Skip to main content

Off my chess

VAGINA raw ang pinagnanasaang bilhin ng panauhing banyaga nang hapong iyon. Karaniwang araw sa Heritage Art Center sa isang panig ng P. Guevarra, Little Baguio sa San Juan na saklaw ng lalawigang Rizal.


“Mag-ina” pala ang pamagat ng guhit ni Norma Belleza—sumablay lang sa igkas ng bigkas. Lutong ng sitsaro’t sitsaron ang lutang sa tawa ng lakambini niyong tahanan ng sining. Si Lourdes “Odette” B. Alcantara. Na madalas kong kasagupa sa chess. Kapag wala pang naliligaw o nagsadyang panauhinsa halos ulilang bahagi ng lansangan.

Mas madalas na may nagsasadya sa tatlong palapag na bahay American colonial period na ligid ng mga punong zapote’t kalachuchi—na naging imbakan at tahanan ng mga likhang sining.


Matagal na panahon din kaming nagtatagisan sa chess—akalain ko bang naging women’s team captain pa siya ng tropang isinabak ng bansa sa World Chess Olympics? May isang pagkakataon na napaaga doon. Walang puknat na labanan agad. Natapos sa tanghalian… ginisang upo ang pinagsaluhan… cocido ang mutya sa hapag kapag may piging.


“Too long in the tears” ang kantiyaw niya kapag matamang pag-iisip ang iuukol bago tumira.


“Too far from the betooks” o malayo raw sa bituka kapag nagsulong ng makatibag-posisyon o sablay na salakay.


“Tiklo” ang naging tawag sa chess. Sa maliyab na mga taon ng alumpihit na dekadang 1970, katumbas din ng tiklo ang nadampot, nabimbin o nahuli ng pulisya o militar. Sa chess, tahasang mabibimbin sa paglilimi ng bawat sulong. Magkakahulhan. Ng loob. Ng isip. Ng talim ng talisik.


Nagliliyab yata ako sa lagnat nang alukin siyang samahan ako sa isanggabi ng parangal. Kahit masama’ng pakiramdam, kailangang siputan. First prize kasi ang nadisgrasya sa pambansang patimpalak, doon nga nakilala ang naging kabiyak. Umaapaw ang tuwa niya para sa itinuturing na anak…


Sa samut-saring isinalang na mga pasingaw at pakulo, kasabwat pa rin ako sa ‘kusina’ para humalo, magtimpla’t magluto… at inihain nga sa madla sa mga huling taon ng dekada ’70 hanggang sa sumunod na dekada.


Sumikwat pa nga ang tropa naming ”Los Enemigos” ng parangal— Catholic Mass Media Awards—sa walang humpay na balibag ng kabalbalan, kabuluhan at katatawanan kontra rehimeng diktadura.


Patak-patak, ambag-ambag ng anumang makakaaliw at makakabaliw… sa hapag na may munting salu-salo… sa umpukan at umpugan… sa kaigtingan ng salpukan sa chess… nabubuo ang pitak na kinatas niya sa pinagsama-samang utak.


Naukol ang pansin at panahon niya sa pagsisinop-basura sa kahabaan ng dekada 1990: “Ibalik ang nabubulok sa Inang Lupa; ibalik ang mga hindi nabubulok sa Amang Pabrika.”


Sa isang salu-salo sa labas ng PICC nang magtanghal ang tenor na Luciano Pavarotti—na matindi ang tama ng sore throat noon—walangkaabug-abog ni pasakalye na inungkat kami ni Odette.


Ano raw ang gusto naming musika na tutugtugin kapag inililibing naraw kami.


Gusto raw niya ang likha ni Johann Sebastian Bach. “Air on the G String”.


Hindi naman kasi ililibing si Odette. Ihahasik ang kanyang abo sa kanilang lupang sakahan sa Tanay, Rizal. Parang punlang isasaboy sa linang. Para tumubo.


Ika-69 na kaarawan niya ngayong Oktubre 1. May piging!

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...