MADALAS sumimple sa aming tanggapan ang nanay na ‘yon, nagbubungkal sa information superhighway, ginagawa ang takdang aralin ng kanyang anak… sinabihan ko minsan-- siya dapat ang balik-eskuwela… anak niya ang magtrabaho.
Sa pagtuklas karunungan, bakit magulang ang masasalang at masasangkalan? Sabi nga, finders keepers, losers weepers.
Musmos lang ang sinusubuan… kahit naman mga inahing ibon, sinusubuan ang kanilang inakay. Pero inakay na hindi makalipad ang kailangang lumulon at magsalin sa sariling katawan ng sustansiya ng nilulon.
Kahit naman sa salpukan, hindi kailanman lumusob sa gitna ng ruweda si Pacmom para lansagin ang katunggali ni Pacman… sa pagkabata, masayang matutong tumindig sa sariling paa, lumakad ng sariling hakbang…
We merely guide them to learn to learn… and that’s the bedrock of neuro-linguistic programming (NLP)… uh, that’s how we inculcate critical thinking and responsibility in our children… they have to think for themselves.
NLP must-have basic: a 500-volume library in the home, so recent findings show. It’s like wading, slogging through, chatting up in earnest the best minds on hand.
Knowing, even by reckoning of the Scriptures, entails parting out the pages as a lover does with the thighs of his beloved, then plunging deep… knowledge is such an orgasm, never conveniently available like a harlot but must be sought and wooed.
Pero papasok lang kapag tumindig.
Mainam na matuto silang tumindig kaysa sumandig. Matuto silang tumuklas kaysa umangkas… finders keepers.
‘Hirap masukat ang bumbunan ng mga guro na idinadamay pati ang magulang sa mga bigay nilang takdang aralin sa mga bata… ‘kakapika… parent-child bonding through academic torture ba ang pakay nila?
Wala akong anak—apat sila-- na nabitbit sa Pambansang Aklatan… naisama sila sa Goethe Institut para manood ng mga pagtatanghal at magbungkal ng mga album ng tugtugin nina Bach at Handel… naisamang maghalungkat sa H. Otley Beyer collection of monographs na nasa pag-iingat noon ng lumisang Odette Alcantara… mas madalas na ipagsama sila sa mga pagkilatis sa kung anu-anong halaman sa Sierra Madre, Makiling, at iba pang kasukalan—na hindi kailanman napabilang sa kanilang takdang aralin sa eskuwela.
‘Tol, meron din nga palang aklatang tinutustusan ang mga Ayala, ‘yung nasa parkeng katapat ng Manila Peninsula Hotel sa halos kanto ng Ayala at Makati Avenue…. Astig ang kanilang Filipiniana collection— itaboy mga bata mo do’n o dapat yatang mga guro nila ang nagbibitbit sa kanila do’n ‘pag may ipapabungkal tungkol sa mga bayani’t kasaysayan ng bansa… astig din ang Filipiniana sa aklatan ng alma mater namin ni Manuel F. Martinez, UE-Recto… at may seksing librarian sa aklatan ng Kamara sa Batasan Hills pero tinangay ko na, este, may tinangay akong dalawang libro… hindi ko pa naisosoli ‘yung love… oops, librarian…
Ano nga sabi ni John Brockman? "Value is in activity. A total synthesis of all human knowledge will not result in fantastic amounts of data, or in huge libraries filled with books. Information is process. There's no value any more in amount, in quantity, in explanation."

Comments