wish for geezers gathering tombstones?

Oops, I should have jotted down Ecclesiasticus 13:31… “A man’s heart moulds his expression whether for better or worse. The mark of a good heart is a cheerful expression.”


Kaya hindi maunawaan kung bakit pinagpipilitang mabura sa gilid ng mata ang mga naiwang bakas ng galak at halakhak… ‘yung tinatawag na crow’s feet… pinauso yata ng mga cosmetic surgeons ang tinatawag na mukhang poker… that’s a face to be used to poke, poke, poke…

Birthday greetings to the Greek goddess Demeter or the Roman Ceres, Jose D. Lina, Jr. and Oliviaria F. Manaois…
kapwa isinilang sila sa sagisag ng Kambing na si-- ayon sa alamat—Amalthea na nagtustos ng gatas kay Zeus matapos iligtas ng kanyang inang Rhea sa amang Chronos, yeah, Father Time which devours its children…

Today is a perfect day to hang a she-goat’s horn as homage to the archetypal nanny who suckled a god, why, it was her broken horn that was transformed into the cornucopia or horn-of-plenty, ah, so horny, horny, horny.


Wala namang mawawala sa inyo kung magpupugay sa kambing… matapos maibay sa laklak-alak aba’y masarap na pampahimasmas ang sabaw ng sinampalukang ulo’t paa ng kambing…

Isubi ang sungay: gawing palamuti, salpakan ng barya o nakangiting pera (‘yung bagong P500), kendi, binhi ng upo, mustasa o kalabasa, butil ng mais o palay, asin at bulaklak-- itutok sa pintuan ng inyong tahanan ang sagisag ng walang humpay na daloy ng kasaganaan—at libog-- sa buhay…

Sa’n makakabili: nagtitingi po ng kambing sa Farmers Market sa Cubao at sa gilid ng Commonwealth Avene na sangkilometro ang layo sa bukana ng Fairview, Quezon City.

Manigayang Pasko at maligong bagong taon sa lahat!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...