Skip to main content

Posts

Not tough enough

IMAGINE racing at a sole-scouring, lung-wracking breakneck speed against a wild boar, that’s meat for a day or two, in a sun-swept sea of thorny briers and grasses… the chase halts to abrupt pause for a sneezing fit and sudden bloom of blisters on your skin touched off by a deluge of pollens in the air… the meal is to go, is gone like a gust of wind, and you trudge back home empty-handed to content on an assortment of tubers and berries the missus gathered… and such food fare triggers more skin blisters, vomiting and other allergic reactions… Were that the case for our ancestors in ages past, we’ve been history… kaput, gone extinct. Fossil findings reassure our progenitors weren’t such wimps and sissies that we have turned into these days, why, if all it takes is leaping three feet as indicator of over-all health, some Tutsis in Rwanda shame the current world high jump record of 2.45 meters—they jump at least their own height during initiation rites into manhood. Roman legions did over...

Pukaw sa tuwa

BRING forth delight o pukawin ang tuwa ang tahasang katuturan ng mudra. It’s touching off happiness, well-being and a wholesome feeling right at your finger tips… the outmost physical extensions of the bodymind. Mababawasan ang pagtunganga, bunganga, at todong katangahan sa gyan mudra—the mudra of knowledge . Pasubali: exempted sa bisa nito ang mga ipinanganak sa row 4 at talagang nawiwili sa pagpapakabobo… aba’y masayang umawit, “brain, brain go away… come again election day.” Dulo ng hinlalaki at hintuturo ang pinagdidikit, bubuo ng bilog na puwang, nakaunat ang hinlalato, palasinsingan o dumalaga at hinliliit. Pampatalas ‘to ng isipan kaya akmang-akma sa mga gunggong na walang magawa sa buhay kundi tumanga na sanhi upang maging talamak ang katangahan… yeah, we define what we become in what we do... do nothing, you’re nothing. Inaantig ng gyan mudra ang ductless pituitary and endocrine glands upang unti-unting mag-agas ng kanilang katas… para maapula, maampat, malunasan ang m...

Tsismis

DIRT-POOR’S now the most preferred political status, dirty linen the most swished about political pennant, and compost, the most-seen political composure… shift happens and blessed be with dust devils, basta h’wag lang idamay pa si Alikabok ng Ilocandia! Yeah, dumi is for dummies (but Rumi, I’m a huge fan of this poet-mystic-artisan of Sufi Islam who was once accursed to death not unlike a Salman Rushdie with fatwa). Pero kahit ilang beses akong matawas ni Joey Salgado, magsasawa siya sa katatawa’t katatawas pero hindi ko talaga iboboto alinman sa mga kumakandidatong amo niya… kahit sa sangay ng rentas internas sa Makati pumapasok ang kinakaltas na buwis sa aking kita… pawang makatas at malamukot kasi ang kikitain (sige, ipagdiinan ang bigkas sa mga pantig) sa pinapasukan (at nilalabasan) sa Makati… Kasi naman rehistrado ‘kong manghahalal sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan… at kahit sa paniwalang Sufi, tahasang bihasa sa paggamit ng patalim at pagkatay ng animal ang manghahalal...

Sindak sa kuro

SINAMPAHAN ng kasong sibil ang dalawang survey firms kaugnay ng mga inilabas nilang kuro ng mula 1,200 o higit pang bilang ng taumbayan sa pinagnanasaan nilang ihalal na Pestedente sa Mayo 10. H’wag nang ihambalang pa ang nasabi ni Charles Prestwich Scott yata, “ Comment is free but facts are sacred.” O kahit ang giit ni Mark Twain, “ Get your facts first, and then you can distort them as much as you please.” O ang ‘kainis na hirit ni Dr. Thomas Fuller: “ Get the facts, or the facts will get you. And when you get them, get them right, or they will get you wrong.” Sa madaling sabi, hindi magandang kasuhan ng paninira ng puri o paninila ng pera ang sinuman sa higit 1,200 taumbayang sampay-bakod na nasukol, binuhusan ng tanong at sumagot kung sino ang kahayok-hayok na kanilang iluluklok sa trono ng Malacañang. Aba’y sinuman ang nais lumublob sa kumunoy, kailangan munang arukin ang lalim—o babaw—ng paglulubluban… ‘hirap yatang umahon sa kumunoy, ‘di ba? Pulos kuro lang ang inilahad sa dal...

Distancia amigo

KARANIWANG nakasupalpal nitong dekada 1960-1970 sa tapalodo ng jeepney ang ganoong tagubilin— distancia amigo. Sa matinong pagmamaneho kailangang dalawang segundong takbo o katumbas ng kahit apat na sasakyan ang nakapagitang layo. Sapat na raw ang ganoong puwang—ayon sa mga motoring safety experts upang makaiwas o makakuha ng buwelo ang nakabuntot sa iglap na sakuna. Nakahiligan yata ng mga nagmamaneho sa kasalukuyang panahon ang bisyo ng mga taga-Sodom. Kaya salpak-palpak sa wetpaks, kahit hindi buhol-bulbol ang trapiko. “ Suki ” ang tawag sa ganoong kritikal na agwat sa karatedo, aikido , at kendo . Sasablay sa ganoong puwang ang taktika, tiyak mabibigwasan, hindi maiiwasan ang disgrasya. Parang magkatutok-buntot na mga sasakyan o halos magkakadikit na mga domino—kahit isa lang ang laglag, daming damay sa pagbagsak. Tama talaga ang isang guro ng geopolitics , Karl Haushofer. Natukoy niya ang katuturan ng lebensraum or living space : “ Space is not a vehicle of power. It is powe...

Rain dancing for Goniong

BUSTOS, Bulacan – Local sanggunian alderman and farmer Gorgonio “Goniong” Mendoza reached for the grog bottle, poured himself a stiff shot, then, spilled out his plaint: “We begged for a tumbler. We were given a thimbleful as gesture of generosity, then, the entire swimming pool’s contents were diverted to Metro Manila.” Thus describing the sharing scheme for the water generated from Angat Dam which provides 90 percent of Metro Manila’s water supply with the remainder irrigating farmlands in Tarlac and Bulacan towns and generating hydroelectric power for National Power Corporation, Mendoza rued about the impact of such sharing scheme on the lives of local farmers. “The Angat-fed summer crop provides for a bumper rice harvest whose proceeds allow farmers’ families to pay for the schooling of two or three children in high school or college, aside from the extra money for cost of living. Before El Niño struck, a summer rice cropping yields about 120 to 140 cavans per hectare in Angat-fed ...

Konti pang praktistis

TATLO daw ang mga kinagigiliwang gawi o habit sa araw-araw ng mga bilyonaryo: (1) Magsanay ng katawan, (2) “ Follow your passion, (3) Read. A lot. At least two hours a day, but many said they read four or more hours a day. ” Kaya naman sigurong gayahin— monkey see, monkey do . Baka nga maging tuso tulad ng matsing na napaglalalangan din paminsan-minsan. At makapulot ng sanrekwang diskarte mula kung anu-anong aklat, libro’t tomo (ladies’ drink yata ang katumbas ng toma bago tamaan ng lindol at aftershocks, shaken, not stirred )… It’s quite tough to read between the lines or between the thighs . Talagang pagpapawisan nang malapot… lalo na kung higit nga sa apat na oras na magbabasa— does that last word translate as reading or inundating ? Halimbawa’y “know yourself, know the enemy; in a hundred battles, a hundred victories.” Parang Sun Tzu din ang tagubilin ni Socrates— “know yourself, the unexamined life is not worth living. ” O ‘yung giit ni microchip pioneer Gordon Moore noon pang 1...

BATUGAN

MAINAM daw ang simoy ng hangin sa bahaging iyon ng Sierra Madre pero talamak naman ang singaw ng mga batugan ng mga tagaroon kaya tiwangwang ang lupa… parang dilag na nakabuka ang hita’t naghihintay sa sudsod ng dila’t suyod ng batuta. Nagpalipas sila doon ng mga mahal na araw. Pinuno ang hininga ng dalisay na hangin. Tinakalan ang bahay-alak ng saganang tungga. Hinimod sa tingin ang baog sa pananim na tanawin. Nagpalamutak sa yakap ng maghapon at magdamag. Sumangguni sa ‘kin matapos makabalik mula bakasyon. ‘Kako’y pulos panis ang balakin nina gibo, Gordon, Noynoy at Villarroyo upang masawata ang pagdarahop sa naturang lupalop. ‘Entrepreneur’ comes from a French word which means ‘to undertake.’ Thus, an entrepreneur is an undertaker—and sloth is a deadly sin. Kaya higit na praktikal at tila umaayon sa takda ng Kasulatan ang lunas ng hinayupak na V. I. Lenin. Bawat araw, tipunin ang 10 batugan. Utasin ang isa… mauubos ang mga talamak na tamad na hindi talaga kikilos upang gumawa ...

FOR GOD SO LOVED THE WORLD...

...THAT He gave His only begotten Son, an example by deed that’s too tough an act to follow, but some nations like China—admittedly the world’s mightiest in both economic and military power—had trouble adopting a similar one-child policy. As the Scriptures would have it, the same Son was quoted as saying in rebuke to a Judas Iscariot who was feigning concern for the have-nots but was actually dipping his hands into their funds: “You have the poor with you always, but you will not always have me.” There down pat-- the in-your-face reality of dearth on earth, the human condition. But in pre-election campaigns, Judas Iscariot copycats are wont to ply out sugar-coated sound bites in feigned appeal to vote-rich hordes of the impoverished gullible enough to believe. By such fruits we shall know who these liars are in our politically afflicted times. The barefaced liar that Judas Iscariot was went on to betray the Son of Man, consequently saw the error of his ways and made attempt at atonemen...

Jujutsu

“ Kihaku (spirit)… the nurturing of human independence, responsibility, and inquiry… courage and the cultivation of vitality. ” --Nobiyoshi Higashi, Kokushi-ryu Jujutsu. 1995. I SASALANG tuwing umaga ang magkabilang bisig sa pakikipagkaramusa— karamusa translates as “empty warrior” —sa biyas ng kawayan sa aming halamanan… katumbas ng higit sandosenang yakap sa paslit upang siya’y busugin sa tibay, husay, kalusugan ng katawan at isipan. Idagdag pa ang tahasang pagpapahalaga sa katuturan ng jujutsu— ju connotes explosive pliancy of growing bamboo. The playful daily drill imparts such pliancy, the explosives pile up refusing fuses. Uh, weapons of mass destruction have taken a bad rap these days. Aba’y hindi lang sa bisperas ng bagong taon naghahanda ng kawayang kanyon. Taimtim kasi ang kimkim na putok sa buho—masuyong magkasiping doon sina Malakas at Maganda… pero hindi lang ito lamat sa nilimot na alamat… mahahasa ang mga bisig at kamay sa mga galaw na hindi lang maganda, malakas pa. Gum...

POKPOK PARTY LIST

WALANG naglakas-loob sa kanila na sumugod sa Comelec upang maging… kahit na salimpusa lang sa halalan na matunog ang signos ng umaatikabong harumpakan. Mayo 10 easily sounds out as, well… having a tool for fixing the wound that never heals the more you scratch it the better it feels… or endowed with a member of good standing. The year 2010 reads as a pair of… uh… let’s just say it’s going to be a fight to the penis … at pulos itlog pa nga ang nakatambad sa bagong anyo ng balota… at kailangan nga na kulapulan ng tinta ang mga naturang itlog… na karamihan nga’y bugok. Hindi kataka-taka na pati ang kabiyak ay nangangamba sa aking boto… baka raw isalpak sa ari-saring urinary tract … eh, urna nga pala or ballot box. I n the absence of common sense which isn’t common, quite a rarity in these parts, made worse by the lack of a defining law to figure out whatever “marginalized sector” means, every dunce drooling over chunks of pork barrel that run into millions… plus perks and pelf… such pro...

Pambansang ahit ng pilipitna

WITH due apologies to “Journey” front man’s thorax-throttling oral evisceration of our frog, flog, ehek, flag anthem, allow a kiddie doggerel version—please, please, please—to be squawked… no, make that croaked out sphincter soprano style; four beats in a measure with every quarter note getting dead beat—or 4/4, an out and out mismatch… march! That, before the bout of one Jostle Clittey and Pacquiao you… until such a stabbing in-and-out beat ends in orgasm, yeah, flagpole plugs hole, mwa-ha-ha-haw! So follows our more spirited— got in me 80-proof marka demonyo plus Ginebra Capitan —or what can be passed… no, make that pissed off as “Green-tinted ‘60s Mine” which is called Mr. Big … (Ilagay ang kanang kamay sa dibdib… oops, akala ko kasi sa dibdib nitong katabing 40-24-36 na dilag… eh, bakit nakadakot ‘yang kamay mo sa harapan ko, you myopicpic beauty… Game knb? Tayo nang kuman… heh, bastos talaga kayo, mga hin… Preparan… Apunten… Fuego !) Bayang inutang. ‘Di pa nababayaran. Bakit nangu...

9 prognoses, 1 sick nation

STYMIED at the Church—including a gaggle of self-styled pastoral leaders’—real or imagined chokehold over Filipino voters’ necks, the 2010 crop of presidential hopefuls have woven their health platforms into the fold of religious doctrine. Their political intentions are likely to patch up potholes and pave the nation’s highway to hell. With young Filipinos comprising over two-thirds of the 50 million voting populace, such tether over a once-young faithful flock has loosened—and many are cringing at the Church-State incest in national affairs. Say, Pulse Asia’s Pre-Election Survey (PES) on Family Planning in February shows that 75% of the Filipinos think that it is very important or important for a candidate to include family planning in his/her program of action; 64% said they will vote for candidates who publicly promote modern methods of family planning. The nationwide survey also shows that: •90% of the respondents consider as very important or important to have the ability to contr...

Bulak, Bulok

BOTANTE po ako sa Bulakan. Nagbabayad din ng real estate tax taun-taon. Sa naturang buwis nagmumula ang bulto ng pondong itinutustos sa pagpapatakbo ng pamahalaang lokal. Sa naturang buwis din humahango ng suweldo ng mga nasa pamahalaang lokal, mula gobernador hanggang sa pinakamababang kawani. Opo, katulad ko ang nagpapasuweldo sa kanila. Ako yata ang pinaglilingkuran daw ng mga lingkod-bayan. Na pawang lingkod-bayad lang, pwe-he-he-he! Botante ako sa Bulakan. Hindi mawari ang pagpili sa mga nakaparadang kupal, kumag, kulangot at kurakot na pawang hayok maluklok sa poder. Meron daw kaming kinatawan—o kawatan marahil-- sa Mababang Kapulpulan o Mahabang Kabuhungan or House of Represent the Thieves . Taun-taon kong mauungkat sa mga pahayagan na ang kaputa-putahan… kapita-pita-pitaka nga pala… ay kabilang sa mga bahag ang buntot na aso ng Malakanyang, lagi’t laging magiging sagabal sa isinusulong na pagpapatalsik sa Numero Unano sa Palasyo, mwa-ha-ha-haw! Ni hindi inambunan ng kahit sam...

Sandosenang yakap

“ We need four hugs a day for survival. We need eight hugs a day for maintenance. We need twelve hugs a day for growth .” Virginia Satir, psychologist AMBUSH ! Napigil ang inog ng mundo, tumigil ang daloy ng mga sandali, napigil pati hininga sa mga sandaling iyon… nakakubli sa gilid ng kuna ang tatambang, handa nang sumalakay. “Nasaan na ba si Musa?” pakunwang paghahanap sa nakaabang sa gilid ng kuna. Iglap ang tugon na taginting ng awit, pakpak na palasong kumawala sa kaigtingan ng saglit: “Whee-e-e-e-e-e!” Lalagapak ang kanyang bigat sa aking dibdib, yayakap na mahigpit… “Mwaa-a-a-ah!” Paulit-ulit na isasadula ang iglap na engkuwentro… hindi mabilang… lalabis sa labing-walolo… labing-walolo… hanggang sumaksak, banayad na sisiksik, isisiil hanggang sa mga himaymay ng dibdib pati alingawngaw ng musmos na hagikgik, pati bunton ng yakap at halik… walang humpay na isinasalin sa ubod ng ulirat. “My cup runs over… surely goodness and mercy will follow for all the years of my life…” She did...

Bingit ng krisis sa krudo

MAY 120-araw na imbak ng mga produktong krudo ang Japan na pantustos sa pamilihan—30-araw na imbak lang ang itinakda sa Pilipinas, at inalis na ang ganoong takda nang umiral ang deregulasyon sa local oil industry . Para makapatas sa kompetisyon ang small players , tulad ng mga katotong Noel Florido’t kasamahan na umaangkat ng refined fuels mula India. Pumatas naman sa gitgitan ang small players , unti-unting inagaw pati na ang hawak sa pamilihan ng mga dambuhalang tulad ng Pilipinas Shell—na 30% na lang ang market share ngayon, at patuloy na nababawasan… Meron nang level playing field , meron ding laging nakaabang na banta ng oil shortage —wala na kasing takdang imbak na pantustos sa mga bibili… kapag sinamang palad na maharang ng mga pirata sa Somalia ang oil tanker na may kargang pantustos sa ‘Pinas, kasunod tiyak ang oil shortage . Nang tinangkang samsamin—hindi sa Somalia kundi sa Batangas-- ang bulto ng krudong isasalang sa Tabangao refinery ng Pilipinas Shell kamakailan, munt...

Pagibik pag-ibig sa anghel ng ulan

“Crop damage from El Niño to exceed P10B“ Headline, Business Section Philippine Daily Inquirer February 22, 2010 HAGUPIT ng init lumatay sa dibdib At puson ng lupa… maging sa talahib Na butuhang kamay, kakaway sa langit Habang agaw-buhay sa hurnong paligid. Titis na tatarak sa labia ng linang Susulsol na gatong… liyab ng tag-araw At maglalagablab maging pagkauhaw Upang mahalukay gunita ng ulan. Napunit na pisngi ng lupa’y dampian Ng hibla ng hamog sa madaling-araw; Sa tanghaling tapat ay limusan man lang Ng haplos na lilim ng punong kalansay… I haplos ang agos ng hangin sa kugong Balumbong sinangag sa buong maghapon… Untagin ang katas ng natuyong balon, Kahit lang sampatak, h’wag ikait ngayon… Ah, sumasagitsit ang ningas ng uhaw A t saplot na lunti, hinubad sa darang… Nakatiwangwang na… sabik… umaasam: Gulanit na lupa-- kahabagan man lang.. P atakan ng kahit kapirasong yakap Upang mapawi ang hapdi’t paghihirap… Kahit na lirit lang sa buong magdamag-- Ibuhos na lubos, ilimos ng ulap! ...

HAR-HAR-HAR DINERO

“Great souls have wills, feeble ones have only wishes.” Chinese proverb “Our bodies are our gardens. Our wills, the gardeners.” William Shakespeare S ANLIBONG piso ang isang punggok na kawayang takip-pagong, higit na kilala sa tawag na “sikmura ni Buddha”… nakatanim na sa pasong plastik, dalawang dangkal ang taas, inangkat daw mula Thailand. Dalawang libo naman sa karaniwang takip-pagong, anim na talampakan ang haba, pinatubo sa sisidlang plastik, maililipat agad saanmang hardin. Sa balak itanim, hanay na limang puno upang maging matatag na suhay sa likod-bahay—at sa kabuhayan ng pamilya—papatak na lima hanggang sampung libo ang malalagas sa bulsa… ‘langya, magastos talaga ang halamanang pinasimulan sa tahanan ng mga apong Musa at Oyayi. Sulit naman kung sakali—kung bubuhayin sa kaliwa o silangang bahagi ng lote, tatanggap ang pamamahay ng saganang dragon energy , na pinakamatindi at pinakasuwerteng alimuom na masasagap ng pamamahay at mga naninirahan dito… ganoon ang paniwala sa feng...

'La lang

UMANGAT na ang presyo ng asukal, mananatili marahil sa ganitong antas sa 2-3 taon pa… at magugunita ang pagsisid nito noong mga taon ng 1980 hanggang 1990 sanhi ng surplus production saanmang lupalop sa mundo… salagmak ang kabuhayan sa pulo ng Negros, lalo na sa mga bayan nito na pumapangos ng tubo, gutom ang mga sakada’t kontratado… sinimulan noon ni Boss Danding Cojuangco na ilaan ang kalapit na pulong Guimaras sa mangga at ilang-ilang upang masagip ang lokal na ekonomiya. Pero sakmal ng gutom ang mga musmos ng Escalante’t kanugnog na bayan. Sa Haiti at Panama sa paninibasib ng Depression Era bago sumiklab ang World War II, umagas ang ulat hinggil sa mga ti-dan… zombies… working gangs of the undead who toil in the sugar cane fields 24/7 without pay, just scraps and slop for food… dirt-cheap, tractable labor that won’t whimper or complain at such extremes of exploitation… Malapit na kaanak ng talahib ang tubo—pansinin na magkatulad ang kanilang biyas, pati na ang bungkos ng ulap na...

Second thoughts

PARANG Peter Pan, kakapit sa masayang isip— just one flimsy thread of a happy thought —at makakaya, malaya nang papailanlang sa himpapawid… lumipad na tila limbas, humaginit na tila alaala sa kalawakan. Pero subukang gayahin ang ganoon— hold on firmly to a single thought. We double dare you, do it if you can. Parang pumigil sa naghuhuramentadong pison, parang umawat sa walang humpay na hagod ng alon sa dalampasigan… walang hinto ang kawing-kawing, kawan-kawang sagasa’t ragasa ng isip. Mas madali ngang pigilan ang paghinga. Kahit pa nga dalawang minuto, pansamantalang mapipigil ang hininga—lalo na kung tatambad bigla sa paningin ang katakam-takam, makapigil-hiningang tanawin… halimbawa’y sunod-sunod na inararo ng backhoe ang batok ng mga kapural at kasabwat sa Malakanyang sa Ampatuan Massacre … o nagsulputan kaya sa hukuman ang 57 biktima, pawang agnas na bangkay, sumusulasok na ang pagkabulok pero matamang magmamasid sa pagdinig ng kaso… na wala talagang kahihinatnan, pwe-he-he-he! E...