MAS malalim ang pundasyon, mas mataas ang maititindig. Kapag mababaw ang haliging ibinaon, tiyak na may erectile dysfunction, mabuhay na paninindigan… wala talagang itatagal sa bayo ng bagyo’t luha ng baha.
Natambakan na pala ng basura, putik, at banlik o silt ang Lawang Laguna’t Ilog Pasig. Mababaw na ang kaligayahan. Kaya bawas na ang ikakaya para sa matinding buhos-unos, liligwak na ang bultong dagdag sa gilid at paligid. H’wag aasahan ang ungas na sambaso lang ang imbak, santimba ang pilit na itatambak—tiyak na magkakalat. Ibabaha ang baho.
Kaya ang bunganga na pulos laway ang umiilandang, panay basura’t burak ang nakabara sa ulunan. Call that halitosis of the intellect, whatever passes for one.
Kaya mas matindi ang tiwala at paniwala sa mga walang humpay sa pagdukal at pagbungkal. Lumalalim sila—run silent, run deep.
Kagulat-gulat ang mabilis na pagbulas ng ratiles… pero mababaw lang ang suksok ng ugat ng ganoong puno. Hindi talaga pilit maghahalungkat at hihitit ng sustansiya sa kailaliman ng lupa ang mga ugat. Kaya kapag dinaluhong ng daluyong, timbuwang!
Hindi ganoon ang kamagong. Mahaba ang pasensiya. Napakatagal kahit sa pag-usbong. Patpat ang tindig pero malalim ang paghalukay ng ugat sa lupa. Hindi nakalantad ang tibay at tatag.
Masaklap na kabilang sa endangered tree species ang kamagong. Naglipana sa tabi-tabi ang ratiles.
Nasa bingit man na mawala, marami namang malalabi’t maiiwang kagamitan at muwebles na yari sa kamagong. Wala pa kaming nakitang muwebles o kahit kapirasong tabike ng bahay na gawa sa ratiles—na kung saan-saan sumusulpot, parang iskwater na sasakupin ang bawat bakanteng lote na walang kaabug-abog.
Katapat ng lalim ang taas at haba. Na siyempre mas marami ang maisisilid na laman. Katapat ng babaw ang baba—babaha kapag binuhusan ng todong ulan.
Umaayon sa umiiral na katotohanan ang sabi ng natural historian Loren Eiseley: “Man is an expression of his landscape.” Anuman ang katangian ng paligid na siniksikan, sumasalpak na rin sa ugali’t asal ng kupal at kumag. Aba’y manhid ang kongkreto’t salamin sa malls. Sadsad sa kupad at sansang ang agos ng binasurang estero’t sapa. Malabo’t mabantot pati sa tingin ang binurak na ilog.
Makapagtiyaga na lang sa sariling kanlungan. Lush inner landscape. Madawag. Ilang. Malawak. Sinop.
Nag-iwan ng mga mapupulot at makakalkal na aral sina Ondoy at Pepeng.

Comments