Skip to main content

Sandosenang yakap



We need four hugs a day for survival. We need eight hugs a day for maintenance. We need twelve hugs a day for growth.” Virginia Satir, psychologist

AMBUSH!

Napigil ang inog ng mundo, tumigil ang daloy ng mga sandali, napigil pati hininga sa mga sandaling iyon… nakakubli sa gilid ng kuna ang tatambang, handa nang sumalakay.

“Nasaan na ba si Musa?” pakunwang paghahanap sa nakaabang sa gilid ng kuna.

Iglap ang tugon na taginting ng awit, pakpak na palasong kumawala sa kaigtingan ng saglit: “Whee-e-e-e-e-e!”

Lalagapak ang kanyang bigat sa aking dibdib, yayakap na mahigpit… “Mwaa-a-a-ah!”

Paulit-ulit na isasadula ang iglap na engkuwentro… hindi mabilang… lalabis sa labing-walolo… labing-walolo… hanggang sumaksak, banayad na sisiksik, isisiil hanggang sa mga himaymay ng dibdib pati alingawngaw ng musmos na hagikgik, pati bunton ng yakap at halik… walang humpay na isinasalin sa ubod ng ulirat.

“My cup runs over… surely goodness and mercy will follow for all the years of my life…”

She didn’t do math in that generous spread of hug heaven. There was too much of quantum mechanics in such devil-may-care romp of spontaneity. The interface ensures more than mutual growth and inner wellness for that imp and her
Diablolo.

Parang kailan lang ang sanggol na tuwing umaga’y masuyong hahaplusin, hihimasin sa may 15 minuto ang buong katawan— mula talampakan hanggang ulunan—upang maantig ang kalamnan at mainam na daloy ng kuryente sa samut-saring body meridians… upang tumibay ang mga bisig at tuhod… upang masalinan ng ki at tuluyang tumibay ang kanyang natural immune system. Parang mahika ang dampi at dantay.

Lupaypay ang katawan, nanlulumo at sadsad pati na intelligence quotient ng musmos na hindi binusog sa mapagpalang haplos at yakap.

As clay takes form in the lathe hands of a potter, so does creation takes shape with caring, tender touch
… kaya nga ganoon ang isinalarawan ni Michelangelo Buonarroti sa kanyang obra maestrang “The Creation of Adam.”

Opo, hindi lang mahusay na tabas ng katawan, damdamin at isipan ang pinabubulas sa hagod at himas… pati nga mga bilang ng boto sa sanrekwang presinto ay nahihimas-himas upang umayon sa kinahahayukang resulta… ungkatin sina “Hello Garci,” pwe-he-he-he!

Kaya naman ‘yung mga kulang sa yakaplog—kakaiba’t napakasarap na putahe ‘to na talagang maiibigan—karaniwang tuyot o namamaga ang katawan, mainitin ang bumbunan, at sakitin… dahil hindi masalinan ng saya’t sigla pati na natural immune system.

At ang mga musmos at paslit ay ubrang magpakuyumos sa yakap, masiil ng halik ng hangin, araw, ulan o agos sa dagat o ilog… kahit na sa gitata ng putik sa linang. Mother Nature has to be allowed to her hand to nurture a growing child.

Nauulinig lang ang bungisngis ng punong kawayan, kakawate’t balite habang tinatakalan sa umaga ng higit sandosenang haplos at himas… there’s so much of quantum mechanics and untold secrets of qigong that need not be detailed in such a nurturing romp of spontaneity…

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky