SISIHAN, sisihang umaatikabo
Operasyon ng dam dapat daw mahinto
Dahil kuryente lang iyong hinahango
Pagtapon ng tubig hindi maiwasto.
Patubig sa tanim walang pakinabang
Hindi maigiit ng gobyernong lokal
Na dapat maglaan sa mga sakahan
Ang imbak na tubig nitong San Roque Dam.
Hindi yata huli kapag ipinilit
Na maglaan ang dam para sa patubig
Ng lupang sakahan… lalo ung tag-init
Palayan, gulayan pawang tumatangis.
Kung ilang panahong dumaan ang bagyo
Nanira, nangwasak… pero nang delubyo
Itong sumagasa nataranta tayo.
Madaling sumisi, sisihin nga ang dam
Na itinindig daw malapit sa fault line
Sakaling lumindol… wasak ang imbakan,
Burado sa mapa itong Pangasinan.
Mahirap po kasing maghanap ng lunas
Lalo’t tayo’y sakmal ng takot at sindak.
Panganib nitong dam laging mauungkat
Mga pakinabang hindi masisipat.
Ang biyayang tubig, talagang imbaka
Malago, malawak nating kagubatan…
Pansinin po natin kung gaano na lang
Itong forest cover nitong kapuluan.
Green spaces ng Hongkong? Sitenta porsiyento!
At doon sa Japan ay sitenta’y singko…
Ungkatin ang ‘Pinas… nakakapanlumo…
Twenty percent na lang forest cover ditto.
Usisain natin kung ang Cordillera
O ang Caraballo mayroong gubat pa
Kaya buhos-unos ay hindi makaya,
‘Yang panot na gubat—kakambal trahedya!
Twenty percent na lang forest cover natin…
Kimim na panganib hindi pinapansin
Tuloy lang ang logging, pati na kaingin
Nagkahindut-hindot ang massive tree planting…
Kagubatang panot, sino’ng magsisinop?
Katiting nang gubat pilit sinisimot…
Sisihan, sisihan… walang kumikilos
Lahat malulubog pagdating ng unos…
(Ay, Babaeng Tuod kailangan ka na
Magsabog ng lagim—puksain mo sila
Zaqqûm ng impiyerno… Inshallah… Inshallah…
Dito na itanim puno ng parusa.)
Operasyon ng dam dapat daw mahinto
Dahil kuryente lang iyong hinahango
Pagtapon ng tubig hindi maiwasto.
Patubig sa tanim walang pakinabang
Hindi maigiit ng gobyernong lokal
Na dapat maglaan sa mga sakahan
Ang imbak na tubig nitong San Roque Dam.
Hindi yata huli kapag ipinilit
Na maglaan ang dam para sa patubig
Ng lupang sakahan… lalo ung tag-init
Palayan, gulayan pawang tumatangis.
Kung ilang panahong dumaan ang bagyo
Nanira, nangwasak… pero nang delubyo
Itong sumagasa nataranta tayo.
Madaling sumisi, sisihin nga ang dam
Na itinindig daw malapit sa fault line
Sakaling lumindol… wasak ang imbakan,
Burado sa mapa itong Pangasinan.
Mahirap po kasing maghanap ng lunas
Lalo’t tayo’y sakmal ng takot at sindak.
Panganib nitong dam laging mauungkat
Mga pakinabang hindi masisipat.
Ang biyayang tubig, talagang imbaka
Malago, malawak nating kagubatan…
Pansinin po natin kung gaano na lang
Itong forest cover nitong kapuluan.
Green spaces ng Hongkong? Sitenta porsiyento!
At doon sa Japan ay sitenta’y singko…
Ungkatin ang ‘Pinas… nakakapanlumo…
Twenty percent na lang forest cover ditto.
Usisain natin kung ang Cordillera
O ang Caraballo mayroong gubat pa
Kaya buhos-unos ay hindi makaya,
‘Yang panot na gubat—kakambal trahedya!
Twenty percent na lang forest cover natin…
Kimim na panganib hindi pinapansin
Tuloy lang ang logging, pati na kaingin
Nagkahindut-hindot ang massive tree planting…
Kagubatang panot, sino’ng magsisinop?
Katiting nang gubat pilit sinisimot…
Sisihan, sisihan… walang kumikilos
Lahat malulubog pagdating ng unos…
(Ay, Babaeng Tuod kailangan ka na
Magsabog ng lagim—puksain mo sila
Zaqqûm ng impiyerno… Inshallah… Inshallah…
Dito na itanim puno ng parusa.)
Comments