MAGHANAP ng puno hindi gawang biro
Kung sa kugunan lang uungkat ng tubo—
Masusumpungan do’n pulos sukal lang po
Pawang mga bansot, tindig naigupo.
Kasi nga ang lupa, lupang tinubuan
Nahuthot, nasimot ang taglay na yaman…
Kasi nga, kasi nga ay pinabayaan
Kaya pawang kugon silang nakatanghal.
Diin nga ni Rizal kung ano ang tao
Walang alinlangan—magiging gobyerno
Kung ang nakahasik ay binhi ng bagyo
Aanihi’y unos, bagyong todo-todo.
Sa bayan ng bulag ang hari ay pisak…
Paano na kayang tayo’y maghahanap
Kung pawang karimlan ang taglay sa mata’t
Pulos abo’t putak ang karga sa utak?
Roleta ng palad muli pong iikot
At bagong numero itong mabubunot…
Roletang halalan tayo ay tatanghod
Bobolahin muli’t tutuklas ng sagot.
Tumaya, bumakas, pili ng uugit
Sa bangka ng bansa na tumatagiliid
Kahit pulos ugon, kahit pawang impis
Hahanap po tayo materiales fuertes…
Haligi ng bayan: haligi ng bahay
Sinusukat-sipat diyan sa kugunan.
Baka may lumabas, baka may lumitaw
Kahit lang pambubong na sadyang matibay.
Pambobo… pambubong… pareho na rin yo’n.
Pagkukunan kasi ay pulos lang kugon.
Pinunong mahusay? H’wag nang mag-ambisyon.
Haliging matibay? Look at your own people!
Tal pueblo (totoo), tal gobierno (aray)…
Punong hinahanap na nasa kugunan—
Ni katig o ugit sa bangka ng bayan
Palpak na sasalpak, tiyak mawiwindang.
Sa bigwas ni Ondoy walang nakaporma…
Sa buhos ni Pepeng walang nakahuma…
Sa kaldag ng krisis inanod lang sila
Sa ganyan bang puno tayo ay aasa?
Sambayanang talo baka pa magbago
Titino pa yata taumbayang bobo…
Mula sa ibaba, aakyat sa ulo
Sa ugat kakalat ang iwing talino.
Sa ngayo’y kakapa ng kahit na pisak
Upang maging hari sa bansa ng bulag…
Kahit sa kugunan ay mag-aapuhap
Ng ihahaligi sa bansang… matatag?
Kung sa kugunan lang uungkat ng tubo—
Masusumpungan do’n pulos sukal lang po
Pawang mga bansot, tindig naigupo.
Kasi nga ang lupa, lupang tinubuan
Nahuthot, nasimot ang taglay na yaman…
Kasi nga, kasi nga ay pinabayaan
Kaya pawang kugon silang nakatanghal.
Diin nga ni Rizal kung ano ang tao
Walang alinlangan—magiging gobyerno
Kung ang nakahasik ay binhi ng bagyo
Aanihi’y unos, bagyong todo-todo.
Sa bayan ng bulag ang hari ay pisak…
Paano na kayang tayo’y maghahanap
Kung pawang karimlan ang taglay sa mata’t
Pulos abo’t putak ang karga sa utak?
Roleta ng palad muli pong iikot
At bagong numero itong mabubunot…
Roletang halalan tayo ay tatanghod
Bobolahin muli’t tutuklas ng sagot.
Tumaya, bumakas, pili ng uugit
Sa bangka ng bansa na tumatagiliid
Kahit pulos ugon, kahit pawang impis
Hahanap po tayo materiales fuertes…
Haligi ng bayan: haligi ng bahay
Sinusukat-sipat diyan sa kugunan.
Baka may lumabas, baka may lumitaw
Kahit lang pambubong na sadyang matibay.
Pambobo… pambubong… pareho na rin yo’n.
Pagkukunan kasi ay pulos lang kugon.
Pinunong mahusay? H’wag nang mag-ambisyon.
Haliging matibay? Look at your own people!
Tal pueblo (totoo), tal gobierno (aray)…
Punong hinahanap na nasa kugunan—
Ni katig o ugit sa bangka ng bayan
Palpak na sasalpak, tiyak mawiwindang.
Sa bigwas ni Ondoy walang nakaporma…
Sa buhos ni Pepeng walang nakahuma…
Sa kaldag ng krisis inanod lang sila
Sa ganyan bang puno tayo ay aasa?
Sambayanang talo baka pa magbago
Titino pa yata taumbayang bobo…
Mula sa ibaba, aakyat sa ulo
Sa ugat kakalat ang iwing talino.
Sa ngayo’y kakapa ng kahit na pisak
Upang maging hari sa bansa ng bulag…
Kahit sa kugunan ay mag-aapuhap
Ng ihahaligi sa bansang… matatag?
Comments