Skip to main content

Sa pagsubo napapasubo (Standard Express)

NABANGGIT ni Will Smith sa isang panayam na bumilog at tumambok ang kanyang tumbong sanhi ng ilang buwan na paglantak niya sa iba’t ibang putahe ng manok.

Tiyak na pulos fried o roasted chicken lang— hindi pa siguro natitikman ng kumag ang pinikpikan o tortured-to-death chicken, manok na pinaupo sa asin, kinalangkang o steamed chicken na pinigaan ng kalamansi sa huling yugto ng pagkaluto sa singaw. O pininyahan, free-range chicken cooked with pineapple slices to tenderize the stringy meat. O pinatisang inipit—a pullet grown in a too-cramped bamboo cage to prevent any movement, force-fed with whole grain corn that results in a fowl thick with fat and all-too-tender meat that melts in your mouth.

Pihong pawang assembly line chicken lang ang nangasab niya—‘yun bang 45-day chicken na parang binuo sa pabrika. Sa loob ng sambuwan at kalahati kailangang umabot ang sisiw sa tamang sukat. Dapat na sangkilo o higit pa ang timbang para maisalya na sa pamilihan.

Kailangang tugunan tustusan ang pagkain ng populasyong naghuhuramentado sa bilis ng paglobo. At kailangang cost effective o hindi gaanong magastos at paspasan ang produksiyon ng laman-tiyan na itutustos sa mga kakain.

Masasalanta naman ang bulsa ng livestock producer kung lalampas ng 45 araw o higit pa ang tutustusan niya ng patuka. Hihigit sa tatlong buwan ang mga yugto sa paglaki mula pagkapisa sa itlog hanggang sapat na sukat ng karaniwang free-range native chicken—‘yung pagala-gala, palaboy-laboy at pakahig-kahig lang sa bakuran at kung saan-saan. Makunat pero malinamnam ang laman. ‘Yung lubusang lumaboy, nagiging labuyo. Na mas mataas ang lipad. Mas matingkad ang kulay ng balahibo dahil pulos organic feeds ang nakakain.

Pero mabisa talagang pampatambok ng tumbong ang assembly-line chicken. Tumatagaktak kasi ang laman nito sa katas ng samut-saring antibiotics para hindi dapuan ng sakit. Sumasagitsit rin ang laman nito sa growth booster hormones at mga kauring kemikal para sa mabilis na paglaki. Saan pa ba sasalin ang sanrekwang gamot at kemikal kundi sa lalantak ng manok—na wala talagang lasa?

Hindi lang tumbong ang tatambok sa bisa ng kemikal. Pati suso’t balakang. Damay sa paglapad-tambok pati na ang sinasamba’t sinisimsim natin nang buong taimtim, el puddai.

Tahasang lumalaki ang bulas ng katawan. Nagtataka pati mga matanda kung bakit ang mga batang babae sumibol sa ating panahon, kahit 10 taon pa lang ang edad dinadatnan na ng regla—para ring manok na mas maagang mangingitlog, ubra nang mabuntis kapag nakipagdaupang-ari. At paspasan din sa pagtanda.

So we managed to do drastic changes in the body biochemistry by intake of too much antibiotics, way too much growth booster hormones and all that. Baka hindi na nga tayo organically bred. Iba na tayo. Sa pangangatawan. Sa ilandang ng isipan. Sa tinatawag na breeding.

We may have become what we eat. Napasubo na sa kasusubo.

Mas matangkad nga ako kay Ama. Parang patpat. Stick--dynamite comes in such a slim package. Parang puluhan ng palakol ang bulas ng katawan na magpapabagsak ng kahit dambuhalang puno, parang laging sabik na sumibak. Bumiyak. Tumiyak.

Baka umaasam pa tayo ng anumang himala. O ipinagkakanulo tayo ng sukat at tambok ng katawan. Those that ought to be steeped deep in hell-hot water just turn into swine.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...