MASAKLAP dumalaw sa mga lansangan
Lalo’t nagsisikip ang mga libingan.
Balana’y hahangos sa Araw ng Patay
Sa siksikang trapik—gas, oras ay sayang.
Dahil ninanais nating makapiling
Mahal na yumaong lumisan sa dilim,
Bakit hindi kaya sila’y imbitahin
Sila ang dumalaw sa tahanan natin?
Iyang dalaw-dalaw talagang buwanan
Ligaya sa kama ay paglulubluban…
Ang buwanang dalaw kapagka sumablay
Seksing mapagbigay mahihin… takutan!
Dahil nakabuo panibagong bata…
Teka, nagkamali… may bagyo pa yata
Sungit ng panahon ay mananalasa
Sa Araw ng Patay ay mananagasa.
Hagulgol ng ulan, hinagpis ng langit
Sa mga libingan… doon ihahatid
Inang Kalikasan yata ang tatangis
Mabubulabog po ang session ng tong-its.
Ulila mang puntod tiyak matitigmak
Sa luha ng langit buhos na dadanak…
Gunitang nawaglit sa putik at lusak
Dadaloy nab aha sa buong magdamag?
May takutan siempre, meron ngang treat or tricks
Ang mga kapural niyon pong ghost projects
Pondo’y maglalaho, saan isinilid?
Sa bulsa daw niyong mga ghost employees…
Sa luksang libingan—doon magtitirik
Kandilang kikiwal pilit suksok-siksik
Hubad na white lady na kaakit-akit
Mata’y puting keso… mapapatiwarik.
Nakakatakot na k’wento’y ilalahad—
Si Jose Velarde’t Pidal ay natodas…
Kambal na impakto kaya’y gagalugad?
Walang kaluluwa… sila… tayo’y ligtas.
Kaluluwang gala, buwa ay luluwa
Sa mga bulaklak na ititihaya…
Cutflower business nga’y binagyo’t binaha—
Sitsaron bulaklak na ang ihahanda.
Kaluluwang haling, kakila-kilabot
Sa Malakanyang daw ngayon nakaluklok…
Unano sa punsong lagim isasabog,
Hindi maitaboy ng bawang man o krus.
Araw man ng Undas o araw ni Hudas
Todos los santos man o todas na pulgas…
Bumagyo, bumaha… whatever comes to pass,
Amin pong pagbati: “Have a merry Christmas!”
Lalo’t nagsisikip ang mga libingan.
Balana’y hahangos sa Araw ng Patay
Sa siksikang trapik—gas, oras ay sayang.
Dahil ninanais nating makapiling
Mahal na yumaong lumisan sa dilim,
Bakit hindi kaya sila’y imbitahin
Sila ang dumalaw sa tahanan natin?
Iyang dalaw-dalaw talagang buwanan
Ligaya sa kama ay paglulubluban…
Ang buwanang dalaw kapagka sumablay
Seksing mapagbigay mahihin… takutan!
Dahil nakabuo panibagong bata…
Teka, nagkamali… may bagyo pa yata
Sungit ng panahon ay mananalasa
Sa Araw ng Patay ay mananagasa.
Hagulgol ng ulan, hinagpis ng langit
Sa mga libingan… doon ihahatid
Inang Kalikasan yata ang tatangis
Mabubulabog po ang session ng tong-its.
Ulila mang puntod tiyak matitigmak
Sa luha ng langit buhos na dadanak…
Gunitang nawaglit sa putik at lusak
Dadaloy nab aha sa buong magdamag?
May takutan siempre, meron ngang treat or tricks
Ang mga kapural niyon pong ghost projects
Pondo’y maglalaho, saan isinilid?
Sa bulsa daw niyong mga ghost employees…
Sa luksang libingan—doon magtitirik
Kandilang kikiwal pilit suksok-siksik
Hubad na white lady na kaakit-akit
Mata’y puting keso… mapapatiwarik.
Nakakatakot na k’wento’y ilalahad—
Si Jose Velarde’t Pidal ay natodas…
Kambal na impakto kaya’y gagalugad?
Walang kaluluwa… sila… tayo’y ligtas.
Kaluluwang gala, buwa ay luluwa
Sa mga bulaklak na ititihaya…
Cutflower business nga’y binagyo’t binaha—
Sitsaron bulaklak na ang ihahanda.
Kaluluwang haling, kakila-kilabot
Sa Malakanyang daw ngayon nakaluklok…
Unano sa punsong lagim isasabog,
Hindi maitaboy ng bawang man o krus.
Araw man ng Undas o araw ni Hudas
Todos los santos man o todas na pulgas…
Bumagyo, bumaha… whatever comes to pass,
Amin pong pagbati: “Have a merry Christmas!”
Comments