Skip to main content

Sulak ng bibig...

“WORDS, bearer of significance, have consequences.”

Kulang pa yata ang itinakal na bugbog ng napikang mambobola sa miron na inakala yatang may karapatan nang manghalihaw ng tungayaw at kantiyaw ang kahit sinong kayang magbayad ng P1,000 yata sa ringside couch for any couch potato.

Babakas kami ng simpatiya sa mambobola.

Karaniwang miron lang po ako, suwerte nga na payag ang game officials na tumutok nang malapitan sa aksiyon. Pero mas hiyang pagtutok sa mixed martial arts—karatedo, muay, taekwondo… tipid na tipid makakuha ng kill point kaysa tambakan ng basketbolahan, meron pang graceful, easy animal poetry in motion.

May panahong pinatutok sa PBA. Pero sa tatlong yugto ng laro, tunggaan kaming umaatikabo ni Mr. Fernando Dalupan sa Alibangbang o Bamboo City… sa fourth quarter na lang magmimiron… at susulat ng ulat… engagement is not required of a spectator—kahit pa ang binobosohan ay umuusok na pakikidaupang-ari ni Dr. Hayden Kho o paulit-ulit na pagbasura sa impeachment complaint sa nakaluklok na Numero Unano…

Sabi nga: sulak ng bibig, kabig ng dibdib—na ang katuturan nga’y kung imburnal ang nasa puso, tiyak na ibubulwak ng bunganga na masansang kaysa halitosis. Kung lalim ng Marianas Trench o Philippine Deep ang taglay ng dibdib, tiyak na matining at nakatikom ang bibig… aba’y why speak unless you can improve a silencer-fitted Beretta pistol…

Kaya nga sinasalpakan ng silencer para kahit bumagal bahagya ang muzzle velocity ng ibubugang tingga, hindi naman nakakabulahaw na ingay ang malilikha. Walang iskandalo—speak softly but carry a gun or a pair of scalpel-sharp fan knives may do similar mayhem. Ang taong dakila, tinitimbang bawat salita.

Kahit naman yata sa stockholders’ meeting ng alinmang korporasyon, hindi karapatan ng sinumang may limpak-limpak na sosyo na mambalahura;t mang-alimura sa kasagsagan ng pulong. Hindi na kailangang ipagduldulan pa ang tinatawag na pitagan. Respect. Respect which springs from a sense of self-worth, often conveyed as benign contagion to others. ‘To gusto ko sa martial arts— may required etiquette kahit sa kaldagan.

‘Yang mahilig sa kutya at kantiyaw, tiyak na walang galang sa sariling pagkatao… bagsak ang tingin sa sarili… gusto lang ipagkalat at mahawa ang iba sa taglay na sakit… eh gaya niyan, sakit ng katawan ang inabot.

Advertising vehicle lang naman ang PBA team para mahimok ang taumbayan na tangkilikin, halimbawa, ang produkto ng Hamburger King… mas ligtas na hindi mapipika’t bubuwelta ang kakatkatan ng kutya’t tuya kung bibili ng hamburger—doon ibunton ang ngitngit sa mundo’t sandamakmak na insecurities sa sarili… matapos manggitata ang walang kamuwang-muwang na hamburger sa mahirap masikmurang insulto, lantakan… isalaksak sa tiyan hanggang masipsip hanggang himaymay ng laman ng katawan ang ibinuhos na basbas o blessing sa hindot na hamburger… para mapatunayan ang matagal nang itinuro ng aking gurong mangkukulam na may kakaibang bisa ang mga katagang tumataga… tiyak na mamimilipit sa sakit ng tiyan, angina pectoris, heart burn at kung anu-ano pang hindi maipaliwanag na hapdi’t sintomas. Kahit hamburger lang, babalikan ka niyan.

Sige na, garapal sa dumi sa laro ang manugang ni Mr. Bert Lina… pero sila-sila na lang ang magkasakitan at magpaduguan sa larangan ng kanilang laro, aba’y lantad ang dumi nila sa paglaro… sana ganoon ang congressman namin na nababalian, nagkakalasug-lasog ang katawan sa salpukan sa Kamara… saka ipapakita rin sa balana ang maraming maruming diskarte sa laro, na taumbayan ang tiyak na mamimilipit sa sakit… nagiging pinaiiral na patakaran ‘yung paglalaro nila… matagalang sakit at pasakit sa mas maraming tao.

Gulpihan sa basketbolahan? Baka that’s entertainment raised to the next level, it’s an advertising hoopla!Asenso ang couch potato—naging mashed potato.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...