Skip to main content

Titinik na, kikiling pa

TO hold up a bank… bangenge sa todo tungga nang ibungad ang limpak-limpak na balak sa kausap… ‘kako’y punuan na ang pampang na nanganganib laging gumuho, matuklap, matibag… punuan ng kawayan to curb erosion.. to hold up that bank of the Zapote River .



Sa pagsiyasat sa bambang ng ilog na hatsing lang ang layo sa bahay ng kainuman, nagambala ng paghakbang ang sandosena yatang palaka,,, sinlaki halos ng tuta na bilis-kidlat ang igtad tungo sa ilog.



Magtatakip-silim na noon, pandalas na sa panginginain ng mga nagsulputang gamumu’t mumunting kulisap ang mga palakang nakatambang sa sukal at damuhan. That diet of insects provide frog legs a Spanish fly side effect on the gourmet who eats wild bullfrog legs… but as for me I take to eating what’s between the legs of a dilag…



Agad na inutusan ng kabungguang bote ang isang alalay na mamingwit mg palaka… talagang bigay-hilig sa tulad kong palaka… plog! plog! plog! ang sunod-sunod na tunog ng mga nabulabog, tuloy-lundag sa ilog. Ni walang sumagpang sa pain. Walang nabingwit.



Walang mabibingwit sa ganoong paraan, ‘kako’y magtanim na lang ng kawayan.



At laging may kalakip na masidhing kahilingan sa bawat itutulos na buko’t biyas. Kailangang nakasuksok sa lupa ang bahaging uukitan niyong hiling upang matupad. Sa ilang bahagi ng Mindanao , karaniwang kalakip na hiling sa itutulos na punla ay maubos, tahasang mapuksa ang angkan ng kaaway o kaalitan. Habang lumalago ang itinanim, unti-unting nagiging totoo ang ibinaong hiling.



Kaya ang haplos ng hangin sa kawayan, tinatawag na lawiswis—wish, wish, wish.



Maraming bagay at lagay ng buhay ang maisisimpan sa pagtatanim… pero mas maraming walang hilig sa ganoong gawain. Meron din na talagang mainit ang kamay kaya kahit sama ng loob ang itanim, laging patay.



Naipayo na kawayang kiling (na ang tunog sa dahon: wash, wash, wash) at kawayang tinig (tunog naman ng wasiwas-pantarak, swish, swish, swish) ang pagsamahing itanim. Kawayang umaatikabo kapag lumago. Titinik na, kikiling pa: matutugunan at matutupad ang matinding pagnanasa.



Payong bangenge—in vino veritas, sabi nga—pero nitong nakaraang ilang taon, nasagap ko na lang sa mga balita na nagtanim din pal ang kawayan sa kahabaang pampang ng Ilog Zapote. Na meron ngang prinsa o sinaunang dam para mag-imbak ng patubig sa mga dating palayan doon. Meron pa ngang ilang panig ng ilog na kairugan ng look kaya alat na ang tubig—na pinadadaloy sa mga irasan para humango ng asin.



Ni hindi binagsakan ng sisi ang antigong prinsa. Hindi rin masisi pati pagpapapasok ng tubig-alat mula Manila Bay . Nagbuhos din ng baha si Ondoy sa Ilog Zapote—pero walang nasagap na balitang ang mga nasa pampang ay nasalanta.



Mainam talaga ‘yung titinik na, kikiling pa. Ganoon ang kalagayan sa alamat nina Malakas at Maganda… bago nagkabiyakan ng biyas ng kawayan, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...