Skip to main content

Paspasang pasya, kakasya

HAYAAN na ang mga hukuman na gumamit ng katagang decision—sampu kasi ang katuturan ng deci. Nangangahulugan na sampung ulit na titimbangin at susuriin ang ilalapat na tugon sa nakadulog na usapin. Mabagal na parang usad ng trapiko sa EDSA.

Mas mabilis ang dating ng pasya. Katugma ng kasya. Lapat agad. Sagad. Salpak. Tumpak.

Sa mga karaniwang pagsubok, mas mainam pala ang mga madaling pasya kaysa matumal na decision. (Pansinin ang iba’t ibang kahulugan ng “madali”—rapid, fast, snappy, easy. Rapid? Naroon pa rin iyon sa aves de rapiña o bird of prey, ibong mandaragit. Heto pa. Raptor. Rapt or contemplative.Talagang kakawing yata ng bilis ang masusi, masinsinan, matalim at malalim na kaisipan.)

Tinukoy ng isang ulat na inilabas kamakailan sa Internet ng pahayagang Current Biology na higit ngang mainam ang mga dagliang pasya kaysa matagalang pag-iisip sa mga mabilisang pagsusulit o pagsubok. Naturol sa ginawang pagsusuri ang mataas na antas na pamamaraan ng utak sa paggagap.

Sa pagsubok, kailangan lang tukuyin ang isang binali-baligtad na sagisag o symbol na isinama sa mahigit 650 pang halos katulad ng naturang sagisag. Para lang iglap na pagsunggab sa piraso ng mami na nasa bunton ng dayami.

Sumunod sa payo ni Rumi, isang Sufi mystic: “Knowledge is knowing what things to ignore.”

Sa tingin ko lang, ang ganoong pagsubok ay hindi pag-antig o pagpukaw sa labahang talim ng utak. Pag-arok ito sa kidlat na gumuguhit sa utak—iglap na liwanag at magliliyab ang mahahagip o magagagap.

“You would expect more people to make accurate decisions when given the time to look properly. Instead they performed better when given almost no time to think,” ani Li Zhaoping ng University College London at isa sa mga umakda ng naturang pag-aaral.

Nilinaw niya na magkaiba ang kakayahan at diskarte ng mga bahaging conscious at subconscious ng ulirat. Bali-baligtarin man ang larawan ng, halimbawa’y bayabas, matutukoy agad ng subconscious ang binaligtad na bayabas sa hindi nagalaw. Ang bahaging conscious, parehong bayabas lang sa pananaw—hindi na papansinin ang kahit mumunting pagkakaiba. (Whew! ‘Buti na lang at hindi balimbing. Kahit ano yata ang gawing baligtad sa balimbing, ganoon pa rin ang ihaharap na mukha.)

Kukutuban na tayo nito. Mas mabilis na sa diskarte ang subconscious, mas masigasig at masinsinan pa sa pagtukoy ng mga kuntil-butil na detalye. Hindi ko tuloy mapili kung alin ang niyayakap at kinikilatis ng subconscious sa dalawang magkasalungat na tayutay o idiom, ‘yun bang “God (the devil) dwells in the details.”

Pansinin din natin na may iba’t ibang uri ng talino—walo yata-- na taglay ang sinuman.Sa naturang pagsubok nina Li Zhaoping, ang tinatawag na visual/spatial intelligence o talinong lumalapat sa mga larawan at kalawakan ang tahasang sinubukan. Hindi pa talaga lubusang natuturol kung ang mga talino’y sambungkos ng mga tinting na maiwawalis sa bawat bagay-bagay na susuriin. Maaaring sambigkis ng iba’t ibang kawad na bawat isa’y may bagay na pinaglalaanan—mga bilang at ideya sa mathematical genius; galaw at kilos sa mga kinesthetic genius; salansan ng katahimikan, tunog at damdamin sa musical genius; paglalaro at paghubog ng diwa mula mga kataga at katuturan sa word genius…

Maaari ring pumpon ng bulaklak sa iisang sisidlang ulirat—may pumapaibabaw na halimuyak ng consciousness, may matining na kinalulublubang burak ng subconsciousness.

Sa huling tuusan, marami pa talagang dapat matuklas mula sa sanlibutan ng isipan na hindi lang yata sa tatlong librang utak tumatahan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...