Skip to main content

Kape sa kisapmata

SA mga huling taon daw ng 1960—ni hindi pa ‘ko diklap ng libog sa balintataw ni Ama na uhuging paslit pa noon—nang una siyang makatikim ng instant coffee. Nakalagay sa lata. Pulbos na mas pino pa kaysa dinikdik na buhangin. Parang abo na kakulay ng lupa. Sangkutsarita lang sa sambasong tubig, kumukulo man o hindi, meron nang kape sa isang kisap-mata.

Panahon iyon na nagtitingi raw ng roasted coffee beans o binusang buto ng kape sa alinmang palengke. Konti lang ang pagpipilian— excelsa, robusta, arabica, liberica na pawang uri ng bunga ng kape, may kani-kaniyang katangian sa latay ng lasa at halik ng halimuyak.

Sa mga nagtitipid o hindi nakahiligan ang paninibasib ng sangkap na caffeine ng kape sa ulirat, may mabibili ring binusang buto ng utaw o soybeans. Naibubusa rin daw ang bigas at buto ng okra, 100% caffeine-free at malalantakan pati latak.

Samut-saring tatak ang unti-unting bumaha sa pamilihan simula noon. Nescafe. Blend 45—wala yatang blend .22, .357 o 5.56. Café Puro. Café de Malate. Café Adriatico. Iba’t iba pa. Pawang nakasilid na sa baso o garapon. Unti-unti na ring ginitgit para mapalis mula sa kanilang luklukan sa palengke at panlasa ng balana ang mga binusang buto ng kape. Na kailangan pang gilingin. Kailangan pang magpakulo ng tubig bago maisangkap ang dalawa-tatlong kutsarang kape’t santipak na panutsa bago makahigop ng pampainit ng sikmura sa umaga.

Kahit iilang hakbang lang ang dapat gawin para makatungga ng humahalimuyak, sumusulak sa linamnam na nilagang kape, ngangatngat pa rin iyon ng panahon at paraan. Labis-labis yata ang pagmamadali natin sa yugtong ito ng panahon. Nagmamadali pero hindi naman matukoy ang patutunguhan. Kaya nakagawian na lang ang anumang mabilisan, paspasan. Para bang quickie sex, basta makaraos lang. Kahit bitin.

So these days we’re conveniently having 3-in-1 instant coffee— an amalgam of sweetener, cream, plus coffee granules. All of ‘em in a sachet. Something to sashay about. Or is it really coffee? Could be something coughed up like tidbits of phlegm in an industrial process we barely have an inkling of?

Ibubusa ang mga pinatuyong buto ng kape pati anumang maihahalo sa bulto ng mga buto. Gigilingin. Saka ilalaga. Patutuyuin ang pinaglagaang tubig, maiiwan ang pulbos—and in that industrial dehydration process, the essential oils and other nutraceutical principles in honest-to-goodness coffee likely evanesces, simply lost in translation.

But there’s the dust-like sediment that can be bulked up with extenders, the instant coffee granules we all can dump and stir in a cup of water for our caffeine fix. So there.

Anim hanggang walong tasang kape raw ang kailangang lagukin araw-araw para makaiwas sa banta ng diabetes mellitus, Alzheimer’s at Parkinson’s disease, ilang uri ng tumor at kanser, nalimutan ko na ang iba pang sakit na naiwawaksi ng kape. Hindi naman kasi nilinaw ng mga mananaliksik kung anong klase ng kape ang may ganoong kakayahan laban sa mga karamdaman.

P150 lang daw ang sambasong kape sa Starbucks. Brewed coffee yata mula binusa’t giniling na buto ng kape. Sa P150, kalahating kilo ng Cordillera-grown Coffea arabica beans ang nabili nina Ama’t Mama sa palengke ng Baguio kamakailan. Dumadayo pa sila minsan sa isang palengke sa Tagaytay. Cavite-grown Coffea liberica naman ang nabibili doon.

Kapag sumulak na ang tubig sa coffee pot, dalawang kutsaritang pulbos ng kape ang ilalahok. Naglalakbay hanggang sa kapitbahay ang kahali-halinang halimuyak. Nag-aanyaya.

An’sarap na katuwang sa pandesal na may palamang puke-- puting keso ‘yun—ng umuusok na kape!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...