Skip to main content

Vampira (Standard Expess)

HINDI lang bulwak ng dugo mula ginawak na carotid artery o jugular vein ang sinisibasib ng vampira. Mayroon pang ibang mas mapanganib kaysa mga mandurugo o sumisipsip ng dugo… Sabi nga, they’re at the top of the food chain and we’re just plain nourishment for ‘em.

Marso pa nitong nagdaang taon nang humingi ng tulong si Ama sa mga katotong tumutulak tungong US para maibili siya ng mga binhi ng casabanana. Maipupunla sana pagsapit ng panimula ng tag-ulan, aasam sa pagyabong, pamumulaklak, pamumunga ng naturang halamang baging matapos ang mga 45-60 araw mula pagsibol.

Ilang araw bago sumapit ang Pasko nang mapasakamay ni Ama ang apat na butil ng binhi ng inangkat na halaman, nasumpungan sa isang seed mail order company sa Texas. Lilihis na sa panahon kung tatangkain pang ipunla upang sumibol sa unti-unting halihaw ng tag-araw. Isinantabi ang apat na butil ng binhi. Maghihintay sa angkop na panahon.

Casabanana? May masidhing samyo ang casaba o pinakapalasak na uri ng milon na mabibili sa palengke, malikaskas ang tila sala-salabat na kidlat na nakaumbok sa balat, mapusyaw na kulay-kahel ang lamukot. Mayumi ang sanghaya ng banana o saging, kahit na lakatan o seƱorita.

Kaanak ng pipino, kalabasa, upo’t patola ang casabanana. Mailalahok sa mga lutuin tulad ng kanyang kaanak pero naninibasib talaga ang taglay na halimuyak ng hinog na bunga. Kaya iniimbak na kasama ng mga damit.

Samantala, naganyak yatang magbungkal din ng lupa si Manong Roy Acosta kaya inawitan si Ama ng mga binhi ng kanyang pananim—singkamas o yam bean, sigarilyas o winged bean, bataw o lablab bean, siling pansigang. Tiyak na pagkakaabalahan ni Manong ang pagpapasibol ng mga naturang halaman.

May taglay na diklap ng buhay ang binhi. Ipinagkakatiwala lang talaga sa mga mapagkalinga’t mag-aaruga upang sumibol, yumabong, lumago.

Wala naman sigurong balak si Manong na sipsipin ang ganoong diklap ng buhay na nakahimlay, nagbabantang magliyab sa wastong panahon. Mga kakatwang vampira lang yata ang uhaw, hihitit sa ganoong diklap-buhay. Life spark. Life force na hindi naiiba ang katangian sa dugong dumadaloy sa katawan ng tao.

May mga vampira na mas ibig sumipsip sa katas-buhay na tumatagas mula sa bibig, sa utong ng suso, at sa paligid ng labia minora habang nakikipagtalik. Sa halip na sumigla, salanta ang katawan ng katalik matapos pagpasasaan ng ganoong uri ng vampira.

Meron ding mga humihigop sa tila tubig na pagbulwak ng pananalig o taimtim na pananampalataya—na karaniwang masasagap sa mga simbahan o prusisyon ng mga namamanata. Pampalawig daw ng buhay at nagpapalakas sa katawan ng vampira ang lumalagok sa ganoong pambihirang alimuom.

Sa Spear of Destiny ni Trevor Ravenscroft iniulat ang kakatwang paghitit sa life force o lakas-buhay mula binhi ng mga halaman. They’re not exactly vegetarian vampires na mas mahiligin sa sustansiya mula sa halaman— dahil sagana sa nitrogen ang mga butong-gulay na sapak sa chili con carne o Boston baked beans, umaatikabong dagundong mula tumbong ang resulta.

Mga kampon ni Adolph Hitler—na tulad ng sangkatutak na tao ngayon na nandidiri sa yosi-- ang mga naturang vampira. Hindi lang yata lakas-buhay ang sinipsip at tinipon nila mula samut-saring binhi. Higit pa sa sustansiya. Kahit tawagin natin silang sipsip-buto.

Gaano katagal lumuklok sa poder at umugit sa kasaysayan ng daigdig si Adolph Hitler at ang kanyang mga kampon? Paanong ang isang matatawag na lowest form of animal in the military pecking order na tulad ni Hitler, papaimbulog sa rurok ng kapangyarihan sa pulitika at militar?

Hindi pa siguro natin lubusang mabubungkal ang mga sanhi at dahilan. Pero maaaring nasa mga butil ng binhi ang susi ng kanilang makayanig-daigdig na kapangyarihan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...