Skip to main content

Sipat-sukat sa bobotante

LAWAK at mga antas ng tarik ng lupain ang sinisipat-sukat ng mga agrimensor o land surveyors. Nakamulatan na nga ng mga nakatatanda sa atin ang ganoong katuturan ng survey. Tahasang sipat-sukat sa lupa. Para matukoy ang mga hangganan na pagbabaunan ng mga panandang muhon sa santipak na lote na titirikan ng pamamahayan o lawak ng lupain na karaniwang ilalaan sa sakahan. Payak na pakay.

Kaunti na lang ang sablay sa mga matutukoy sa sukat-sipat ng mga agrimensor. Mas madali nang makaguhit ng mapa batay sa mga malilikom na bilang. Ni hindi malilihis pati sa GPS o global positioning system na nakabatay sa sukat ng mundo na nasipat mula kalawakan. Halimbawang nakalatag sa kabuuan ng 14o north 38” latitude at 121o east 3” longitude ang pamamahay na babanatan ng intercontinental ballistic missile, ikakarga na lang sa targeting device ng ICBM ang naturang posisyon—hindi na aasintahin. Tila kartero na sasadyain ang naturang lunan—at buburahin iyon sa mapa matapos ibagsak doon ang special delivery. Sapol na sapol ang kabuuan ng Quezon City.

Palasak na sa kasalukuyan ang kung anu-anong sipat-sukat. Iba pati pamamaraan at kagamitan—karaniwang mga katanungan. Kung anu-ano rin ang pilit na uungkatin, aarukin mula sa itutugon ng 1,200 taong isinalang sa pagtatanong.

Sa kanilang itutugon, tatangkain na magbaon ng mga panandang muhon. Kahit talagang mailap ang gulong, hambalang at ilandang ng lawak ng isipan nitong mga inusisa. Baka kasi may maiguguhit na mapa kahit paano.

Hindi na mga payak ang pakay. Hindi makatitiyak kung saang latitude at longitude nakasalampak ang kani-kanilang utak. Pero susubukang asintahin kahit walang targeting device tulad sa ICBM. Baka sakaling masapol.

Gamitin nating halimbawa ang sipat-sukat sa 1,200 consumers mula A, B, C, D, E income groups sa congressional district ng Maimburnal. Nais nating makalkal ang kanilang saloobin hinggil sa isang bagong produkto. Na isasalya sa kanila. Kailangang salpak na salpak. Sa kanilang panlasa at paniniwala ang isasalyang produkto para lubusan nilang tangkilikin.

Karaniwang ganito ang mga kasangkapan na gagamitin sa sipat-sukat: (1) Ano ang tatlong pinakamatingkad na katangian na gusto ninyo sa magiging congressman? (2) Ano sa palagay ninyo ang tatlong pinakamatingkad na problema ng inyong lugar na ibig ninyong lutasin ng inyong congressman? (3) Ano sa palagay ninyo ang tatlong pinakamagaling na proyekto na magagawa para sa inyo ng inyong congressman? (4) Kung kayo ang masusunod, ano ang dapat na kulay ng isusuot araw-araw ng inyong congressman? (5) Sa palagay ninyo, ano ang dapat na hair style at kulay ng buhok ng iboboto ninyong congressman?

Batay sa labu-labong tugon ng mga inungkat na 1,200 tao mula A, B,C, D, at E income groups sa congressional district ng Maimburnal, matutukoy ang mga common denominators at hilig ng consumers sa naturang lugar. Ibigay ang gusto sa tatangkilikin nilang produkto— now we’re talking effective product positioning with tremendous impact on the target market.

Kung ano ang kanilang kursunada, ganoon ang dapat iparada. Handa na ang ating mga polyeto na sakto sa kanilang panlasa.

Vote Kumag Dakupal for Congressman. Guwapo na sexy pa. Mapagbigay ng pera atbp. Walang tikwas ang buhok kahit kalbo na. Pag-asa ng bayan laban sa balakubak, cellphone snatching, at walang load. Isusulong ang pagpapatayo ng bilyaran, basketball court, at videoke bawat kanto.

Soft-focus photo—niretoke sa Adobe Photoshop CS2-- ng produkto ang nakasupalpal sa mga polyetong ikakalat sa congressional district. Matikas ang tindig ng nakalarawan. Unat na unat ang buhok na may blonde highlights. Kumakaway sa madla. Naka-t-shirt na itim. Naka-thong panties.

That’s product positioning. That gets the vote.

Whether votes are counted or not is another matter.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...