TATLO daw ang mga kinagigiliwang gawi o habit sa araw-araw ng mga bilyonaryo: (1) Magsanay ng katawan, (2) “Follow your passion, (3) Read. A lot. At least two hours a day, but many said they read four or more hours a day.”
Kaya naman sigurong gayahin—monkey see, monkey do. Baka nga maging tuso tulad ng matsing na napaglalalangan din paminsan-minsan. At makapulot ng sanrekwang diskarte mula kung anu-anong aklat, libro’t tomo (ladies’ drink yata ang katumbas ng toma bago tamaan ng lindol at aftershocks, shaken, not stirred)…
It’s quite tough to read between the lines or between the thighs. Talagang pagpapawisan nang malapot… lalo na kung higit nga sa apat na oras na magbabasa—does that last word translate as reading or inundating?
Halimbawa’y “know yourself, know the enemy; in a hundred battles, a hundred victories.” Parang Sun Tzu din ang tagubilin ni Socrates—“know yourself, the unexamined life is not worth living.”
O ‘yung giit ni microchip pioneer Gordon Moore noon pang 1965… “The capacity of computing power contained on a single microchip will double every two years. As computing power doubles, its cost will decrease to half as much.”
Sa makinilya nagbuno ng term papers and thesis sa loob halos ng dalawang dekada. Sa pagpasok ng bagong dantaon, nakasantabi na ang makinilya… computer na ang gamit na alipin sa pagsusulat, pananaliksik, pati paglalaro’t paglilibang. Mas maginhawa na ang gawain, lalo sa professional knowledge worker.
Aakalain bang ang kagaya ni Joey de Venecia III—tumatakbo ngayon sa Senado, iboboto ko-- na noong 1965, telephone switchboard operator ang naging summer job sa isang gusali sa Makati… rotary dialing system pa ang mukha ng telepono noon… so he followed his passion over the years, nagnegosyo, nakapaglatag ng computer-based national broadband network sa ilang bansa sa ibayong dagat… pero nasilat lang ang proyekto sa Pilipinas dahil sa multi-bilyong tong-pats ng mga hayok—bang broads lang ang alam ng mga kupal na ‘to-- na kampon ng Malacañang?
‘Tangna, diskarte sa pamumuhay ng kalapit-bahay ang pilit na sinusuri’t inuuri ng mga matagal nang bangkay… talagang walang kabuhay-buhay ang mga gunggong.
May kahirapan kasing mag-unat-unat, mag-inat-inat sa isipan at utak—lalo na kung wala ka pala noon, mwa-ha-ha-haw!
Mas madali ngang pandayin at ihasa ang katawan sa kung anu-anong gawain… neither rust nor dust settles on a blade constantly honed.
Kahit na baryanaryo pa lang, madaling gayahin ang gawi ng mga bilyonaryo upang tahasang masupil ang kahirapan: (1) Magsanay ng katawan sa gawain, (2) “Follow your passion, (3) Read. A lot. At least two hours a day, but many said they read four or more hours a day.”
Comments