SINAMPAHAN ng kasong sibil ang dalawang survey firms kaugnay ng mga inilabas nilang kuro ng mula 1,200 o higit pang bilang ng taumbayan sa pinagnanasaan nilang ihalal na Pestedente sa Mayo 10.
H’wag nang ihambalang pa ang nasabi ni Charles Prestwich Scott yata, “Comment is free but facts are sacred.”
O kahit ang giit ni Mark Twain, “Get your facts first, and then you can distort them as much as you please.”
O ang ‘kainis na hirit ni Dr. Thomas Fuller: “Get the facts, or the facts will get you. And when you get them, get them right, or they will get you wrong.”
Sa madaling sabi, hindi magandang kasuhan ng paninira ng puri o paninila ng pera ang sinuman sa higit 1,200 taumbayang sampay-bakod na nasukol, binuhusan ng tanong at sumagot kung sino ang kahayok-hayok na kanilang iluluklok sa trono ng MalacaƱang. Aba’y sinuman ang nais lumublob sa kumunoy, kailangan munang arukin ang lalim—o babaw—ng paglulubluban… ‘hirap yatang umahon sa kumunoy, ‘di ba?
Pulos kuro lang ang inilahad sa dalawang survey firms… na kumalap lang ng mga kuro-kuro, tinipon, saka inilabas sa madla. Napakahirap kasuhan ng 1,200 o higit pang taumbayan sa kanilang kuro… kaya ‘yung dalawang survey firms ang isinakdal sa hukuman.
Parang hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay—‘yung mga inungkat na sampay-bakod ang talagang ibig kasuhan… eh, ano’ng magagawa natin kung mas marami ang nais bumoto kay Noynoy Aquino? O kahit taksan-taksan na ang nilustay sa suson-suson, pampadugo-ng-taingang patalastas, si Money Villar hindi pa rin makapatas? ‘Buti pa si Gibo, ‘ala na lang kibo…
Gumugulong marahil sa kakahagikgik sa kanyang libingan ang aming katotong Eleazar S. Lopez… na sakaling naungkat ng alinmang poll opinion surveyor, tiyak na isisiwalat ang kanyang ‘kakainis na kuro: “Kahit na sinong unggoy ang maupo sa Palasyo, tatakbo pa rin ang gobyerno. Puwede na si Kingkong.”
Iba naman ang aming napupusuang paraan— piso lang santaon ang sahod ng Pangulo, wala nang pork barrel and intelligence funds… hindi naman ‘to monkey business process outsourcing para makatipid kaming taxpayers… dalawa lang ang napupusuan namin na mailuklok sa MalacaƱang…
Una, si Salvador Enriquez na naging kalihim sa pambansang panustusan ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos. Astig sa statecraft and straight-as-an-arrow—that’s our Badong.
Pangalawa si industry taipan Lucio Tan who can be CEO of Philippines, Inc.
Kung gusto pa ninyong magdagdag ng ikatlo, alam naman ng kahit na sino ang kursunadang isagupa ng Diablolo… Pisteng Yawa por Pestedente!
Sabi kasi ni Yahweh ukol sa pamamahala ng bansa, sa Jeremiah 27:5, “I can give it to whom I please.” Pati nga sa Ecclesiasticus 10:4, “The government of the earth is in the hands of the Lord, he sets the right man over it at the right time.”
Nakatikim na tayo ng tomang panahon. Sana’y ito na ang tamang panahon.

Comments