KAMBAL na hitang nakabukaka ang pahayag—an open statement na hindi pinid at wala nang pasubali o baka masususugan pa. (“Susog” ang salitang ugat na katakam-takam talagang bigkasin dahil kung nanamnamin at hihimas-himasin para bang susong busog ang ibig sabihin.)
We’re trying to make sense of a claim we stumbled into about the fruits of an ornamental tree. To wit: “The kernel of Indian almond has shown aphrodisiac activity, it can probably be used in treatment of some forms of sexual inadequacies (premature ejaculation).”
For goodness’ sakes, what are those other forms of sexual inadequacies, er, shortages? What’s Indian almond?
Higit nating kilala ang Indian almond bilang talisay. Tinatawag ding tropical almond, Java almond, Singapore almond, Pacific almond. Kilala din sa pangalang umbrella tree, badamier, ketapang, huu kwang, at sa mga botanist na mahilig sa boteny tulad ni Ama, Terminalia catappa.
Makatas ang hinog na lamukot ng bungang talisay—karaniwang dilaw o namumula ang kulay, mala-ulo ng tarugo ang hugis. Pero hindi pa namin nasusubukang biyakin ang matigas na buto para makuha ang laman. Na lasang almond daw. Makatitiyak na matamis ang lamukot nito. Paborito kasing lantakan ng mga paniki at bayakan, na mahilig ding manginain sa mga hinog na bunga ng chico at ratiles.
Pansinin na tinagurian nating talisayin ang mga tandang na mala-luntian ang kulay ng balahibo’t pek… oops, pakpak nga pala. That may be chicken but that’s a game fowl for the likes of Jorge Araneta, Nene Aguilar, Peping Cojuangco and Manny Pacquiao. A fighting cock is what a talisayin is, a nomenclature that’s likely derived from the stately talisay or ketapang the kernel of which—as the claim goes-- has shown aphrodisiac activity and can probably be used to treat premature ejaculation, among other forms of sexual inadequacies.
Kukutuban marahil tayo na hindi lang pagmamahal na sinlaki ng braso kundi kasintikas ng troso ang kaloob ng talisay.
“In Taiwan the fallen leaves of tropical almond are used as an herbal drug in the treatment of liver related diseases. The leaves contain agents for the chemo-prevention of cancer and probably have anti-carcinogenic potential,” so it is also claimed.
“Tropical almond has antibacterial properties. (Its leaves) are used by breeders of tropical aquarium fishes to keep them healthy.”
Tiyak na sangkatutak na kalalakihan ang dadagsa sa sinumang may namumungang puno ng talisay, mangunguha ng bunga’t kasunod ang katakut-takot na biyakan, opo, umaatikabong biyakan para tungkabin ang laman na lasang almond daw—kapag naibusang tila kastanyas o mani na may balat pa.
Inaasahan namin na kagigiliwang exotic erotic pulutan sa mga inuman ang talisay nuts. At tiyak na mabubulabog ng mga nais pang lumibog ang mga kapre, tikbalang at kung anu-ano pang di-nakikitang nilalang na tumatahan, ayon sa mga matatanda, sa mga malabay mala-krus na sanga ng talisay.
Baka naman tinatakot lang tayo ng mga matanda na nagsasabing may mga malignong nakabantay sa mga punong talisay. Pulos naglalakihang bayakan at paniki nga—at mangilan-ngilang matandang lalaki na gaya ni Ama-- ang umaali-aligid dito lalo na’t nangahihinog na ang mga bunga. Kahina-hinala…
Pero baka ayaw lang nilang matuklasan ng mas marami ang kakaibang agimat na tahasang matutungkab sa bunga ng talisay.
We say, go splurge on ersatz almonds—na may tawag din ang mga nagugulantang na mutya, kanilang nasasambitla, “Ang tulis, ay!”

Comments
matsalamas
DONG A.D.
maraming salamat
permiso din po doon sa ibang tudling ninyo.