ISALIN man ang alak sa orinola, mananatiling alak. Ilagay sa timba—alak pa rin. Ibuhos sa batya, alak pa rin.
Anumang anyo ng sisidlan, hindi magbabago ang katangian ng alak na isasalin.
May mga pagkakataon nitong nakalipas na nakainuman ni Ama ang naging gobernador ng Eastern Samar, si Ben Evardone— mahiligin pala sa whiskey. Jack Daniel’s daw.
May kung ilang ulit yatang sinasala sa uling ng kung anong puno ang naturang inumin. Chicory? Probably oak. Brandy and rum are aged in oak barrels. Aging is a process. Charcoal filtration is supposed to improve the liquor’s flavor. That too is a process. That must have given that bloke the notion on flirtation with Cha-cha. Filtration. Flirtation. Magkatugma’t magkatunog nga naman.
Cha is tea. Oolong ang matagal nang paborito ni Ama. Sapul nang maging siyota ang isang Tsinay na naghihilamos daw ng oolong sa mukha hanggang dibdib para kuminis umano ang kutis. Banayad ang pait na may mayuming tamis ang lasa ng oolong—na nakagawian daw niya noong ipanghugas naman sa kanyang tarugo. Oolong. Pampahaba siguro.
Cha-cha is… Titikman pa lang. Pero sinilat na. Baka kasi nakaapuhap ng ikakatwiran mula kay George Bernard Shaw. Kulang daw ang diktadura sa matinong mamumuno. Kulang din ang demokrasya sa mga matinong pamumunuan. Tahasang inuungkat kasi ang katangian ng mga pinuno at pinamumunuan. It takes two to tango.
Ano ba ang katangian ng ating taumbayan na pinaghuhugutan ng mga magiging pinuno? Ang kabuuan ba ay dambuhalang imbakan ng alak, may nasasalok tayong armagnac o cognac para isalin at itampok sa nilalik na sisidlan? Cognac? Armagnac? O latak lang?
Iba ang mahuhugot na paraan mula sa nilaklak nina Ama at Ben Evardone. Sa Jack Daniel’s. Palakulin saka ipulak muna ang mga nakatindig na puno. Putul-putulin.Tilarin. Sunugin para maging uling. Dikdikin.
Saka salinan ng sour mash whiskey. The intent is to improve, maybe fine tune the liquor’s flavor.
Sininop na lihim ang mga pamamaraan sa paglikha ng mahusay na inuming tulad ng whiskey. Pili ang mga sangkap, pati na tubig na karaniwang hinahango pa sa batis mula kabundukan. Masinop na sinisiyasat ang kadalisayan—mineral sediments, alkaline or acidic content. Quality control entails an exacting process to yield a quality product.
Alak nga ang produkto.
Anumang sisidlan ang pagsalinan ng mahusay na produkto, hindi mababawasan ang mahusay na mga katangian nito. Isalin man sa orinola, timba, batya, palanggana, baso o anumang anyo ng sisidlan, mananatiling alak ang alak.
Walang katuturan daw ang satsatan ukol sa pagpalit-anyo ng sisidlan. Mas mainam siguro kung isisilid na lang sa kabaong ang mga namumuno. Ganoon daw ang ginagawa sa basi diay ti amianan para maging suwabe sa panlasa.
Sige na nga. Alak pa, alak!

Comments