Skip to main content

Bayog at bayag

PINAKAMAKUNAT yata sa may 1,250 species ng kawayan ang bayog—na malimit gamiting haligi sa bahay-kubo. Tumatagal kasi ng 50 taon, lalo na ‘yung higit dalawang taon ang edad… ‘yung taga sa panahon na halos dilaw na ang kulay… nakakabungi sa ngipin ng lagare ang kasinsinan ng makunat na himaymay.

Siyempre, panalo sa lutuin ang labong ng bayog—may sangkap na pait. Kailangang ibabad ng tatlong araw sa tubig na may timplang apog para mapalis ang pait… para masalinan ng mineral na pampatibay ng buhok, kuko’t ngipin. Sa ganoong timpla, mananatili ang mapusyaw na puti ng himaymay, mas malutong pa sa kagat. Mapapagkamalang mataas na uri ng palmetto cabbage o ubod ng niyog kapag isinangkap sa lumpia.

Tinimtim sa saluyot at bagoong ang karaniwang luto nito—katiting lang ang protina sa supling ng kawayan, pulos himaymay o digestible fiber lang… na mas masisikmura kaysa tinatawag na moral fiber ng mga sikat at sikwat na tao sa pamahalaan.

Saka mainam sa katawan ang bisa ng ganoong himaymay. Kinakaskas-linis ang sikmura’t bituka pati na mga ugat na dinadaluyan ng dugo… sinasalakab ang low density lipoproteins, (LDL) o kolesterol na pasimuno sa sakit sa puso’t stroke. Hindi makakadagdag-bilbil ang labong kaya malalantakan ng mga nais maging kainaman ang hubog ng katawan.

Balagwit o pingga na pang-igib ng tubig na, nagagamit ding Thai stick at Shaolin pole ang ganoong kasangkapan. Paulit-ulit na inihahampas sa dibdib, tiyan, mga bisig at hita ang Thai stick—para kayang indahin ang bigwas, suntok, kaldag o tadyak na dadapo sa katawan sa full contact sports, halimbawa’y boxing. Psychological conditioning for the body to endure jolts of pain.

At sa kamay ng dalubhasa tulad ng aking abuela, mapanganib na sandata ang makunat na pingga… na madalas lumagapak sa aking tumbong noon kapag nalaman na ako’y nakipagbabag… aba’y 28,000/sq. inch,/i> ang ,tensile strength o tibay ng bayog—23,000 lang sa bakal. Kaya balagwit na hamak-hamakin mas matindi pa sa truncheon dahil nagiging sandatang Shaolin.

Matibay man kahit magaang na sangkap sa payak na dampa, talagang mas mura kaysa palochina, coco lumber o segunda manong kahoy ang bayog—na walang tinik na taglay. Sa loob lang ng limang taon, ang ipinunla’y nagiging kulumpon—3 sentimetro sang-araw ang pagbulas ng kawayan.

At sa ganoong singkad ng panahon, makakatikim na ng labong, may mapuputol pang sangkap para sa bahay kubo.

Ipaubaya na sa mga malikhain ang pagbuo ng kahit na balsa lang… kahit na tagni-tagning lunday na tahanan. Hindi na hihiling na bumuo sa kawayan ng luxury liner o lantsa’t yate na isasalang a la “Kon-Tiki” ni Thor Heyerdahl o daong ni Noah sa unday ng mga Ondoy, Pepeng, at iba pang namumuong unos.

Dire necessity ought to give birth to ingenious design.

Napakaraming kawayan sa paligid—may 49 species sa Pilipinas, kabilang na ang bayog—lalo na sa mga masikap na mag-uukol ng talino’t panahon. Maraming mga tiwangwang at nakaligtaang lupa. Doon makakapagpalago, makakapagpalaki ng bayog—kaysa magpalaki ng bayag.

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...