Ulo-ulo
(Written for my column in the nationally circulated tabloid Banat in 2002)
HIGIT sa 100 babae at lalaking mandirigma ang kabilang sa kilabot na Squadron 77 ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap). Nilinis nila ang malaking bahagi ng bansa sa mga dungis na kumubkob dito. Nilaplap ng tingga ang mga elemento at kakutsaba ng Japanese Imperial Army na sumaklot sa Gitnang Luzon mula 1942 hanggang 1945.
Magiliw na sinalubong nila ang hukbong Amerikano sa huling yugto ng okupasyon sa bansa ng mga Hapones noong 1945. Gulantang ang Gitnang Luzon: dinisarmahan ng hukbong Amerikano ang Squadron 77. Dinakip. Saka ipinagkanulo sa mga dating kasabwat ng mga mananakop na dorobo. Walang awang pinuksa ang buong pangkat ng Hukbalahap. Iginuhit sa apoy ng tingga at danak ng dugo ang kasaysayan ng Squadron 77.
Pagpihit ng kasunod na dekada, pangunahing tagapayo sa paglipol sa mga nalalabing Huk ang naging papel ng Joint US Military Advisory Group o JUSMAG. Kabilang sa ipinayong paraan para lupigin ang mga huling bakas ng Hukbalahap: lapatan ng presyo bawat ulo ng mga lider-Huk.
At isa-isang napigtas sa kani-kaniyang leeg ang mga ulo ng pinuno ng katutubong kilusan na sumagip sa bansa sa sakmal ng mga sakang.
--o0o—
Tinadyakan ng Senado nitong 1991 ang mahigit sandaang taon ng pang-aamuyong ng US sa bansa sapul 1898. Nabago ang ihip ng hangin sa yugtong ito ng pambansang kasaysayan.
Iba ang pumasok na hangin sa bumbunan ng panguluhang GMA. Pinadagsa ang mga Kano sa bansa. Para muling pumapel na dakilang alalay at tagapayo ukol sa mga suliraning panloob ng Pilipinas.
Hindi man pakinabangan at talagang inutil si Uncle Sam para gumiri sa mga bansang gustong sumunggab sa Spratly Islands , baka umubrang ipanakot sa mga bandidong naglipana sa ating lupain. Baka sakaling mapatay sa sindak ang buong pangkat nina Abu Sabayawak at Abukakiki Salsalari.
Pansinin na mahilig pumatong ang mga sundalong Kano . Ito ang sanhi ng pagsulpot ng mga industriyang pahiga -- o patuwad -- sa paligid at kanugnog na lugar ng US military installations sa bansa.
Patong din ang napipisil na paraan ng US para lapatan ng lunas ang sakit ng ulong hatid nina Sabayawak at Salsalari. Patungan ng presyo ang kani-kanilang ulo.
Lumang tugtugin: tinipa na sa panahon nina Kumander Alibasbas at William J. Pomeroy ng Hukbalahap; kinakapa pa rin ngayon sa paninibasib ng Abu Sayyaf.
--o0o—
Lumabas na bawat metro parisukat ng bansang Vietnam ay nasalpakan ng bomba ng hukbong US nitong nakalipas na Vietnam War. Ganoon ang nakagawiang paraan ng pakikidigma ng US . Siyempre, nasalanta ang kabuuan ng lupain ng bansang dinigma.
Malinaw ang naging bunga ng naturang pamamaraan – na itinuturo sa atin. Todo-lakas man ang kanilang makabagong armas, umuwing talunan sa Vietcong ang tropa ni Uncle Sam. Talaga: it’s not the firepower behind the man that counts, the willpower of the man waging the war does. It’s the man, not the gun, stupid.
Pinatakam na naman tayo ng tropang US nang idispley ang kanilang samut-saring modernong kagamitan sa pakikidigma. Pinamagatang “Balikatan” ang naturang pagpapakitang-gilas sa sanrekwang armas. Ipinahiwatig na gagawing live target practice ang masusumpungang katropa nina Sabayawak at Salsalari sa pagdaraos ng Balikatan.
Nitong huli, “Pulikatan” ang naging pamagat ng pagsasanay. Kahit nalunod na noon pa, nakasinghap nang konti ang industriyang nakahiga’t nakatuwad sa pagpasok ng tropang Kano – they also kept on pulling down panties while they pulled our legs. Nagpagoyo ba naman tayo?
Matapos makapagparaos at maidaos ang Pulikatan, patong-presyo sa ulong bandido ang nasumpungang remedyo ng mga mahilig pumatong. Naglaan nga ng US $5 million bilang pambayad sa putaheng ulo-ulo.
--o0o—
Kaiba ang diskarte ng mga Kristiyanong vigilante para tablahin ang alinmang pangkat ng bandidong Bangsa Moron. Diskarteng palit-ulo.
Bibihagin ng tropang vigilante ang mga malapit na kaanak ng bandido. Ipapaalam sa mga bandido ang kanilang ginawa. Mauuwi sa karaniwang palitan ng bihag mula magkabilang panig. Palitan ng ulo. Matapos magpalitan, puwede nang ituloy sa ratratan. Ubusan.
Hindi pa sinusubukan ang bisa ng diskarte ganting kidnap para mapalaya ang mga nalalabing bihag ng Abu Sayyaf. Mas matipid sa gastos ang ganitong paraan.
Sa totoo nito’y wala naman talagang halaga ang buhay ng sinumang tao para sa alinmang bandidong grupo – Abu Sayyaf man o yung tropang civil society na sumungkit ng may P2 bilyon sa subasta ng debt papers na katumbas ng P35 bilyong ransom sa 2010.
Sa pandaigdigang human value index na sumusukat sa katumbas na halaga sa salapi ng tao (batay sa kaalaman, kahusayan at kakayahang lumikha ng dagdag na halaga sa kanyang gawain), posibleng mahigit US$5 milyon ang katumbas na halaga ng tropang Abu Sayyaf.
Kung ibabatay sa sistemang palit-ulo, puwedeng tawaran hanggang umabot sa sangkusing lang ang alinmang tropang bandido.

Comments