Skip to main content

Krudorobo at bobo

BANGENGE nang binanggit sa mga katungga—ika-apat ang kanilang kompanya sa mga dambuhalang nagtutustos ng krudo sa bansa—ang copa-iba (Copaifera jacquinii, C. nitida, C. paupera, C. sellowii, Copaiva officinalis), punong katutubo sa South America na (ayon sa nabungkal noon sa aklatan ng Kamara) diesel ang katumbas ng katas… hindi na kailangang idaan sa thermal cracking para maigatong ng diesel engine.

Dahil malawakang tanim-puno ‘kako ang kailangan, lalo na sa mga a la noo ni Noynoy Aquino na kagubatan ng bansa—kahit sa Sierra Madre, Caraballo’t Cordillera—baka mapakinabangan ang copa-iba sa pagpapanumbalik ng mga 80% ng forest cover… at ang bawat puno’y buhay na bio-diesel pump na mapagkukunan ng fuel for SUV and public utility vehicles, hindi pa makakapanalanta ang mga Ondoy, Pepeng, at mga 20 bayo ng bagyo sa bansa.

Lumalabas kasi na mas mainam ang copa-iba kaysa tuba-tuba o Jatropha curcas. Napapanahon nang maging oil sheik ang mga makakatuklas ng renewable diesel source at magtatanim nito sa mga paulit-ulit dinayukdok na kabundukan ng Pilipinas.

Bugok lang kasi ang mga nagpupumilit na isabansa ang industriya ng langis—lalo na ang mga maangas na nasa transport sector na kinakatkatan na naman ng alimura’t kutya si Sec. Angelo Reyes o sinumang maisalpak sa Department of Energy.

Lumalabas na mas matindi ang kabugukan ng magtatangka na rendahan ang presyo ng mga produktong petrolyo… ano na nga ba ang nangyari sa multi-bilyong proyekto sa tambakan ng basura sa Montalban… hahango umano ng methane o natural gas mula basura, pagkakakitaan ang pagbebenta ng compressed natural gas (CNG) na tulad din ng liquefied petroleum gas (LPG)… titipak ng pera sa basura?

Lalatag na naman ang yelo sa mga bansang kanluranin… mahahatak ng malawakang pangangailangan sa heating gas ang presyo ng krudo… kaya magiging sagana sa dilig-dollars ang mga bansang OPECPEC (na halos 40% lang itinutustos na krudo sa mundo), pati non-OPECPEC nations.

Kahit naman ipagduldulan na kumakatawan ang Pilipinas sa less than 1% of the global crude market… kaya talagang iwanan ng tatlong dambuhalang kompanya ng krudo… wala talagang maniniwala, karaniwang pulpol ang nagpupumilit na rendahan ang pandaigdigang presyo sa bentahan ng krudo.

May kakayahan naman ang bulsa ng mga katungga na tumustos sa massive reforestation kaya sa kanila tinurol ang pakikinabangang puno. Copa-iba. Bio-diesel tree. Massive reforestation with a view to massive profits off a stand of living bio-diesel pumps.

Iba ang naghahanap ng bubuntunan ng sisi at kutya. Kakaiba ang naghahanap ng lunas sa krisis, pwe-he-he-he!

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...