Skip to main content

27

“Grace isn't a prayer before a meal. It's a way of life.”

AN’DALI talagang magtaboy ng biyaya’t magandang kapalaran na papasok sa alinmang tahanan, ‘tol—ipagpag lang sa harapan nito ang alikabok, putik o dumikit na dumi sa sapin sa paa… such a deadly curse.

Naasaad sa Kasulatan ang ganitong paraan ng mga mananampalataya… hindi na lang tumatalab— marami kasing pekeng Muslim at Kristiyano, faith is just a lame excuse, a criminal alibi for their ilk.

Kakaiba ang natutunan… ipagpag kahit ilang ulit ang magkabilang paa sa tagiliran ng sikmura, tuhod, dibdib, sentido ng dadaluhong…mabisa talaga… renal failure or cardiac failure ang kasunod… paraang taekkyon mula Korea.

Iba ang paniniwala sa India para mahikayat na lubusang manatili sa pamamahay ang sangkatutak na biyaya… ang mga bahagi ng pamamahay ay inilalaan sa iba’t ibang bathala at bathaluman… lares et penates, the household gods in a Roman abode.

Kapag umiiral ang ganoong paniniwala at pagtitiwala, tiyak na gagawing masinop, maringal na dambana ang iba’t ibang bahagi ng pamamahay… katuwang at kasama pati na sa pamumuhay ang mga bathala’t bathaluman.

What a life shared with the divine!

Linawin natin, ‘tol. Access to and practice of such quaint belief is rather restricted to the upper crust… ask me not why I have access to and freely ply such knowledge.

‘Hirap namang aminin na talagang samlang at salaula sa pamamahay pati pamumuhay ang mga dukha… pero hindi nasisilaw ang mga bathala sa panlabas na anyo ng bahay… makinis na kalburo’t marmol ang lantad na mukha ng nitso.

Hindi kasi nananatiling nakalublob sa hirap at dalita ang nagsisinop. Tiyak na umaangat ang antas ng kabuhayan.

Kung ang mga nahahawakan, nakikitang bagay ay hindi masinop… paano pa sisinupin ang mga hindi mahahawakan ng palad o masisipat ng paningin?

Sa paniniwalang feng shui, napapalis ang mga sagabal sa magaang na pamumuhay tuwing magliligpit, magsisinop ng 27 bagay sa alinmang bahagi ng pamamahay.

Hindi naman mahirap mag-imis ng mga nagkalat o nakatambak na kagamitan… 27 lang ang ililigpit para gumaan ang tinatawag na ki or life force. Say, clutter impedes-- even wears out-- the easy flow of such a force that permeates life.

Sa feng shui, nahahati sa walong bahagi ang pamamahay—at mas nakalublob ang tutok sa timog silangang bahagi na kumakatawan sa kayamanan at kasaganaan… nakakaligtaan ang pagsisinop sa iba pang mahalagang sangkap sa maginhawang pamumuhay.

Para sa tulad namin na panulat ang bukal ng salapi, madalas na magsinop sa gawing hilagang silangan— na batis ng karunungan at dibdib ng lupa ang pumipintig… nakabunton dito ang malalaking bato, sagisag na pampatindi sa lakas ng magkatuwang na katawan-diwa… aba’y napakalaking tipid sa gastos kapag ligtas sa sakit at karamdaman.

Pamumuhay na puspos ng sagisag at sigasig ang takda ng feng shui… what a way to live!

Oo, hindi na kailangan ng mga paputok at pailaw sa bawat bisperas ng bagong taon… mas mainam na maglagay na lang ng siyam na matulis na bagay sa gawing timog na sagisag ng kasikatan at hinaharap… si Jena Fetalino lang kasi ang nakapansin sa tulis ng inyong imbing lingkod… bilis sa suksok-tulis sa bahaging timog o hinaharap ng mga dilag…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...