NAKASUMPONG ng dalawang katutubong baboy si Ama sa pampang ng isa sa mga hilahod na bayan na nakasalagmak sa baybayin ng Ragay Gulf sa Bondoc Peninsula, mga unang taon ng dekada 1990. Lumukso raw ang kanyang dugo sa galak nang lubusang masipat ang dalawang baboy, kapwa nanginginain ng mga inanod na layak at damong dagat, mistulang baboy-damo ang anyo.
Nakasalang pa sa Senado nang panahong iyon ang panukalang batas na lilikha ng gene bank para tipunin at pagyamanin ang katutubong kalabaw—na mula sa damulag na laki, muntik naging sinliit daw ng daga sanhi ng walang patumanggang inbreeding o animal incest.
Higit sandipa at pitong dangkal raw ang inaabot na haba’t laki ng grass carp mula China. Umangkat nga pala nito, isinalin sa mga ilog at lawa sa iba’t ibang panig ng bansa para dumami. Pinangalanang Imelda dahil kumikislap na tila alahas ang mga kaliskis nito. Sa walang humpay na inbreeding sa naturang mala-dambuhalang isda, nakalikha ng goldfish.
Kung hindi raw napigilan ang inbreeding, baka naging kasinlaki naman ng pulgas ang katutubong kalabaw.
Nanghihinayang raw si Ama dahil kalabaw lang ang sinaklaw at pinagtuunan ng pansin ng naturang panukala. Marami raw kasing katutubong hayup na dapat ding sinupin, pagyamanin at paramihin para muling maipalaganap—oops, hindi kabilang ang mga kulisap, linta, buwaya at iba pang animal sa Congress.
Halimbawa raw ang katutubong kambing. Sa mga taon din ng 1990 naiulat ang hiling ng ilang pharmaceutical companies sa South Korea. Kahit daw 10,000 ulo ng ating katutubong kambing ay bibilhin nila araw-araw. Dahilan: mahigit 30 uri pala ng gamot sa samut-saring sakit ang taglay sa katawan ng ating kambing. Na hanggang sa ngayon nga, hindi pa natin natutuklasan kung anu-ano ang mga iyon.
Biological diversity simply represents hidden wealth, giit ni Ama. Kaya raw dapat ding tistisin ng palakol, halungkatin ng balisong pati laman-loob, himayin ng kampit ang himaymay ng litid ng mga naglipanang animal sa larangan ng pulitika. Baka raw may matutuklas sa kanila na panlunas sa mga sakit na sumasalanta’t naglulugmok sa taumbayan.
Nakasumpong kamakailan sina Ama’t Mama ng mga katutubong baboy sa lilim ng dawag ng pine trees, dapdap at kapeng Arabica sa Ampasit-Puguis, La Trinidad, Benguet—meron din pala roong gene bank ng ilang hayup na katutubo sa Mountain Province, pinangangalagaan ng Benguet State University. TANGERE o The Animal Genetic Resources ang tawag sa naturang katipunan—it didn’t occur to anyone that katipunan translates to bank or savings-- ng mga katutubong hayup.
P1,500 ang turing sa isang biik, mistulang baboy-ramo na rin ang tindig, liksi at anyo. Bahagi raw ng cañao o mga piging ang katutubong baboy—na ang mga tipak ay magiging inasin (native smoke-cured bacon) o itag (pork barrel) na inilalahok para higit pang maging maigting ang linamnam ng manok na pinikpikan.
Hindi naman talaga samlang o salaula ang baboy. Katibayan ang dalawang bulugan mula Vietnam na nakataliba sa pintuan ng Wah Sun Restaurant na katapat ng kainang Ambos Mundos—ang dalawang pinakamatandang restaurant sa bansa—sa Florentino Torres St., Sta. Cruz, Manila. Pang-akit daw sa mainam na pasok ng negosyo at suwerte ang baboy sa Wah Sun na talagang sapak ang mga putahe.
Sa kislap ng mga mata ni Ama, alam naming bibili siya ng biik sa TANGERE. Hindi panlitson. Gagayahin yata ang isa niyang paboritong actor-scriptwriter-director George Clooney. Na may alagang baboy.

Comments