KAPAIN man nila ang laman ng dibdib
Self-fulfilled prophecy ang nawa’y makamit;
Muli, muli’t muli… laging ihihirit
Trangkaso ng baboy ipagpupumilit.
‘Yang A(H1N1) na talagang ewan
Mabagsik umano, dapat na iwasan…
Salot na kakalat sa binahang bayan
Lagim ng trangkaso, hatid—kamatayan.
Pati na sa lotto subukang itaya
Ang A(H1N1) at baka tumama.
Nakaregla na raw ang matinding banta
Pero parang bakla—ayaw manalanta?
Dapat nang iboto, dapat ngang ihalal
Para manalasa nitong taumbayan.
Talaksang babala’y tila infomercial
Ang sakit na ito’y ating paghandaan.
Ating ihahanda baboy na mataba
Ano’ng isusuka? Sampalok na mura!
Ano’ng isasahog? Sambaldeng mantika!
Saan ipapasok? Pagitan ng hita…
Nauna kasi nga trangkaso ng ibon
Avian flu pa yata ang taguri doon…
Taguri’t tarugo—pareho na rin ‘yon
Nag-SARS-SARS pa mandin, naging banta noon.
Kahit nga nag-SARS-SARS, meron bang lumabas?
Maski na sampatak ni walang nakatas…
Public health prognosis lagi yatang palpak
Pulos death threats mandin ang isisiwalat.
Santino, Santana manalangin tayo
Luwagan na si bra, tawagan na si Bro.
Lagay-kalusugan lagi bang ganito
Pawang terrorist threats ang ipinapayo?
Magtatanggol na Bro, kailan tatama
Ang A(H1N1) upang manalasa?
Magtatanggal ng bra, hindi yata tama
Laging death threats na lang ang sumasalanta.
Sa A(H1N1) kami ay ‘di takot
Pero sa DOH… nakakahilakbot
Laging iaangas, samut-saring salot...
Mag-ingat sa grave threats, bumili ng gamot.
Hundred million pesos na ang inilaan
Para daw sa gamot ng A(H1N1)…
Trangkaso ng baboy tiyak na daratal
Kaya naghanda ng pangontra’t panlaban.
Sana nga’y dumating; sana nga’y sumapit.
Self-fulfilled prophecy dapat na makamit
Santino, Santana ay may prayer request
Peste’y dumapo sa prophets of DOH!
Self-fulfilled prophecy ang nawa’y makamit;
Muli, muli’t muli… laging ihihirit
Trangkaso ng baboy ipagpupumilit.
‘Yang A(H1N1) na talagang ewan
Mabagsik umano, dapat na iwasan…
Salot na kakalat sa binahang bayan
Lagim ng trangkaso, hatid—kamatayan.
Pati na sa lotto subukang itaya
Ang A(H1N1) at baka tumama.
Nakaregla na raw ang matinding banta
Pero parang bakla—ayaw manalanta?
Dapat nang iboto, dapat ngang ihalal
Para manalasa nitong taumbayan.
Talaksang babala’y tila infomercial
Ang sakit na ito’y ating paghandaan.
Ating ihahanda baboy na mataba
Ano’ng isusuka? Sampalok na mura!
Ano’ng isasahog? Sambaldeng mantika!
Saan ipapasok? Pagitan ng hita…
Nauna kasi nga trangkaso ng ibon
Avian flu pa yata ang taguri doon…
Taguri’t tarugo—pareho na rin ‘yon
Nag-SARS-SARS pa mandin, naging banta noon.
Kahit nga nag-SARS-SARS, meron bang lumabas?
Maski na sampatak ni walang nakatas…
Public health prognosis lagi yatang palpak
Pulos death threats mandin ang isisiwalat.
Santino, Santana manalangin tayo
Luwagan na si bra, tawagan na si Bro.
Lagay-kalusugan lagi bang ganito
Pawang terrorist threats ang ipinapayo?
Magtatanggol na Bro, kailan tatama
Ang A(H1N1) upang manalasa?
Magtatanggal ng bra, hindi yata tama
Laging death threats na lang ang sumasalanta.
Sa A(H1N1) kami ay ‘di takot
Pero sa DOH… nakakahilakbot
Laging iaangas, samut-saring salot...
Mag-ingat sa grave threats, bumili ng gamot.
Hundred million pesos na ang inilaan
Para daw sa gamot ng A(H1N1)…
Trangkaso ng baboy tiyak na daratal
Kaya naghanda ng pangontra’t panlaban.
Sana nga’y dumating; sana nga’y sumapit.
Self-fulfilled prophecy dapat na makamit
Santino, Santana ay may prayer request
Peste’y dumapo sa prophets of DOH!
Comments