Skip to main content

Makalupang pagnanasa: 6"

BANGENGE sa todo tungga kaya iiral ang sinasabng “the loins’ desire increaseth but the performance decreaseth” kahit nagkataong paglulupa ang pulutan sa usapan.



Nagluluwas sa China ng pulbos bunot-niyog o coconut coir dust ang mga katotong kausap. Inilalatag ang ganoong pulbos sa hangganan ng Gobi Desert, pinipigil ang pagkamkam ng disyerto sa mga lupang maaari pang tamnan ng food crops. All-out war to regain tracts of inhospitable land.



‘Kako’y matindi talaga ang mga taga-China sa pagmamahal sa kanilang tinubuang lupa. Kahit gumastos pa ng milyones para masinop, mapagyaman at masagip sa tuluyang pagkabaog ang ganoong latag ng lupain.



True-brown patriotism and down-to-earth humanity begins with a passion for the soil. Humans are an expression of the land they inhabit, and the doting love they have lavished on it… Adam was fashioned out of the stuff he stood and trod upon, remember?



Nabanggit na tuloy ang Nauru —bahura o coral reefs ang kailaliman ng lupa pero suson-susong tae ng paniki’t ibon ang lumatag ditto sa napakahabang singkad at sikad ng panahon. So what do you do with top-grade organic fertilizer, growth-booster enzymes and potash-rich guano? Sell, sell! (Tunog djakol yata?)



Literally, Nauru folks sold off their homeland chunk by organic chunk… but that’s an altogether different arrangement from the P1.2-billion fertilizer scam pulled off by one Jocelyn “Joc-joc” Bolante who sold downstream the entire gaggle of Filipino taxpayers and voters, pwe-he-he-he!



Hindi naman kapara ng Nauri ang pagkalakal ng mga katoto sa iwing yaman ng sariling lupain… ‘kako’y renewable resource ang coir dust. Habang may mga nakatindig na puno ng niyog, kaya pa nga nating magluwas ng lambanog. The coco tree—not really a tree but a giant grass of sorts—is a virtual processing plant whose roots scrounge for nutrients in the deepest bowels of earth, whether hostile saline soils of seashores or hospitable loam inland. Paulit-ulit na isasangkap ng niyog ang kinalkal na yaman ng lupa sa itatanghal na bunga, bunot, uyo, balaybay, dahon, tintinggil, at palapa.



Mistulang lambat ng pulbos-bunot ang inilalatag sa mga hangganan ng disyerto… tatamnan… ang mabubulok na pulbos ang tutustos ng sustansiya sa mga itinanim upang mapigil sa pananalasa ang kabaugan ng disyerto.



Ubra din naming gawin ang pamamaraang Vietcong sa pagbawi ng lupain… halos bawat metro kuwadrado sa lupain nila’y binuhusan ng Agent Orange… para walang tumubo damo man o pananim na mapagtataguan ng Vietcong.., masahol pa sa scorched earth warfare ni Genghis Khan dahil nilason ang lupain.



Vietcong land healing strategy: soils reverted to fertility with ordure as order; spread piss on earth. Umaangkat ngayon ang Pilipinas ng tone-toneladang bigas, pati patis at kasoy sa Vietnam .



Anim na pulgada lang ang karaniwang kapal ng nakatakip na lupa sa iba’t ibang lupalop ng daigdig. Kapag wala nang kalibog-libo o makalupang pagnanasa’t pinabayaang mabaklas ang nakabihis na topsoil sa lupain, baog ang lupa… wala nang susupling ni susupsop na punlang pananim sa dibdib nito. Patay.



Humahakot ngayon ng timba-timbang silt o banlik… sa tunog lang, bawal humimod sa natuklap kung saan-saan nina Ondoy, Pepeng at iba pang buhos ng unos. Itinatambak-tambok sa sariling halamanan ang ganoong lupang mayaman.



Talaga: Sagad kaysa anim na pulgada ang isinasalpak kong makalupang pagnanasa!



Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...