NI HINDI yata nakapaglaro ng qi gong o sining ng hininga sina Ama’t Mama habang nagliliwaliw—oops, migratory bird umano ang liwaliw na gumagala sa mga taniman bago dumating ang tag-ulan at itinuturing na sagisag ng kasaganaan—sa kagubatan ng pino sa Ampasit-Puguis ng La Trinidad, Benguet.
Nasabi sa amin ni Ama noong paslit pa kaming apat na magkakapatid—Bilog, Podying, Kukudyu (ako) at Puwit—na malakas raw ang agos ng dragon currents ng lupa na dumadaloy sa punong pino o pine tree. May payak daw na paraan sa qi gong para mapadaloy sa katawan ng tao ang naturang agos-dragon mula dibdib ng lupa. Pantungkab raw sa plema ng may ubo, pampatibay ng puso at baga, panlunas din sa hika.
Kailangan lang daw yakapin ang puno. Ganoon lang kadali.
Hindi kailangang idikit ang katawan sa puno habang nakayakap. Isayaw ang hininga sa wastong indak. Iguhit sa ulirat na dumadaloy ang agos na tila malamyos na kidlat mula kaliwang palad, naglalandas tungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sumasagitsit, sumasaliksik, kumakalat hanggang bawat himaymay ng laman hanggang makalabas na tila lagablab sa tuktok ng ulunan.
Gagaan daw ang pakiramdam matapos ang 15 hanggang 20 minuto ng ganoong pakikipagniig—kahit sa umpisa’y makakangawit. Para raw may mayuming liyab ng apoy sa may sikmura, ‘yun bang dragon fire in the belly.
Mainam daw kung makikipagniig sa punong pino tuwing umaga. Para lubusang mapanday ang mga tinatawag na jing o ubod ng kapangyarihan, qi o hininga ng buhay, at shen o diwa. Para din mapalis ang mga pananakit sa katawan, mapalakas ang body immune system upang maipagpag ang anumang aangkas na mga karamdaman at sakit. Para maihasa ang talim ng isipan. Upang mapahaba ang buhay.
Talaga raw may mga mainam na pakinabang mula sa pino. Kaya nagdala sina Mama’t Ama ng tatlong kasisibol pa lang, saka pine nuts. Pampunla—hindi gigilingin sa food blender kasama ng mga dahon ng basil at olive oil na masarap gawing salsa sa pasta na ligtas sa gastro-enteritis at anumang pagmumulan ng food poisoning.
Naghihingalo na ang dalawa sa tatlong sanggol na puno. Inabot daw kasi ng trauma sa haba ng biyahe. Agad-agad namang nailipat sa seedling bags, diniligan ng tubig-ulan, sinukluban pa ng plastik na parang oxygen tent ng hospital intensive care unit para hindi mangalirang. Pero tila ‘yung isa lang ang talagang matibay. Mabubuhay. Bubulas kung sakali. At magiging daluyan din ng agos ng dragon.
Samantala, buong sigla namang isinupling ng lupa ang ilang punla ng pino na itinanim ni Ama.
Hindi maselan sa katitindigang lupa ang pino. Karaniwang salat daw sa mayamang sustansiya ng lupa ang kinatitindigan nito kahit sa Bontoc, sa Benguet o alinmang lalawigan sa Cordillera. I remember seeing a stand of Benguet pine trees a sneezing distance from the Manila Stock Exchange Building and dead smack into bombardment of toxic fumes from Ayala Avenue traffic in Makati. Those pines didn’t die; they were moved and replanted elsewhere.
Kamangha-mangha talaga ang tibay ng pino. Salat at hikahos man ang kalagayan, matikas at mabulas pa rin sa pagtindig. Sabi nga’y matibay sa paninindigan—at dinadaluyan pa nga ng mapanlunas na kidlat na hinahango yata ng mga ugat nito sa kailaliman ng lupa, laang ikaloob sa sinumang mangangahas na makipagniig.
Ganoon din daw ang katangian ng punong pili. At masarap din ang binhi nito. Pili nuts na mailalahok din sa iba’t ibang kakanin at lutuin.
Pero walang balak si Ama na pagtuwangin ang pili at pino. Hindi raw maganda ang tunog dahil parehong makukunan ng nuts.
Pilipino. Nuts.

Comments