Skip to main content

Pukaw sa tuwa

BRING forth delight o pukawin ang tuwa ang tahasang katuturan ng mudra. It’s touching off happiness, well-being and a wholesome feeling right at your finger tips… the outmost physical extensions of the bodymind.



Mababawasan ang pagtunganga, bunganga, at todong katangahan sa gyan mudra—the mudra of knowledge. Pasubali: exempted sa bisa nito ang mga ipinanganak sa row 4 at talagang nawiwili sa pagpapakabobo… aba’y masayang umawit, “brain, brain go away… come again election day.”



Dulo ng hinlalaki at hintuturo ang pinagdidikit, bubuo ng bilog na puwang, nakaunat ang hinlalato, palasinsingan o dumalaga at hinliliit. Pampatalas ‘to ng isipan kaya akmang-akma sa mga gunggong na walang magawa sa buhay kundi tumanga na sanhi upang maging talamak ang katangahan… yeah, we define what we become in what we do... do nothing, you’re nothing.



Inaantig ng gyan mudra ang ductless pituitary and endocrine glands upang unti-unting mag-agas ng kanilang katas… para maapula, maampat, malunasan ang mga tinatawag na mental disorders, learning disabilities, depression o mga kapansanan sa isipan. Mas mainam kung haharap sa silangan, tig-45 minuto sa bawat tatlo o higit pang mudra meditations araw-araw.



An’tindi yata kung sasabakan ng push-ups habang nasa gyan mudra ang kamay… nasasanay sa mas malupit na gagap—clasping at, grasping of both objects and subjects. Indeed, the hand is mind’s cutting edge… at mabilis pa sa lintik ang kamay na ginigiyahan ng isipan. Hindi lang tatag ng pulso’t bisig ang nabibihasa sa ganitong push-ups na bahagi ng pagsasanay sa eagle’s claw technique… higit na nagiging matatag, masigla pati isip at lirip.



Oo nga pala, karaniwang sa kanang kamay isinasagawa ang mudra… para malaya ang kaliwang kamay upang maghalungkat sa anumang lungga at lungaw, pumindot-pindot-- well, print journalists are legitimate members of the press—sa tinatawag na Grafenberg spot, which is located about two inches deep at the anterior part of the mons pubis.



Pampalakas ng puso, pampawasto ng tibok nito, pampaalis ng hypertension (sapat na ang 15 minuto sa araw-araw) at pang-iwas din sa myocardial infarction or heart attack ang mudra ng puso—apana vayu mudra which also helps regulate the excretory system and reduce gastric problems… nakatuon ang hintuturo sa bundok ni Venus o ang matambok na puluhan ng hinlalaki, magkadikit ang mga dulo ng hinlalaki, hinlalato at palasinsingan.



Mudra ng bathala ng kayamanan ang nabubuo habang pigil ng kamay ang pluma sa pagsusulat… mas matindi nga ang bisa kung taimtim ang tuon ng isipan sa isinusulat, sapat ang 68 segundong todo tuon upang matupad ang kahilingan na isinaad sa sinusulat… sa giit nga ni Philip K. Dick, with such words of all-out intense focus, the fabric of reality is changed. What is sought is found; what is asked, given.



Kaya hinihiling po sa mga masugid na mambabasa nito, magsulat-kamay sa hatinggabi… buong taimtim na isulat sa papel, “Ipatikim sa Alberto Agra, kalipi’t kasabwat ang sinapit ng 57 katao sa Ampatuan, Maguindanao. Allahu Mumitu akbar!”



Pwe-he-he-he!

Comments

Popular posts from this blog

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Hardin at basura

ni Abraham Arjuna G. de los Reyes May hardin kami sa loob ng bakuran. Meron din sa labas sa bakanteng lote na tapat ng tindahan na konti lang ang layo. Yung hardin namin sa loob ay malago at kumpulan ang mga halaman. Wala na kaming matataniman sa loob. Laging basa ang mga halaman dahil lagi sa amin umuulan. Kapag walang ulan, dinidilig. Sa kinatatayuan ng mga halaman ay mga pasong basag. Mabato ang daanan sa hardin. May mga kalat na shell ng oysters. Dito gumagala ang mga alaga naming pagong, manok, aso, palaka saka mga gagamba. Sa hardin namin sa labas na tapat ng isang tindahan ay malupa. Tabi ng hugis bundok na tambakan ng basura na mabaho at malansa ang amoy. Mataas ang lupa kaya ginawa namin na lang na parang terraces na tawag sa Tagalog ay “payaw”. Ang pagpapayaw ay madaling gawin. Kumukuha kami ng asarol o “mattock” sa English. Ito ay isang metal na walang matulis na talim sa dulo at ito ay nakasuksok sa dulo ng hawakan. Ginagam...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...