NAGING palamuti sa lapad na pasong kinatatamnan ng punggok na balite ang kalansay o exoskeleton ng isang suso. Napulot sa isa naming akyat sa Mt. Makiling. May nakapagsabing lasang manok ang laman ng suso na nanginginain sa mga layak ng dahon at tangkay ng halaman sa pinakasahig ng dawag.
Bukod sa laman, may kaalaman daw na malalantakan sa naiwang kalansay.
Inilalarawan daw ng naturang kalansay ang Fibonacci sequence— 0+1, 1+1, 2+1, 2+3, 3+5, 5+8… o 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8,13, 21… -- na matatagpuan sa kalikasan. Sa tila walang ayos na salansan ng mga dahon sa halaman, o talulot sa bulaklak, sa hanay ng tangkay sa pumpon, sa pagtining sa gitna ng tornado. Katumbas din ng iglap na hagupit ng lakas sa puyo ng alimpuyo, sa mata ng bagyo.
Sa pinakamatingkad daw na aral na mauungkat mula Fibonacci sequence, magagamit sa pagkilos. Sa galaw. ‘Yun ang sabi ni Ama-- na hindi ko matiyak kung may nakikita ring Fibonacci sequence sa mga katakam-takam, mga bisaklat na bilang na 36-24-36.
An adjacent slower smaller moving body is sucked into the body that actuates the Fibonacci sequence, aniya. Madalas daw mangyari ang halimbawa nito sa riles ng tren—madalas mabasa sa mga ulat na parang hinigop ng rumaragasang tren ang isang biktima na tiyak na lasug-lasog, ligis ang katawan, patay.
Fibonacci sequence din daw ang galaw ng bagyo. Papaikot sa haginit na tila taekwondo jin, tatalikod saka iigkas pala ng spinning kick. Papatining na tila trumpo o tubig sa hinalong kape. Tiyak daw na mahihigop at mawawasak ang alinmang hindi tumitinag o mga mumunting bagay na hindi gumagalaw.
Nabanggit na ang umaayon sa mga kilos at galaw na mahahalaw sa kalikasan, nabubuhay daw ayon sa mga itinakda ng mga bathala—ganoon daw ang sabi ni Pythagoras, isang Greek mathematician.
Napakarahas lang daw tingnan ang umiikot na uli-uli sa tubig na ang mismong pag-ikot ang humihigop na lakas para makapangwasak. Pero patungo lang daw sa pagtining ang naturang ikot. Hindi nagiging matining ang mga hindi tumitinag. Kapag tumining ang maruming tubig, maiiwan sa ilalim ang mga latak at layak. At nagiging malinaw nga.
Ganoon lang daw ang diskarte ni Ama sa pamumuhay—na pagsunod daw sa itinatakda ng Maykapal, ng mga bathala. Taimtim na pagpapatining sa diwa sa bawat kilos, sa bawat galaw. Upang maging malinaw.
Sa ganoong likas na paraan daw kusang naiwawaksi’t naipapagpag na walang kahirap-hirap ang mga layak at latak na nais lang makiangkas sa kanyang diskarte. Pero sino namang kumag ang makikiungkat sa mga working principles ng mathematics?
Ganoon din yata ang batayan ng working principles sa aikido ni O-sensei Morihei Ueshiba. Kailangang tila tubig na patitiningin ang sarili sa gitna man ng pinakamarahas na unday ng salakay. Para umilandang, umalimbukay na tila layak o mawarak ang lakas ng daluhong.
Maiwawaksi raw ang mga hindi mainam na pagkakataon. Pati na mga pagkatao na gusto lang sumakay, umusyoso.
Like a heavenly body, turn-spin on your own axis. The force of nature generated by such a turning flings unwanted foreign bodies out of your own path. Talyang ang mga hadlang.
By adhering to the lessons from the Fibonacci sequence, you simply become a force of nature. Ganoon daw ang totohanang katuturan ng umaayon sa Kalikasan.
At tiyak na malalayo sa mga walang kakuwenta-kuwenta at hindi marunong magkuwentang pagkatao’t pagkakataon.

Comments