PABORITONG kagamitan ni Leatherface ng pelikulang “Texas Chainsaw Massacre” at ng angkan ng mga Ampatuan sa Maguindanao para lambingin hanggang magkagutay-gutay ang kanilang mga biktima:
(1) Backhoe
(2) Chainsaw
(3) Weapons of mass destruction
(4) Machete
(5) Jackhammer
Ipadala ang inyong sagot sa (punuan po ninyo ang puwang) para sa mga Smart, Globe, Talk n’ Text, and Sun subscribers… limpak-limpak na milyones at assault weapons na nakalkal sa iba’t ibang mansion ng mga Ampatuan ang gantimpala sa mananalong texter!
Isa lang ‘to sa mga sapak na paraan para maisali ang sambayanan sa makupad-pa-sa-kuhol na usad ng paglilitis sa nabanggit na angkan…
Titipak ng milyones ang telecommunications companies, titipak din sa kita ang broadcast network na maglalabas ng isinasagawang paglilitis… na tiyak na mas tatagal pa ang bawat kahindik-hindik na kabanatang tigmak sa murahan, barilan, gahasaan, dugo’t pira-pirasong laman kaysa 10 telenovela.
Sa mahigit 90 milyong populasyon ng bansa, natukoy kamakailan na pito bawat 10 or a high 70% have been keenly following the slowpoke judicial process that the Ampatuan clan and the relatives of 57 Ampatuan Massacre victims are going through.
Malinaw na malinaw: there’s a huge market demand here… talagang kailangang samantalahin lang ng Kapos-Puso, Kapal na Milya, o Kapatid-patid ang pagkakataon. Market development strategies direly needed for a gross and engrossing reality TV show.
Pwedeng salpakan ng quiz portion, “Kakasa Ka Ba Sa Grade IV Lang Ang Natapos?” Siyempre, mas kuwela ‘to’t talagang makawiwili sa madla— aba’y tumbok agad ang educational attainments ng pinuno ng angkan…
Dapat na sahugan ng sangkatutak na backgrounder, highlights and sidelights, mas masaya kung re-enactment ng, halimbawa’y pagkatay at panggagahasa sa mga nabiktima.
Maisasalaksak ang parang “Lifestyle of the Filthy Rich and Infamous” na nakaluklok sa lalawigang ikalawa sa pinakalublob sa kahirapan sa buong bansa… paborito kaya nilang lumantak ng lechon de leche o crispy pata?
Dapat din yatang kalkalin kung bakit hindi pinapatawan ng fatwa ang angkan kahit na suson-suson nang kasuka-sukang krimen ang kinasangkutan…
Ubrang ipaghambing ang diskarte nila sa diskarte ng iba pang political warlords sa iba’t ibang lupalop sa Pilipinas… para mabigyan sila ng tamang popularity ratings at mailantad sa balana ang mga pinakaastig na angkan sa bansa sa larangan ng pulitika’t giyera.
Siyempre, masaya ring ibandila sa madla kung sinu-sino ang kani-kanilang padrina’t padrino sa pamamayagpag.
Masayang ibuyangyang sa madla ang makadagundong-tumbong na acceptance fee atbp. bayarin sa abugado de kalembang na nahirang na tagapagtanggol ng angkan. Legal talk isn’t cheap, the costs are staggering, even mind-numbing.
Kayang-kaya ng brainstormers ng iba’t ibang networks na magbunton ng mga masayang pakulo para hindi magsawa ang sambayanang miron sa pagsubaybay…
At lalong masaya kung ang limpak-limpak na milyones na kikitain sa realiTV, bahaginan ang mga naulilang pamilya ng 32 peryodistang pinaslang sa malagim na Ampatuan Massacre.

Comments