PARA maging labaha ang killer instinct sa pagsalakay, naipayo sa anak na matuto munang (1) gumuhit o umukit, (2) sumulat, (3) tumugtog ng gitara o plawta at (4) magpakabihasa sa sining tanggulan o martial arts. Kulang pa kasi sa talim at lalim ang kanyang mga pakana’t pamatay na sulong sa chess noon…
Sa sinaunang panahon sa China, ang mga tinukoy—kabilang na ang paglalaro ng kanilang katumbas sa chess, shang kee (na pinagmulan naman ng ating katutubong laro, sungka) -- ang pamantayan sa pagiging ganap na tao... hindi talaga ituturing na tao kapag kulang ang kaalaman sa limang sining at larangan.
Marka o palatandaan daw ng matinong pagkatao ang may taglay sa mga ganoong kaalaman— na ang tahasang pakay ay mahubog na lubusan ang (1) diwa, (2) katawan, (3) puso, (4) isip, at (5) kaluluwa. Talagang totoo yata sa China ang kasabihang “madaling maging tao—kahit sa tabi-tabi’y ubrang patuwad o patayo para makabuo—mahirap magpakatao.”
O, maituturing ba na kapwa-tao ang kulang na kulang at hikahos sa mga ganoong kaalaman?
Hindot ‘yang sinasabi ng mga mahirap daw dahil kinakapos sa pera’t kinukulang sa pagkain—aba’y kinakain din ang pekpek… Aba uli: Mas napakahirap magpalaki ng mga anak… kailangan pang isalin sa bawat magiging ang mga ganoong limang kakayahan… paano na lang kung ang kayang patugtugin ay sex organ, pwe-he-he-he!
Sabi nga ni Francisco Balagtas: “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad/ Sa bait at muni, sa hatol ay salat/ Masaklap na bunga ng maling paglingap/ Habag ng magulang sa irog na anak./ Sa taguring bunso’t likong pagmamahal/ Ang isinasama ng bata’y nunukal/ ‘Di baga marami sa kapabayaan/ Ng ‘di dapat magturong tamad na magulang!”
Call me old-fashioned… Pero mga ganoong pinanday na katangian at kakayahan pa rin (na isinalin o mana sa magulang) ang hinahanap sa pipiliing uugit sa bansa— kung minsan nga, pati sa katoto sa tungga para mas masaya’t makatuturan ang jamming… Aba’y paanong maaatim ang tulad ng isang Erap kung hindi kanais-nais ang tabas ng waistline, o ang isang Gloria na wala naman yatang kaluluwa?
(Sige na nga, maa-ATM silang mga tatakbo sa halalan tu-u-ten (2010)… pero dapat masunod ang sabi ni Sen. Miriam P. Defensor-Santiago. Na lalaspag bawat hayok na hayok maging pestedente ng P2 bilyon… para bumaha naman ang pera, mwa-ha-ha-haw!)
Old-fashioned or downright old? Nagiging mapurol ang reflex action kapag pumalo sa edad 39, kaya kailangan nang ihasa ang banayad na igkas ng alinmang bahagi ng katawan sa qigong o taiqiquan… na pampatibay talaga ng immune system ng katawan para makaiwas sa samut-saring sakit at karamdaman… para manatiling makinis ang balat na dadaluyan ng qi o life force upang makatipid sa facial treatments at iba pang nakakadudang body overhauling procedures nina Dr. Vicki Belo.
Sabihin pang pupurol din ang isip sa pagtanda, laging nagbabanta ang Alzheimer’s disease— kaya dapat na walang humpay ang panggagahasa, este, paghahasa sa talim ng talisik… isabak sa malulupit na mind games… chess, crossword puzzles, online research, pagbabasa ng aklat at babasahin. Ah, astig ang Sudoku… subukang sabakan at tiyak na gaganahan.

Comments