MATUNOG, malutong na “Opo!” ang madalas, madulas na namumutawi sa bibig ng apong Musa. Natutong gumalang… train a child in the way s/he should go and when s/he is old, the train just keeps going, going, and going on and won’t be derailed from its tracks.
Sa susunod na mga aralin, iba pang mga anyo ng paggalang ang nakatakdang mapulot ng lumalaking paslit… reiki mula sa mga katagang “paggalang” (rei) at “lakas ng buhay” (ki).
Pagmamahal na bihis daw sa payak na kasuotan ang pitagan—na mahihinuhang mula naman sa “gaan ng pita o puso”. Mas malalim na katuturan ng paggalang.
An easy, breezy, light-hearted demeanor is at the core of courtesies…
Mauungkat din na ang reiki o paggalang sa lakas ng buhay ay isang sinauna, mabisa, likas na pamamaraan upang lapatan ng lunas ang iba’t ibang sakit at karamdaman sa katawan.
To heal is to make the disparate and desperate whole—to integrate, to bring together the missing or broken parts. Integrity is to wholeness, corruption to the sick, decaying and rotten to the core.
Marunong yumukod bilang pitagan ang mga uhay ng buntis na palay sa araw, hangin at ulan—all the useless, barren chaff does is empty erection.
Marunong yumukod na tanda ng paggalang ang mga sanga na hitik sa bunga… may mabigat na dahilan ang kanilang pagbibigay ng pitagan sa lupa… that which abounds differs from the moribund.
Aba’y low, low ang bigkas ni Musa sa masuyong pagtawag sa ‘kin… talagang tumukoy sa pagpapakumbaba… sa reiki.
Ganoon ang kalakip ng paggalang—it’s a power for healing, for sound health, for everything wholesome, for integrity.
Sa paggalang bumubukal ang kakayahan sa paglunas, sa paglutas. Pati na pag-utas.
Dumadaloy kasi ang ki sa paligid, sa mga malusog at matibay na katawan— ng tao, hayop, o bagay.
Nag-uugat ang mga kapansanan at pinsala sa katawan kapag may sagabal o hadlang sa pagdaloy nito… does “body” also apply to the body politic?
Of course.
Pagwawalang-bahala sa kapakanan ng sarili at iba ang kawalan ng pitagan. Nauuwi sa pagsasamantala. Sa abuso.
So, corruption becomes a way of life… which negates life itself.
At walang kukurap kahit dumarami ang nakalublob sa hirap—karaniwang sa pamumuhay, hindi sa pagsisikap at pagsisipag para sa ikabubuhay.
Let me pay respects to my elders… the honor I accord goes back in manifold ways, so much change is returned after payment.
Let me pay my respects to those who thirst to learn at my feet or on my knees… such respect is requited and multiplies a hundredfold as the learning will be imparted at their feet or on their knees… long after I have departed.
Crime does not pay respects.

Comments