ILANG taon ding nakatatak sa katauhan ni Ama ang kakatwang kumpol ng bilang—666!
Tatak daw iyon ng kung anong halimaw.
Mauugat ang halimaw sa katagang Malay. Harimau. Ganoon ang tawag nila sa leon. Na kapag binaligtad, lalabas na noel, Pasko. “The first Noel the angels did say was to certain poor shepherds in fields as they lay.”
Dagdag na kulubot sa inyong utak kapag naturol na tahasang tinutukoy ng Pasko ang alay na kordero o paschal lamb na nagmula naman sa katagang Hebreo.
Balik-aral sa Sunday school. Matapos hasikan ng samut-saring salot at peste ang faraon pati nasasakop niyang lupain ng Egypt, inupakan na ng ultimatum na payagan nang lumisan ang sambayanan nina Moises at Aaron na itinuturing na mga alipin at timawa sa lupaing iyon.
Ibinubo ang dugo ng alay na kordero o pamasko sa pintuan ng bawat bahay ng mga kabig nina Moises. Para lampasan sila ng matalim na kalawit ng anghel ng kamatayan. Mismong mga alay na kordero ang inihaw at ginawang hapunan nang gabing iyon ng paglampas o Passover. Bawat tahanan at sabsaban na walang bahid ng dugo ng kordero, dinalaw ng kalawit ng anghel. Kinitil ang bawat panganay na supling, hayup man o tao.
Sa gabing iyon tahasang ginanap ang unang handaang pamasko—mga kinatay at inihaw na kordero.
Tuntunin muli natin ang hinawi nating landas ng mga kataga. Ang bilang ng halimaw na leon, 666. Na binaligtad na noel o Pasko. Na tumutukoy sa alay na kordero o batang tupa.
“And the lion shall lie down with the lamb,” pahiwatig sa Apokalipsis na huling aklat ng Banal na Kasulatan.
Daemon est deus inversus o binaligtad na demonyo ang diyos.
Nakasupalpal kay Ama ang kakatwang kumpol ng bilang, 666. Na kung bigkasin niya’y sex, sex, sex.
Sa bawat ikalimang buwan, parang sukat ng tarugong sintikas naman ng sardines: 555. Nasa balag na ng alanganin dahil hindi tiyak kung bubuo muli ng bagong kontrata sa trabaho. Sa ganoon ding patakaran saklaw ang mga namamasukan sa mga dambuhalang malls.
Tuwing ika-anim na buwan nagkakalinawan. Lalagda muli ng panibagong kontrata ng pamamasukan—kahit dapat nang gawing regular ang namamasukan batay sa takda ng umiiral na batas.
Kabilang si Ama sa saklaw ng 666, ang kakatwang kumpol na bilang ng kung anong halimaw. Ganoon din daw ang mga bilang ni Sorath, isang malupit na demonyong naninirahan umano sa dibdib ng araw. Saklaw naman ni Sorath ang suwerte sa pagtama sa lotto, pati na mga makabaligtad-sikmurang kabuktutan.
Nagsabi na sa amin si Ama. Hindi na raw siya lalagda sa bagong kontrata para manatili sa kanyang gawain bilang website editor na tinakdaan ng mga bilang ni Sorath, 666.
Ni hindi na nga kailangang magbitiw sa tungkulin. Bagong gawain ang naghihintay sa kanya sa bagong taon, wala nang bahid ng demonyo.

Comments