Skip to main content

Dead cold numbers

WALA pa yatang nangahas na iligpit sa pamamagitan ng kulam ang sinumang Pestedente ng bansa. Tiyak namang tatablan. Matitigok na walang pasubali—no ass ifs, so twats, butts, or similar protruding members are spared. Walang pinipili sa kulam na masahol pa yata sa surgical strike. Anyone bites the dust.

Ikinatwiran noon ni Manoling Festin Martinez—ex-seminarian na batikan sa theosophy at isa sa mga katoto ni Ama—na mayroon daw kakaibang mahika na lulukob na parang protective shield sa sinuman kapag nakaluklok na bilang Pangulo o Panggulo, Presidente o Pestedente na parang pababang spaghetti na al dente.

Kaya raw hindi basta tatablan.

Pero sa huling tuusan, tatablan pa rin ng kulam kahit pa 10-foot thick tempered steel with Teflon-coating ang kapal ng pagmumukha.

Sakaling umaabot sa P129 billion ang tipak ng pork barrel na kinopo ng nakaluklok sa Palasyo, baka naman humirit ang kukulam—tropang paktol man o parakaraw-- ng kahit 10% commission of the heinous crime. Aabot din sa halos P13 billion ang talent fee or contract price. Saang wakwak na bulsa ng taxpayers lilikom ng ganoong halaga samantalang namimilipit na nga sila sa sapin-saping buwis para tapalan ang dambuhalang budget deficit?

Saka hindi naman talaga matibay na kalasag ang sasalpak na tila cloak of invisibility ni Harry Potter sa sinumang numero unong bedspacer sa MalacaƱang. Mauungkat yata sa Rig Veda o Atharva Veda—mga banal na kasulatang Hindu ang mga ‘to—na ika-anim na bahagi ng pambansang karma ang tahasang sasalin sa naturang bedspacer. H’wag matakot sa karma. Mga ginagawa at ginagawi lang ang katuturan nito.

Sa madaling sabi, ang mga gawi’t gawa ng 15,000,000 o 1/6 ng populasyong nasa 90 milyon ang gawi’t gawa, ang asal at ugali ng nangungunang nakasuno sa Palasyo.

It may take an entire coven—a 13-strong band of wizards, sorcerers, mages and witches—to do ‘em all in, all 15,000,001 of ‘em in a holocaust of sorts.

At the grassroots level of some 42,000 barangays in the entire archipelago, the surgical cleansing entails 357 deaths in each barangay. How would the embalmers and grave-diggers cope with such a Herculean task? Would life insurance companies be ever the same again after the payoffs? Would TV rating firms trot out anew the numbers of bipeds and cretins that shore up advertising support for inane TV shows? Hindi kaya mamatay sa sobrang hinagpis at dalamhati ang mga jueteng operators?

Papayag naman kaya si Satanas, Belial o Ahriman na makatkat sa pisngi ng lupa ang mga taong magbubulid ng higit pang bilang sa kapariwaraan? Sino na naman kayang young star ang mabubuntis o maglalabas ng kanilang sex video footage sa Internet?

Higit na kalunos-lunos na trahedya ang tuwinang pagtingala sa mga puno’t pinuno na inaasahan laging uugat-uugit sa kahihinatnan ng ating lupain. Para bang laging may masusungkit na masarap na bunga sa itaas. Ang totoo’y sinisilipan lang ang mga nakatuntong sa itaas kung meron pa silang suot na salungguhit o panties—madalas na wala kaya laging madilim na hinaharap ang nasisipat.

Payo ni Siddharta: Be the change you want in your world, in your land. Kaysa maghagilap ng masusungkit na anumang bunga, inspirasyon, lilim o matinong halimbawa sa puno’t pinuno, sarili mismo ang bungkalin at pagyamanin. Tamnan ng mga mainam na binhi. Umani ng mga mainam na bunga mula sa sarili.

Mas mahirap yatang gawin ang ganoon kaya hindi natin makita’t maungkat ang sari-sarili.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...