NAKAW na mga sandali na lang daw ang naiuukol sa usal at salsal ng dasal. Kaya anuman ang lunan at pagkakataon, idinaraos daw na tila umuusok sa pusok na pakikipagtalik.
Nagkataon marahil na habang nasa biyahe ng kanyang nasakyang pampasaherong jeepney nang sumpungin sa kanyang panalangin.
Pagkain din daw ang dasal. Bumubusog. Nagtutustos ng kung anong sustansiya. Parang high-protein snack. Kapag inapuntahan ng pagkalam ng kung ano sa dibdib at utak, kailangang lumantak.
Higit limang beses na kain sa buong maghapon at magdamag.
Hayun nga. Tila batis na ibinulwak ng bunganga ang tuloy-tuloy na daloy ng pagbati sa isa sa mga pagpupugay kay Allah. Paanas lang. Parang sumisingasing na ahas bago tumuklaw.
“Ya Mumitu Allahu akbar!”
Dakila ka Ama na kumikitil ng buhay.
Ganoon ang katuturan niyon.
Hindi ito pagpupugay na mauulinig sa mga Pro-Life.
Hindi aabot sa 500 bigkas ng ganoong pagbati para maantig daw si Tar’athyail, ang tagapangalaga o khodam sa isa sa may 100 panawagan kay Allah. Tagapaghatid ng kalatas o anghel yata ang ibig sabihin ng khodam.
Sumasalin daw sa nagpupugay ang katangian ng pinagpupugayan. Interface ang tawag sa ganoong kaganapan. The learner, the learning are fused into one—that’s what it boils down to. It’s a working principle of quantum physics. It becomes operative in earnest deep-down prayer.
Teknolohiya lang din pala ang batayan ng higit yata sa limang beses bawat araw na pagtatangka na makiugnay sa Maykapal. Nakagawian na kasing kapag nasalang sa anumang broadcast medium, kung sinu-sinong kumag at kupal ang babatiin— halimbawa’y “binabati ko ang aking mga kaibigan at kaharumpakan diyan sa aming lupalop, lalo na ang mga barbero’t tindera ng galunggong at bagoong sa Lagro.”
Naidaos ang daloy ng pagbati nang sabihin ng kaharap na pasahero sabay igkas ng patalim: “Holdap ‘to!”
Gulantang ang iba pang pasahero. Naudlot sa pag-finger sa kani-kanilang cellphone—na isa-isang sinamsam ng kupal na holdaper.
Ni hindi pinansin ng kupal ang ultra-sophisticated model of communication transmission and satisfying connection na nakabukol pa mandin sa harapan ni Ama—‘yung Erection 66010.
Ni hindi nga raw inino o pinansin si Ama, as if he didn’t even exist.
Napailing na lang si Ama nang matapos ang holdapan. Namumutla ang kapwa pasahero. Wala namang nasaktan.
Pero baka raw napika sa pangyayari ang khodam na si Tar’athyail.
Tiyak na madadamay pati na kaanak ng kupal sa ngitngit ng naturang khodam.
So how do you appease an angel of death?

Comments