BALISONG at tipak ng hasaang karborondum ang binili sa katayan na paradahan din ng baka, kambing, baboy, katutubong manok… meek minions delivered by their leaders to the, uh, “slaughter is the best medicine.”
Kung P100 kasi ang halaga ng isasalya, P11 ang karaniwang balik na kita… aabot sa P14.40 kung ilulutong pagkain, ititingi, ay, both God and Mammon dwell in the retail—batay ‘yan sa konserbatibong tuusan batay sa mga presyong umiiral sa mga huling taon ng dekada 1990.
Hindi naman kikitain mula ititinging kalakal ang mas mahalaga.
Kahit medyo makunat at katiting ang taba, sikat sa lasa ang bakang Batangas—na hinahango ang iba mula Masbate, Mindoro….
Kumpay o samut-saring damo lang kasi ang pagkain ng mga ito—and grass-fed beef is a lot healthier and safer than the grain-fed counterpart shot through and through with growth hormones and wide spectrum antibiotics.
Medyo mas mataas ang presyo ng bakang kumpay o native organic cattle kaysa sa mga naglipanang angkat mula Australia… pero mas kaya naman sa bulsa kaysa wagyu at Angus.
‘Yang paglantak sa mga angkat na karne ang matutukoy na sanhi kung bakit mistulang balyena ang tabas-katawan ng maraming musmos ngayon… na edad 9-10 lang, nireregla na… they’re practically ingesting all the growth and fat booster hormones and a cocktail of antibiotics and other chemicals that goes into the make up of assembly line-raised livestock.
Idagdag pa na genetically modified grain feedstock ang nilalamon ng mga naturang hayup… at unti-unting napapatunayan ang hinalang genetically modified crops ang sanhi ng pagkabaog ng mga mahiligin dito. How’s that for population management?
Opo, nanggigitata sa antibiotics ang imported livestock na naglipana sa pamilihan—kaya industrial-strength antibiotics ang kailangan ng mga mahilig lumapang ng karneng angkat… kahit sa karaniwang sipon. Sa iba pang sakit, aba’y lumilitaw na may sabwatan ang multinational pharmaceutical companies, ang health professionals, at ang global agro-livestock industry upang magpakalat ng sari-saring sakit at karamdaman… limpak-limpak ang kita nila.
Natuto sa sinabi noon ni Paracelsus, “lunas ang pagkain.”
Ginawa naman nilang sanhi at ugat ng samut-saring sakit, karamdaman at pinsala sa kalusugan ang ipinagbibili nilang pagkain.
Oo na, mas mura ang pagkain sa fastfood franchise outlets, mas mura ang angkat na karne… nakamura pero magmumura.
Sa huling tuusan, huhuthutin lang din ang bulsa ng mga tumatangkilik sa kanila… tiyak na sa botika, klinika at ospital ang kalaunang punta.
Kaya hihimukin ang katotong Willy Valdez para magsalya ng karneng Batangas sa kanyang teritoryo… kikita siya.‘Dre meron na ‘kong dealer’s price list… usap tayo.
Pipilipitin ang braso ng dalawang kumare para magtingi ng karneng Batangas sa kabahayan sa kanilang lugar. Kikita. Kikita’t kikita.
Hindi man batid ng mga bibili, pagmamalasakit din ang pagtitingi sa kanilang kalusugan… sa kanilang kapakanan.
At tahasang pagtangkilik ang ganitong kabuhayan sa kapakanan ng mga nagbabaka sa Batangas, Marinduque, Masbate, Romblon, at Mindoro— mga kapwa Pinoy.

Comments