SARAP sigurong sampigahin sa bumbunan ‘yang mga guro ng anak mo, ‘tol… para matauhan. Gano’n din naman ang karamihan sa mga naging guro natin. It’s likely they haven’t learned to learn.
Kaya yata may nagpasaring, “Those who can, do; those who can’t, teach.”
Umaasa’t umaasam tuloy sa mabubuklat na mga kuntil-butil sa mga aklat… it’s imparting a scheme so devious on what a kid’s mind ought to think… what’s and whatnots galore.
I’d rather have how to think… ‘Yun ang diskarte ng nabanggit na dito. Neuro-linguistic programming. NLP-- to speak in a language of the mind.
Kahit madalas o madulas (malaswa-- tumutukoy sa mga gulay na mayaman sa lutein, vitamin A, C and minerals na tinimtim sa tuyong tagunton, binudburan minsan ng durog na sitsaron at sinabawan ng katiting na hugas-bigas) ang ibinubukakang sulat sa pitak na ‘to, talagang mga bumubukadkad na diwa ng kabataan ang inaasinta… there’s profound sense of nurturing responsibility to my readers.
I’d rather have their minds in glowing arousal.
Paano ba mag-isip si Dr. Jose Rizal… si Kim Woo-choong, Albert Einstein, Nikola Tesla, Johannes Kepler, George Washington Carver, Bodhidharma, Li Chi-yuen, Zhuge Liang, Sun Tzu, Wang Xiang-zhai, Musashi Miyamoto, Kung Fu-tse? (An’dami kong sinakyan, hinahangaan na hindi naman mga artista.)
Puede namang tularan ang pamamaraan nila sa pag-iisip… at gano’n ang simpleng diskarte ng guro… hindi magtututuro ng kung anu-anong daan… tiyak na matitiyanak, makikipagtaltalang walang katapusan ukol sa dating daan at tamang daan.
Hindi daan kundi paraan.
Not what’s and whatnots to think, just the simpler how to think… kasama nga ang kalibugan sa whatnots-- hindi raw dapat pag-ukulan ng isipan.
Gano’n ang buod at ubod ng natumbok ni John Brockman: "Value is in activity. A total synthesis of all human knowledge will not result in fantastic amounts of data, or in huge libraries filled with books. Information is process. There's no value any more in amount, in quantity, in explanation."
Nasa unang baytang noon ang aming bunso, inungutan akong manood kami ng Casper sa sinehan… tayuan, siksikan… may dalawang oras na nakasampa siya sa aking balikat… siya lang ang nanood… anit lang ng nasa harapan ko ang napanood sa dalawang oras…
Ba’t makikisakay sa lakad ng mga punggok, unano’t gunggong na bugok?
Masayang sumampa, sumakay at maluklok sa balikat o batok ng higante. Para mas malayo ang makita, mas mataas ang maabot. Anumang daan ang kanilang binaybay, hinakbangan, pinatunguhan… magiging kasama sa lakad ang sumampay sa kanilang batok o balikat.
At sa ganoong lakaran, walang kahirap-hirap ang nakasakay.
H’wag lang malikot o maharot—baka malaglag.
Neuro-linguistic programming. NLP-- to speak in a language of the mind.

Comments