Skip to main content

Jujutsu


Kihaku (spirit)… the nurturing of human independence, responsibility, and inquiry… courage and the cultivation of vitality.
--Nobiyoshi Higashi, Kokushi-ryu Jujutsu. 1995.

ISASALANG tuwing umaga ang magkabilang bisig sa pakikipagkaramusa—karamusa translates as “empty warrior”—sa biyas ng kawayan sa aming halamanan… katumbas ng higit sandosenang yakap sa paslit upang siya’y busugin sa tibay, husay, kalusugan ng katawan at isipan.

Idagdag pa ang tahasang pagpapahalaga sa katuturan ng jujutsu— ju connotes explosive pliancy of growing bamboo. The playful daily drill imparts such pliancy, the explosives pile up refusing fuses. Uh, weapons of mass destruction have taken a bad rap these days.

Aba’y hindi lang sa bisperas ng bagong taon naghahanda ng kawayang kanyon. Taimtim kasi ang kimkim na putok sa buho—masuyong magkasiping doon sina Malakas at Maganda… pero hindi lang ito lamat sa nilimot na alamat… mahahasa ang mga bisig at kamay sa mga galaw na hindi lang maganda, malakas pa.

Gumagaya lang naman sa gawi ng mga hinahangaan kong henyo sa paghahalaman at masinop na pamumuhay, sina Luther Burbank at George Washington Carver. Kung nagawa nila, magagawa rin ng iba.

It takes a sincere heart to open up lines of communication with plants. Ganoon ang tagubilin nina Burbank at Carver. At kapag taos-puso ang pakikipag-ugnayan sa kanila, lubusang ibubunyag ng alinman, anumang halaman ang samut-saring lihim na kaalaman. Na talagang pakikinabangan.

Sounds silly to be having an earnest interface with plants… aah, “silly” is from selig, a German word for “blessed, sacred, holy…”

Mauungkat pa ang iginiit ni Stephen Harrod Buhner sa kanyang aklat—The Lost Language of Plants—na hindi lang sa dilig nasasabik ang mga halaman. Uhaw din sila na makipagtalastasan sa tao. They have so much to share. We have so much to learn.

Hindi pa man nakakausap, tinukoy ni Buhner na abala na rin ang mga alagang halaman na magpagaling sa mga karamdaman ng kanilang tagapangalaga… it will beggar a physician to practice where tree orchards thrive, ayon nga sa salawikaing Español.

Matindi kasing magtustos sa tibay ng katawan ang dalisay na hangin na sumasalin hanggang sa himaymay ng laman.

Matindi ring magpagaling ng samut-saring sakit ang mycelial network na pinalalaganap sa lupa na binihisan ng mga nalagas, nabulok na tangkay at dahon ng halaman…

Masaya talagang ikaramusa ang kamay at bisig sa mga biyas ng kawayan. Mararamdaman sa laman ang unti-unti, banayad na pagsalin ng kung anumang taglay ng kawayan… makikiliti, mapapangiti sa daloy ng malamyos na apoy-kuryente.

Taimtim ang kasiyahan ng kawayan. At masuyo ang alimpuyo sa igkas ng kanyang lakas.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal