MERON bang aso na sasagpang sa amo kapag hindi pinakain? Wala yata.
Aba, sinaunang paniwala na bawas sa malas at masamang karma ang pagpapakain sa aso. Nagbabadya nga ang magandang kapalaran at tagumpay kung makakasalubong ng aso na may sakmal na pagkain sa bunganga…
Sa ilang nayon ng Pambuan sa Gapan, Nueva Ecija natatandaan pa marahil ang kung ilang himala-- nagpagaling sa mga maysakit, nagtaboy ng mga mandarambong at nagbungkal ng nakabaong gusi ng ginto ang aso daw ni San Roque…
Kaya imahen niyong aso ang sinasabitan ko ng tuhog ng sampagita hanggang sa ngayon… maisasama sa paglilitis sa mga Ampatuan at kampon… baka magbungkal ng itinatagong kayamanan… kapag may sinagpang… nilamon nang buhay, tinding katibayan na may magandang kapalaran at tagumpay kung makakakita ng asong may sakmal na tipak ng pagkain.
Naumpisahan kasi sa pagpapakain sa alaga… kung sigbin, kailangang duruin ang daliri’t ipasipsip ang dugo… gano’n din raw kung mga kulisap na pambarang ang alaga… mas mainam ngang pumili na lang ng biktima para lapangin ng sigbin o kulisap-barangan.
Sa kung ilan na ring panayam sa mga nag-iingat ng agimat at karunungang lihim, nagtutustos din pala sila ng pagkain sa kanilang mga alaga. Kailangan palang busugin. Para hindi magtampo. Para hindi raw sila iwanan o balikan ng bigwas. O maghingalo, tuluyang mamatay sa gutom ang inaalagaan…
Hindi naman pala pihikan sa pagkain ang kanilang mga “alaga.”
Hindi tulad ng kaliyab na dilag mula Seoul, South Korea… papansinin kang kulang daw ang katawan sa ilaw o biophotons—mula mga pagkaing hilaw, karaniwang organically grown vegetables pero kasama na rin ang lantak sa netherlands o ang lawak ng ari-ariang lupalop na may halimuyak ng baba, eh—kaya hindi raw maglalagablab, hindi magliliwanag… walang makikita sa dilim.
At kapag kulang ang katawan sa biophotons o liwanag ng buhay, tiyak na ang singkapan ay laging matamlay… hindi makakayang maglaro ng apoy o magliyab kahit sulsulan ng kaliyag. (Hindi rin makabuo ng bata…)
Ayon sa mga nakapanayam, ang mga iniingatan daw nila’y tila matimtimang birhen na nakukuha-- ang poder-- sa dalangin.
Talagang pinapakain ng dalangin. Isinasagawa ang kainan bago matulog sa gabi’t pagkagising sa umaga.
Aba’y parang katumbas ng ideya sa constant supply of information… nabungkal kamakailan sa Scientific American, information converts to energy… at lapat din sa pangangalaga sa mga agimat at karunungang lihim… kapag lubusang natutustusan ng ganoon ang iniingatan, tiyak na matindi ang energy level… powerhouse.
Pero kapag puyat sa walang katapusang laklak o talak, tiyak na makakaligtaan ang pagpapakain bago matulog sa gabi… mawawaglit na rin pati pakain pagkagising sa umaga, tiyak na hilo sa liping o hang-over…
Natukoy na rin lang na information converts to energy, that ought to explain why there’s perpetual power outage for the uninformed… kaya walang binatbat ang mga gunggong.

Comments