Skip to main content

Gipit sa gitna

Gipit sa gitna

PINAKATALAMAK daw ang alimuom na masasagap sa gitna ng tanggapan o tahanan. Ganoon ang bungad na ulat ng aming batikang manunukat ng feng shui para taon ng OINK—oh, irog na kinalikot—na aarangkada sa bagong buwan ng Pebrero 18.

Talaga namang gitnang bahagi ang tahasang ginitgit ng VD—hindi venereal disease na dating taguri sa STD— na Araw ng Pusok o pusong tinusok-tuhog na parang fishballs nitong Pebrero 14.

Tatambakan daw ng mga hindi kanais-nais na alimuom ang gitna ng mga tanggapan at tahanan sa Taon ng Bulugan, that translates as Year of the Boar at Year of the Sow, huwag masyadong ipagduldulan sa mga makakarinig na katabi ang bahaging “Boar at” nitong pangungusap, please. Huwag na ring ulit-ulitin ang “Sow.” In any case, this porcine year is going to be sexy.

Sektor ng lupa ang bahaging gitna ng alinmang tanggapan at tahanan. Bull’s eye. Kaya madadamay ang lahat ng miyembro ng pamilya, makakasagap lahat ng masamang alimuom—lalo na ang ina ng tahanan, pati na ang kayamanan at reputasyon. Mababalibag ng masakit na tsismis.

Sasalakay ang mga panganib sa kalusugan—sa sikmura, sa kasarian, pati na sa puso. Sasablay ang salakay ng masamang alimuom kung imbakan, closet o paliguan ang nasa gitna ng pamamahay. Ubra ding tablahin ang masamang alimuom—maglagay ng malaking cabinet. Cabinet na kahoy. O kahit aparador. Hindi po Cabinet ng sinumang nakasampa sa MalacaƱang ang kailangang ilagay sa gitna ng pamamahay o kalagitnaan ng kampanya para humigop ng mga malas at malaswa.

Huwag maglalagay ng mga kulay pulang kagamitan o kandila kaya sa gitnang bahagi ng bahay. Panabla rin sa hindi kanais-nais na alimuom kung magpapalamuti ng anim na lucky coins. Mas mainam kung mayroong makintab na metal ceiling fan (mas angkop na isabit dito ang lucky coins) sa bahaging ito. Maiwawaksi ang negative energies tuwing umaandar ang bentilador—pero hindi lang maiwawaksi ang mas malupit na singil sa nakonsumong kuryente.

Dapat ding umiwas ang mga buntis— lalo na ang mga tila buteteng buntis ang waist line—sa gitnang bahagi ng pamamahay. Para hindi makunan o magkaproblema sa panganganak. Kung sa gitna ng bahay ang silid-tulugan, makabubuting lumipat na lang para makaiwas sa masamang alimuom.

Pinakamainam na panabla sa negative energies na pilit magpupugad sa gitna ng tanggapan o pamamahay: panatiliing payapa at tiwasay ang bahaging ito, para walang masusulsulan ni mauudyukan ang kamalasan. Iwasan ang bangayan at taltalan na gawain sa Kongreso—all that mindless chatter sucks in destructive energies.

Kung iisipin, pinakatahimik ang gitnang bahagi ng uli-uli, ipu-ipo, buhawi at tornado. Tiwasay din ang puyo ng alimpuyo. Payapa at mahinahon ang gitna ng rumaragasang bagyo. Ganito ang mga umiiral at pinakamatingkad na halimbawa na makikita sa kalikasan. Dapat lang na huwaran. Tularan.

Mayroon ding tinatawag na centering exercises ang mga naglalaro ng oriental martial arts. Panimula ang ganitong pagsasanay tungo sa malalim na meditation. Sasalampak ng upo. Tutukuyin at tutunguhin ng isip ang pinakagitna ng katawan o ang center of gravity na sampulgada sa ibaba ng pusod-- doon lulusong ang diwa, maglulunoy ng maraming sandali. Saka aahon na tila bagong silang, kasinggaan ng hangin at ulap ang pakiramdam.

Para kasing naglublob sa pinakagitna ng rumaragasang bagyo, tumitilapon ang bawat mahagip sa paligid ng tumitining na hangin habang tiwasay namang naglilimi sa kalagitnaan.

Oo nga pala: hangin at tubig ang tahasang katuturan ng feng shui.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...