TAONG 1628 nang isilang sa araw na ito (Enero 12) si Charles Perrault ng France, sumulat ng mga kinagigiliwang kuwentong pambata— Cinderella, Sleeping Beauty, at Little Red Riding Hood.
Sa Holland nitong 1807, iniulat ang pagsambulat sa araw na ito ng isang sasakyang pandagat na may kargamentong pulbura na naglalayag noon sa isa sa mga kanal ng lungsod ng Leyden—200 bahay ang warak, 40 batang mag-aaral ang patay, giba ang mga gusaling pampubliko, nawasak halos ang buong lungsod.
Pansin lang batay sa naturang trahedya: delikado pala ang mga nasa Malacañang sakaling sumambulat ang, halimbawa lang, isa o dalawang LPG carrier vessel na dumaraan sa bahagi ng Ilog Pasig sa likod ng Palasyo. Tiyak na tupok pati kaluluwa nila, kung meron man.
Sa hangad na mapigilan ang sambulat-digmaan ng India at Pakistan, sinimulan sa araw na ito ni Mohandas Karamchand Gandhi ang kanyang huling ayuno o fasting. Hindi na niya nasilayan ang pagbabalik ng kapayapaan sa kanyang bayan. Bago magtapos ang Enero 1948, pinaslang si Gandhi.
Paborito naming tugon ni Gandhi sa tanong ng isang peryodista, “Mr. Gandhi what do you think of Western civilization?”
“I think it would be a good idea.”
Taong 1966 sa araw na ito nang unang ilabas sa American Broadcasting Company ang Batman TV series na nagtampok kina Adam West at Burt Ward.
Sa araw na ito noong 1991 nang magpalabas ng batas ang US Congress para gumamit ng lakas-militar para patalsikin ang mga kampon ni Saddam Hussein na kumubkob sa Kuwait. Tagumpay ang isang higanteng public relations firm na Hill & Knowlton na malinlang ang mga mambabatas—nagawa nilang mapagtalumpati ang isang 15-taong gulang na babaeng nagngangalang Nariyah sa US Congressional Human Rights Caucus.
Isiniwalat ni Nariyah sa naturang kapulungan na nasaksihan daw niya ang pagkitil ng mga sundalong Iraqi sa mga sanggol na nasa hospital incubators. Naniwala ang mga mambabatas pati na ang Amnesty International sa naturang kuwento—na kathang isip lang pala tulad ng mga hinalaw na akda ni Charles Perrault!
Nakatulong ang eyewitness account daw ni Nariyah para maipihit ang pananaw ng madla, naisunod ayon sa mga plano ni George Bush, Sr. na manghimasok sa 1991 Gulf War.
Kamukat-mukat, ang naturang Nariyah pala’y anak ng Kuwaiti ambassador sa US.
Pero hindi na siguro Sleeping Beauty ang mga bansa ng daigdig sa iba pang kuwentong ipinapalaganap at palulutangin naman ngayon ni George W. Bush ukol sa pagkubkob ng mga sundalong Amerikano sa lupain ni Saddam Hussein—na binitay nga kamakailan.
Lumitaw na martir si Saddam, bukod pa sa paglagda nito sa mga kontrata sa ilang oil companies ng France at China para bumutas ng mga balon ng krudo sa Iraq. Hindi pa nga kasi lubusang nabubungkal ang oil reserves ng Iraq, winasak na ng mga kumubkob na American forces ang mga panimulang istruktura sa paghango ng krudo.
Napawalang-bisa ang bawat oil exploration and production contracts na nilagdaan ni Saddam. Maaari nang pumasok ang US oil companies, bumuo ng mga panibagong kontrata para makopo ang paghalungkat ng krudo sa lupain ni Saddam.
Pero hindi lang krudo ang lalo pang dadanak sa Iraq. Tulad ng pagkamatay ni Ngo Dinh Diem ng Vietnam, pinangangambahan na maging mitsa ng lalo pang pag-igting ng digmaan sa Iraq ang pagpatay kay Saddam. At baka matuluyan nang maging tila digmaang Vietnam ang magaganap sa Iraq.
Enero 12, 1976 nang isilang si Jack London na sumulat ng mga nobelang White Fang at Call of the Wild. Paborito naming hirit mula sa kanya: “If cash comes with fame, come fame; if cash comes without fame, come cash.”

Comments