Skip to main content

Lifeline

MATAPOS ang magdamagang putukan, maiiwan sa kama ang hubo’t hubad na katawan ng kalaro sa apoy—tila tupok na tumpok ng tuyot na laman at kalansay…

Gano’n sa sinubaybayang nobela sa komiks nitong dekada 1960, “Ambrose Dugal” ang pamagat… obrang Al Cabral yata… isinumpa ng ginahasa niya na lakambining babaylan… Adonis na naging taong linta o limatik na sisipsip, sasaid sa mismong élan vital or vital force ng bawat dilag na makasiping.

An’daming sinalanta sa kama…tayan.

Gano’n din pero walang pinipili ang mga salot na pulititiko—bata, matanda, kahit anuman ang kasarian… hinuhuthot ang kabuhayan. Mas matindi siguro ang hilakbot sa isipan ng mambabasa kung pinalabas na lingkod-bayan, pinuno ng government-owned and controlled corporation, customs or tax examiner si Ambrose Dugal… the horrors, the horrors hounding our lives

Teka… ganoon din ang ginawa ng mga alalay ni Haring David (isa sa mga ninuno ng Manunubos) nang uugod-ugod na hukluban na ito… itinabi sa pagtulog niya ang birheng dilag na si Abishag… upang madugtungan ang buhay at lakas ng lupaypay na ari, oops, hari.

From ‘Ritual and Magic’ published in 1997: “The same technique was used in classical Greece and Rome, seemingly with considerable success. Latin historians record... the remarkable case of a certain L. Claudius Hermippus (who at) the age of 70, began to feel a waning of his physical and mental powers.

“He immediately began to sleep with young virgins… his tombstone recorded that he lived to the age of 115, owing to ‘the emanations of young maidens, causing great wonder to all physicians’.”

Matinding pampabata marahil ang kakaibang singaw o alimuom mula bubot na baba, eh… kaya hanggang ika-18 siglo, ginagawa rin ng mga may pambayad ang ganoong paraan para lumawig, sumigla ang buhay…

Kinukutuban na tuloy sa mga alaga naming pusa…

Nagsilang nga ang kilabot na Toyang ng tatlong kuting nitong bisperas ng Todos los Santos—pusikit na karimlan sina Sheng Li (Tagumpay) at Jianyu (Espada at Lawa), busilak na bulak si Tung Wang (Emperador)… nagsalin sila ng lintik na sigla at likot sa kabahayan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakagawian na ng mga lekat na tumabi sa ‘kin sa pagtulog… maaalimpungatan na 2-3 ang nakabalumbong bola ng puti o itim na balahibo sa aking sikmura, sa mismong dan tien or haraki, that’s storage area for the élan vital… ah, I’d sure agree with Da Vinci anytime that a cat is a masterpiece… then again, there’s law in claw or lex talionis… cat in catch… and there’s feline in lifeline.

And I’ve run into old texts describing how Egyptian wonder-workers used felines in lieu of crystals to store energies or effect healing.

Siyameow—siyam na siopaw daw ang buhay ng mga lekat…

And I’m likely infected with a fancy for fish, say, tilapia guanio… garoupa mae quinto… salmons pubis…

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...